CHAPTER : THIRTY - NINE

11.3K 415 266
                                    

Yanna

"Beh bangon na!"

"Yanna Danai Vallega!"

"Hoy bading tanghali na kaya! Ala una na ng hapon ano ba!"

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan para hindi marinig ang bunganga ni Visarius na daig pa ang babae sa ingay at lakas.

Ang gandang lagyan ng stapler eh ang ingay.

"Hoy bey bumangon ka na diyan. Hindi maganda ang nasosobrahan ng tulog." Ani niya at pilit kinukuha ang unan sa mukha ko.

"Five more minutes!" Ungot ko sa ilalim ng unan at sinisipa siya para umalis.

"Hindi p'wede! Kailangan mo ng bumangon. Sobrang kalahating araw na ang naitulog mo, Yanna." Turan nito kaya wala naman akong nagawa kundi alisin ang unan at bumangon na.

"Ito na bumangon na ako kaya makakaalis ka na shoo shoo!" Pagtataboy ko sa kaniya na tila aso at pinagsisipa pa.

Maagap na umiilag siya sa mga sipa ko at panay daing kapag natatamaan ko siya lalo na sa hita.

"Aray! Beh ano ba masakit!" Daing nito.

Pinandilatan ko siya ng mata at sinenyasan na lumabas na siya kung ayaw niyang kinabukasan niya ang isusunod kong sisipain.

"Ito na nga!" Sigaw niya at tinakpan ang kinaiingatan nito bago kumaripas nang takbo palabas ng guestroom.

Napabuntong hininga ako doon at napasalampak ng upo sa kama bago tumingin sa kawalan.

Ngayong araw ang pagkikita namin ni Oliver eh kaya hinanap ko 'yong Phone ko para tingnan kung may mga messages niya.

Dapat kahapon 'yon sabado pero sinabi ko sa kaniya na magpapahinga muna ako at okay naman daw sa kaniya 'yon. Bale bukas na ang engagement proposal chuchu niyang hatdog.

Nakapag isip isip na rin ako.Papanindigan ko nalang itong tulong ko sa proposal niya. Tanga na kung tanga pero para kay Elle gagawin ko.

She's eager to be with him that's why I'm helping.

Alam naman niyang gusto ko siya at alam niyang hanggang du'n lang. Mabuti na lamang at hindi ako napaamin nu'ng lasing ako kung hindi malaking problema 'yon lalo na sa part ko.

Hihikab hikab pa akong nagiiscroll ng inbox ng may isang notifications ang nagpalaki ng mata ko at nagpagising sa diwa ko na siyang kinakaba ko.

From: Demonyita Elle

Where are you.

This is not a question but a statement. Tuldok gamit niya at hindi question mark.

Chill Yanna si Elle lang 'yan huwag kang matakot, isa kang Prinsesa tapos natatakot ka sa isang Lady Felicity?

Huwag ganiyan tandaan mo ang lahat ng sakit na binigay sa'yo niyan kaya ayos ayusin mo.

Kakadelivered lang ng message ngayon ngayon lang.

I will act cold para cool kami.

Ganito talaga ako kapag nasasaktan eh. Hindi mo alam kung broken hearted o nakamove on na.

Sa una magddrama ako tapos susunod nu'n may kalokohan ng kasama kaya malilito sila. Kahit sila Sierra nu'n todo comfort sakin dahil nireject aKo ng crush ko at nagdrama ng isang araw tapos kinabukasan wala na, balik kalokohan na naman.

But deep inside....

I'm hurting.

I just don't want people know about my emotions. I want to endure all of it without them knowing.

The Contract Where stories live. Discover now