Yanna
Bandang alas 6 na kami ng gabi nakarating sa hotel na pagtutuluyan namin and hell this hotel cost about 800 dollars per night.
Punyawa sino sa mga SSG officer ang nagsuggest nito. Ni hindi man lang umabot sa binayad namin.
This hotel is the most prestigious and famous hotel here in Maldives. Halos sumobra sa 5 stars ang rating nito.
Kaya sinong damuho ang nagsabing dito magiistay. Akala mo talaga mga mayayaman e mga palamunin lang naman ng mga magulang nila at syempre kasama ako du'n pero may hot sugarmommy naman na ako.
"Okay Everyone gather up!" Sigaw ni Alina at pinalakpak ang kamay para itipon kaming lahat sa may lobby.
Halos nasa 50+ rin kami at baka mapuno namin ang hotel na'to sa dami namin.
"We made some rooms reservation and they only have 30 rooms available. Count one by one to divide the rooms." Saad niya.
Nagsimula naman magbilang ang mga kasama namin.
"8."
"9."
"10." Bilang ko.
"Shuta naman kasama na naman kita sa kwarto mare ano ba 'yan!" Nakataas kilay na nilingon ko ang nagreklamo dahil ako ang makakasama niya sa kwarto at sinabayan ko na rin ng batok.
Aba nagrereklamo pa ang gaga. S'werte na nga siya at ako ang makakasama niya.
"Pasalamat ka nalang at isang Yanna ang makakasama mo sa kwarto." I said and rolled my eyes on her.
"Nakakasawa na kasi. Palagi nalang!" Ungot niya at mukhang magtatantrums pa.
"Tigilan mo'ko Vara. Gusto mo lang makasama si Miss Cortez kaya ka nagrereklamo diyan." Inismiran ko ito at tinalikuran dahil ang pangit niya.
"Fax!" I heard she said but I ignored her.
Panay pa ang reklamo niya pero wala na akong pake dahil may hinahanap akong tao na kanina ay kasa kasama ko lang sa eroplano.
Nang makalapag na kasi ang sinasakyan naming eroplano ay agad na humiwalay ito sakin na siyang kinatuwa ko naman kahit papaano kasi para bang sinusunod niya ung sinabi kong walang dapat makakaalam na magkasama kami kahit na alam ng mga estudyante na parehas kaming may dugong bughaw.
Inilibot ko ang mata sa paligid to find that woman who's bothering me everynight, everyday, every hour, every minute, every second and every millisecond.
But only to see an eyesore.
Potahamnida.
Sa lahat ba naman ng p'wedeng maglandian dito pa talaga sa maraming tao.
I scoffed and rolled my eyes in annoyance when she noticed that I'm looking at them.
Mga nagtatawanan pa e. Akala mo naman may nakakatawa sa pagmumukha ng kabit niyang mukhang mantika.
"Mar—"
"Tigilan mo'ko Isla Vara baka ihampas ko sayo ang hawak kong duffle bag. Wala akong panahon sa tantrums mo."Mataray kong saad.
I crossed my arms above my chest and made my face poker.
Bigla akong nawalan sa mood at parang gusto ko nalang matulog at mapagisa.
Naalibadbaran ako sa mga tao ngayon nakakadagdag sila ng inis.
"Sasabihin ko lang sana na room 69 ang kwarto natin sa may third floor."
Hindi ko ito sinagot bagkus kinuha ko nalang ang maletang dala ko na binigay pa ni Visarius kanina Pagkarating rito sa hotel.
May pasabi sabi pang seperate ang boys pero kung makapaglandian wagas.
YOU ARE READING
The Contract
FanfictionMare Series Three [GXG] StudentxTeacher Signing the contract means you're agreeing on the terms and policy. Reputation. Drown in tears. Does the feeling is mutual? DATE STARTED: 2/7/22 DATE FINISHED: 8/19/22 DISCLAIMERS : CREDITS TO THE OWNER [COMPL...