CHAPTER : TWENTY - SIX

11.6K 402 185
                                    

Yanna

It's been three days since 'yong pangyayari du'n sa bahay at tatlong araw ko na rin iniiwasan si Sierra. Dahil hanggang ngayon ay may sama pa rin ako ng loob sa kaniya.

Kakasabi ko lang na hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa kaniya pero ngayon oo na.

Hindi rin naman niya ako kinakausap kaya iiwasan ko nalang muna kesa lumalala pa ung sitwasyon.

Ngayong araw na rin gaganapin ang foundation day kaya hinahanda ko na ang sarili ko. Naglagay ako ng light make up and put my hair into a messy bun may iniwan rin akong iilang strands at sinuot ko ang isang specs eyeglasses to make it cool.

Ang susuotin lang namin ngayon ay isang white shirt na may logo ng University at pants. Itinerno ko sa paa ang Court Bold Shoes ng adidas.

Nilagay ko na rin sa maliit kong bag ang mga kakailanganin ko like power bank, handkerchief, at most especially wawart.

Nagspray na rin ako ng pabango at nang alam kong ready to go na ako ay lumabas na ako ng pintuan pero gumulat sakin ang pagmumukha ni Demonyita.

"Gagstok ka Elle!" Angil ko sa gulat at napahawak sa dibdib ko.

Nawala ang maaliwalas niyang mukha at napalitan ito ng pagtataray. Taasan ba naman ako ng kilay kasabay ng pag-irap dagdag na rin ang pagismid nito sakin.

"Let's go." Aya niya bago ako talikuran.

Hindi rin nawala sa paningin ko ang pagtaas baba ng tingin niya sakin bago ngumiti ng nakakaloko.

May binabalak ata ang babaeng 'to.

Hindi ko gusto ung ngiti niya eh.

Sumunod nalang ako sa kaniya palabas ng bahay at sumakay sa kotse niya. Pinagbuksan niya rin muna ako para makapasok atsaka ito sinara.

Kinabit ko na rin ang seatbelt ko dahil medyo mabilis magpatakbo ang isang 'to.

Akala mo papunta ka na sa langit.

"What's your booth today?" She asked as soon as she went inside her car and started the engine.

Tinitingnan ko lang ang bawat galaw nito miski ang suot niyang damit na women suit.

Wala sa wisyong napakagat ako ng ibabang labi dahil sa itsura niya. Usually nakauniform rin siya na para sa mga Professor pero ngayon ay may freedom kami to wear what we want but still bawal labagin ang rainbow colors na damit. It should always be white to make it clean.

May freedom pero may bawal.

Hakdog nila.

Nabalik naman ako sa ulirat ko when she pushed the horn a multiple times that made me put my hands on my ear to cover it.

"Hoy problema mo?!" Naiinis kong tanong at binaba rin ang kamay ng tumigil siya.

Tiningnan ako ng blangko bago magbitaw ng salita na siyang ikinapula ng pisnge ko sa hiya.

"I know I'm gorgeous so stop checking me out. I might take you on my bed right away." Pang aasar niya at sinimulan nang magmaneho papuntang University.

Sumandal nalang ako sa Bintana at tumingin nalang sa labas dahil hanggang ngayon ay ramdam ko ang pagiinit ng pisnge ko sa hiya sa sinabi niya.

Tsaka anong 'I might take you on my bed right away'

Asa siya.

Hindi ako makakapayag 'no.

Pero sure ako basta may choke me mommy na madalas kong makita sa tiktok.

"So what's your booth?" She asked again.

The Contract Where stories live. Discover now