Chapter 41

43.2K 1.8K 190
                                    

Bintana








Namilit pa din si August na makapasok sa kwarto ni Verity habang nasa byahe kami, pero ganoon pa din ang sagot ko sa kanya.

"Hindi pwede, August..."

"K-kahit sandali?" pangungulit niya kaya naman napabuntong hininga ako.

'Yon na lang ang sinagot ko sa kanya na mukhang nakuha naman na niya. Hindi na siya muli pang nagsalita pagkatapos no'n hanggang sa makapasok na kami sa subvision at makarating na sa bahay.

Sa labas ng bahay niya iginarahe ang kanyang sasakyan.

"Teka..." pigil niya sana sa akin sa pagbubukas ko ng pintuan, pero hindi ko na siya hinintay pa at ako na mismo ang unang lumabas.

"Ang dilim ng bahay mo," puna ko.

Nang lingonin ko kasi 'yon ay halos bilang mo lang ang ilaw na bukas mula sa loob.

"Pag-uwi ko pa bubuksan ang mga ilaw," sagot niya sa akin na ikinatango ko.

Pero marami pa akong tanong sa kanya, may ilan pa akong gustong malaman kaya naman hindi ko na din napigilan ang sarili kong itanong ang mga 'yon sa kanya.

"Mag-isa ka lang...pero ang laki ng bahay mo," puna ko.

"Pero malapit ako sa inyo," sabi niya.

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa isinagot niya sa akin, sa wari ba'y kasalanan pa namin kung bakit napilitan siyang bilhin 'yon.

"Kung ibebenta mo 'yan...malaking halaga ang ma-idadagdag mo sa pagsisimula mo ng bagong Negosyo," suwestyon ko.

Bilang isang kakilala ay gusto ko din namang maging successful ang negosyong na-iisip niya. Masarap sa pakiramdam na makitang maabot ng mga kakilala mo yung mga pangarap nila. Kahit hindi naman kami maayos ni August ay gugustuhin ko pa ding makitang magtagumpay siya, na may mapatunayan din siya sa Lolo niya.

"Depende kung papatirahin mo ako dito," nakangising sabi niya at tinuro pa ang bahay ni Nanay.

Inirapan ko siya. "At bakit hindi ka humingi ng tulong sa kapatid mo?"

"Ayoko silang madamay. At ako mismo ang pumili nito...kailangan kong panindigan," giit niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay at tumango, tama nga naman.

"Tama. Kasi pag may pinili ka...kailangan mong panindigan, di ba?"

Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi ko hanggang sa huli at tumango na lamang din siya bilang pagsang-ayon.

"Tama...kaya nga nandito ako ngayon para sa inyo ni Verity," seryosong sabi niya.

Biglang pumintig ang tenga ko, gumalaw ako para makalakad na palayo sa kanya.

"Bakit naman kami nadamay ng baby ko sa mga issue mo sa buhay?" iritadong tanong ko sa kanya.

"Dahil kayo yung pinili ko. Paulit-ulit ko kayong pipiliin, at paninindigan ko 'yon," sabi pa niya sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako at umayos ng pagkakaharap sa kanya.

"Na-aappreciate ko yung effort mo para kay Verity, pero August yung sa ating dalawa, matagal ng tapos 'yon," pagpapaintindi ko sa kanya.

"Pwede namang simulan natin ulit," sabi niya at may nalalaman pang pagtaas-taas ng kilay.

Marahan akong umiling. "Pwede ko ulit simulan, pero pwedeng hindi na din sa 'yo," pagpapa-intindi ko sa kanya.

Natahimik siya dahil sa sinabi ko, tipid ko siyang nginitian dahil do'n. Kailangang malaman din ni August na hindi lahat ng bagay na gustuhin niya ay makukuha niya.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon