Dress
Hindi ko na hinintay pa ang susunod na sasabihin ni Senyorito August. Magalang pa din akong nagpaalam sa kanya bago ako tumakbo pabalik sa kwarto namin ni Nanay.
"Oh, naka-inom ka?" tanong ni Nanay sa akin.
"Opo, Nay..." sagot ko sa kanya.
Abala si Nanay sa pag-aayos ng ilang gamit na nadala namin nang umalis kami sa bahay. May ipinabigay ding mga damit sina Madam Alexandra para daw magamit namin. Tahimik akong umupo sa kama habang mabigat ang dibdib ko.
"Oh, may problema? Humahapdi ulit yung paso mo?" tanong ni Nanay sa akin.
Marahan akong umiling sa kanya. Mula sa aking mga paa ay nag-angat ako ng tingin sa naka-hanger na maid uniform para kay Nanay. Bibigyan siya ng mga Escuel ng trabaho kapalit ng pagpapatira nila sa amin dito.
Libre na ang matutuluyan, ang pagkain, at may sweldo pa.
Bago matulog ay muling nilagyan ni Nanay ng ointment ang paso ko, maging ang mga gamot at pamahid ay si Madam Alexandra pa ang nagpabili para sa akin. Masayado silang mabait kaya naman masyado na daw nahihiya si Nanay.
Maaga kaming naging ni Nanay kinaumagahan. Naabutan ko siyang inaayos ang suot na maid's uniform.
"Wala po akong uniform, Nay?" tanong ko sa kanya.
Tipid siyang ngumiti sa akin. Muling bumalik ng upo si Nanay sa may gilid ng kama para marahang haplusin ang ulo ko.
"Hindi ka naman magta-trabaho dito," sabi niya sa akin.
"Pero gusto ko pong tumulong sa inyo, Nay," giit ko sa kanya.
Marahan niyang pinisil ang pisngi ko bago niya kinabig ang ulo ko para halikan.
"Mag-aral kang mabuti...yun lang ang gusto ni Nanay."
Magkasabay kaming nagpunta ni Nanay sa may kusina para maghanda ng agahan para sa mga Escuel. Almusal lang ang ihahanda namin pero parang pang-fiesta na ang niluluto nila. Halos malula ako sa dami ng pagkain.
"Ang mahal po nito, Nay..." turo ko sa malaking plato na may lamang cornbeef. Halos mapuno nga 'yon.
"Mura lang sa kanila 'yan," sagot niya sa akin kaya naman mas lalo akong namangha.
Mayaman ang mga Escuel, pero gaano kayaman?. Ano bang pakiramdam na maging mayaman? Ano kayang pakiramdam na kaya mong bilhin ang lahat ng gusto mo? Ano kayang pakiramdam na kaya mong kumain ng cornbeef kahit araw-araw pa?.
Isa-isang inilabas ang mga pagkain papunta sa dinning room. Nakahilera sa mahaba nilang dinning table ang iba't ibang klase ng putahe. Kung ano ang pagkain na nakahain para sa kanila ay mayroon din kami sa kitchen.
Iyon ang rinig kong sabi ng ibang kasambahay kay Nanay. Hindi madamot ang mga Escuel lalo na sa pagkain. Pantay ang trato nila sa mga trabahador nila, kung anong kinakain nila ay ganuon dito sa mga ito.
"Araw araw may cornbeef dito," nakangiting sabi ni Nanay sa akin. Para bang kinikilig siya para sa akin.
Hindi din tuloy mawala ang ngiti sa labi ko dahil doon. Mas lalong dumoble ang galaw ng mga kasambahay nang sabihin nilang bumaba na ang mga Escuel para mag-almusal.
Pumuslit ako para sumilip sa may dinning. Una kong nakita ang nakangiting si Don David Escuel habang kausap ang asawang si Madam Alexandra. Lumipat ang tingin ko sa magkatabing sina Senyorito August at Sneyorito Julio.
Nakangiti din si Senyorito August kagaya ng mga magulang niya, samantalang si Senyorito Julio naman ay umagang umaga pa lang pero parang naka simangot na.
BINABASA MO ANG
Nights of August (Sequel # 5)
RomanceThe best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.