Chapter 7

30.5K 1.6K 830
                                    

Birthday





Natahimik ako dahil sa sinabi ni August. Iniisip ko pa lang na kung malaman niya na niloko namin siya at itinago naming sa kanya ang totoong pagkatao niya ay siguradong magagalit siya sa amin. Kung sakaling dumating ang pagkakataon na malaman niya at magalit siya sa amin ay ma-iintindihan ko.

Dahil sa ginawa naming kasinungalingan ay ipinagkait naming sa kanya ang lahat ng bagay na dapat ay meron siya. Maginhawang buhay, mga mamahaling gamit, sapat na pera para sa eduaksyon niya, nasa maganda at malaking paaralan sana siya, sasakyan sana ang gamit niya at hindi biskleta, hindi na din sana niya kailangang mag-tutor ng mga kaklase niya para lang kumita ng ekstrang pera.

"Vinci, baka maabutan tayo ng mga bata..." rinig kong natatawang sabi ni Nanay.

Hindi natuloy ang pagpasok ko sa loob ng bahay nang marinig ko ang mga boses nila sa loob ng kwarto ni Tay Vinci.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa nalaman kaya naman tumalikod ako at naglakad muli palabas.

Saktong papalabas ako ng makasalubong ko si August.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"B-bibili ng mirienda sa may kanto. Nagugutom ako," palusot ko sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. Niligon ang loob ng bahay.

"Hindi pa ba nakapagluto?" tanong niya sa akin pero hindi ko na siya sinagot at kaagad na siyang nilagpasan para makalabas na.

Ibinaba lang ni August ang mga gamit niya bago siya sumunod sa akin palabas.

"Sasama ako," sabi niya sa akin kaya naman hinayaan ko na lang siya na sumunod sa akin,

Tahimik ako habang naglalakad papunta sa may kanto kung nasaan ang mga tindahan ng mga pagkain. Hindi naman talaga ako nagugutom, gusto ko lang na umalis doon dahil baka takot lang ako para kay Nanay.

Kung totoong nagkakagustuhan na sila ni Tay Vinci ay suportado ko naman silang dalawa, kilala ko naman na si Tay Vinci pero hindi pa din maalis sa akin na mag-alala para sa kanya. Paano kung masaktan ulit siya? Ayoko ng masaktan si Nanay.

"Tahimik mo," puna sa akin ni August habang naglalakad kami papunta sa hilera ng mga tindahan.

"M-may iniisip lang," sagot ko sa kanya nang hindi man lang siya nililingon sa takot na baka malaman niya ang iniisip ko kung sakaling tingnan ko siya.

"Crush mo? May crush ka na?" tanong niya sa akin. Sa tono ng pananalita niya ay para bang galit pa siya na bawal ako magkaroon ng crush.

"Huh? Wala akong crush," giit ko.

Nagtaas nanaman siya ng kilay sa akin, nagtagal ang tingin niya na para bang sinisigurado muna niya na nagsasabi nga talaga ako ng totoo.

May crush ako, Oo. Siya. Pero hindi ko 'yon sasabihin sa kanya.

Nga-iwas siya ng tingin sa akin.

"Normal lang naman 'yon," sabi niya sa akin.

Humaba ang nguso ko. "I-ikaw ba'y meron?" tanong ko.

Gusto kong magtunog na parang kaswal na tanong lang 'yon, pero kung sasabihin niyang meron nga siyang nagugustuhan ay masasaktan ako.

Ipinasok niya ang magkabilang kamay niya sa loob ng kanyang bulsa bago niya ako sinagot.

"Meron," sabi niya sa akin kaya naman mas lalong tumulis ang aking nguso.

"Sino?" tanong ko kaagad na ikinagulat ko din.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon