Tagapagmana
Puminta ang pagtataka sa mukha ni August. Konti na lang ay maniniwala na akong wala talaga siyang alam. Wala nga ba talaga? O baka nagkukunwari lang siyang gulat at walang alam dahil nahihiya siya sa mga kaibigan namin?
Hindi ko ugali na mag-isip ng hindi maganda sa ibang tao, lalo na't kilala ko si August, kasama ko siyang lumaki. Kailanman ay hindi ko na-isip na magagawa niya yung mga ginawa niya noon sa akin...pero ayun nga't nagawa niya.
Si August ang pinakahuling taong inaasahan kong mang-iiwan sa akin simula ng mawala si Nanay. Pero siya 'tong lubos na nakasakit sa akin.
"Hindi ko 'yon gagawin kay Vesper," sabi pa niya.
"Kala nga din namin," sagot pa din ni Ruth. Mukhang hindi talaga siya titigil, ramdam ko ang hinanakit niya kay August para sa akin.
Isa sila sa mga nakasaksi ng mga pinagdaanan ko.
"Ruth..." marahang tawag ko sa kanya.
Maging si Jade ay tumulong na din na patigilin ang kaibigan namin. Kung hindi kasi matitigil at magpapalitan pa sila ng salita ni August ay baka kung saan pa 'yon mapunta. Kailangan kong ingatan ang parte tungkol kay Verity.
"Ano, mag-iinuman ba mamaya?" tanong ni Bruce para sana alisin ang nabuong tension sa pagitan ng lahat.
Nagawa pang tumawa ni Lino para tulungan 'to.
"Wag na muna, at may trabaho tayo bukas...si Vesper din," Sabi niya at tinuro ako.
Bumaling naman siya kay August at itinuro din 'to. "Si August din...may mga trabaho tayo. Buti pa mag-set tayo ng araw," suwestyon pa niya na sa huli ay sinang-ayunan naming lahat.
Masarap ang mga pagkaing inorder ni August para sa aming lahat, pero kahit gaano kasarap ang mga 'yon ay para bang hirap na hirap akong lunukin. Lalo na sa tuwing nararamdaman ko ang tingin niya sa akin matapos siyang kainin ng malalim na iniisip.
Hindi ko na lang siya pinansin, pilit kong inalis ang atensyon ko sa presencya niya. Tama 'yan Vesper, isipin mo na lang na wala si August dito.
"Basta ha, magplanuhan natin. Alam niyo naman hindi kami pwedeng umalis ng biglaan, lalo na't may baby..." sabi pa ni Ruth.
Mahigpit ang kapit ko sa braso ni Jade lalo na't ramdam kong gusto akong lapitan ni August, naghahanap lang siya ng tiempo para maka-usap ako, pero hindi ko siya pagbibigyan sa gusto niyang mang-yari.
"Ano, sabay ka na ba sa amin?" tanong ni Jade sa akin.
"Uhm...saan nga kayo?"
Nalaman kong mapapalayo sila kung sasabay pa ako sa kanila. Madilim na din at ayoko namang ma-delay pa ang pag-uwi nila dahil lang sa iniintindi nila ako.
"Hindi na, may masasakyan naman ako dito pauwi," pagtanggi ko.
"Sigurado ka?" tanong nila sa akin.
"Ako na ang bahala kay Vesper," pagsingit ni August.
Nagawa pa niyang tumabi sa akin kaya naman humakbang ako ng isang beses palayo sa kanya. Mas lalong nawala ang focus ko sa ginawa niya nang tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag, nakita kong si Damien 'yon kaya naman sinagot ko kaagad.
"Uhm...pauwi na din," sagot ko nang itanong niya kung nasaan na ako.
Sinabi kong paalis na din ang mga kaibigan namin, gusto pa sana niyang magpahintay para makita sila pero naisip niyang may iba pa namang pagkakataon, ayaw niya ding maka-abala.
"Susunduin kita diyan. Malapit lang naman ako sa area," sabi niya sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. May rason ako para tanggihan si August sa kahit anong pwedeng niyang ialok. Walang kahit anong pwedeng maging rason para sumabay ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Nights of August (Sequel # 5)
RomanceThe best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.