CHAPTER : TWENTY

11.5K 405 98
                                    

Yanna

Bored na bored akong nakayuko habang pinapakinggan ang nagsasalita sa harap. Bakit kasi uso pa ang meeting? Hindi naman ikakaunlad ng University ang ganitong meeting lalo na kung maraming pasaway at matitigas ang ulo kahit sabihin nating mga College students na ang mga 'yan.

"Treasurer Vallega!"

Agad kong naihulog ang hawak kong bottle water dahil sa sigaw na 'yon.

"A-ah yes?" Medyo utal ko pang tanong at inangat ang tingin sa harap.

"You're not listening, aren't you?" Makamandag na turan ni Alina which is ang President namin.

"Nakikinig." Sagot ko sa kaniya.

"What was the last words did I say?"

"Say." Sagot ko ulit.

Nakarinig naman ako ng tawa mula sa ibang mga kaofficer ko na siyang kinagalit ni President.

"You're starting it again Vallega." Tila stress nitong saad at napapahilot sa sentido.

Ngumuso naman ako at tumingin sa gawi nila Isla at Sierra na nakataas ang dalawang kilay at binibigyan ako ng nagbabagang tingin nila.

Wala naman akong ginagawa ah?

"Ah damn this girl." We heard Alina cursed under her breath.

Lah?

"Alina." Mahina ngunit may diin na tawag ni Sierra rito na kinapitlag ng huli at tumayo ng tuwid.

"S-sorry Sierra." May hintatakutan niyang paumahin.

Basta talaga si Sierra ang magsasalita nawawala ang pagiging President nitong si Alina. Parang mas mataas pa ang posisyon ni Sierra kesa sa kaniya. Isang tawag lang ni Sierra tiklop siya o hindi kaya susunod na agad.

Tumango lang sa kaniya si Sierra at pinukulan ako ulit ng masamang tingin bago irapan ng sagad at dinuro duro pa ako na manahimik nalang daw.

Edi tumahimik nalang ako at nakinig na talaga kay Alina baka kasi ako na naman ang makita niya at isigaw ang maganda kong Apelyido 'no.

Nakakaumay na puro ko nalang Apelyido ang maririnig mas maganda sana kung Montemayor na.

Para upgraded.

"We were waiting for the Director to sign our proposals about Fieldtrip to Maldives. Maybe in a week or tomorrow he will give it back to me. And I'll inform all of you again on our chat group. Be alert." Diniinan nito ang salitang Alert at mataman akong tiningnan.

Tamo talagang babaeng 'to ang laki ng galit sakin. Ako na naman ang pinapatamaan sa Be alert na 'yan.

I just rolled my eyes at her which I earned a death glared from her. Ibinato rin nito ang ballpen na hawak at buti nalang nailagan ko siya.

"Yes President." They said in unison.

"And lastly we will having our Foundation day on the 3rd week of january. You can start preparing your department on what booth you're going to make." Tumango tango kami sa kaniya.

Iniayos ko naman ang suot kong necktie dahil medyo nasasakal na ako. Bakit ba kasi uso pa sa college student ang may uniform? Bakit ung ibang University nakacasual lang.

Bwisit.

Naiinitan na rin ako sa suot kong longsleeve at coat. Okay sana kung ung buong hallway may aircon eh pero hindi beh open area lang siya.

Binuksan ko rin ang tatlong butones ng longsleeve ko para maginhawaan ang dibdib kong katamtaman lang ang laki.

May mahahawakan ka pa rin naman sakali.

The Contract Where stories live. Discover now