Suspect
Sandaling akong nakipagsaukatan ng tingin kay August. Ramdam kong halos malunod ako sa lalim ng mga tingin niya sa akin. Na ang bawat minutong nakatitig siya ay naghahatid ng kung anong pakiramdam. Na sa tagal ng aking pagmamatigas ay ramdam ko ang unti-unting kong paglambot.
Na tama nga siguro sila, hindi pinipilit ang pagpapatawad. Hindi dapat ipilit ang agarang pagpapatawad, kusa mo 'yong mararamdaman. Kusa.
Nnag mukhang maramdaman niyang nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ako ay nakita ko kung paanong dahan dahang lumambot ang kanyang mukha, kung paanong pumungay ang kanyang mga mata. Pagpungay na indikasyong wala akong dapat na ikabahala, ang tinging 'yon ay nagbibigay ng pakiramdam ng sekuridad.
Napabuntong hininga ako at marahang napatango. Naglakad ako palapit sa kama kung nasaan sila ni Verity. Parang nagliwanag ang mukha niya dahil sa ginawa kong paglapit, iniayos niya ng tayo si Verity at pinaharap sa akin.
"Andyan si Mommy," nakangiting sabi niya dito.
Napatingin sa akin ang baby ko na abala sa pagsubo sa baby bim niya. Halos mabasa na 'yon dahil sa paglalaway niya. Mahilig na din kasi siyang sumubo ng kung ano-anong bagay. Halo lahat ng mahawakan ng kamay niya ay kaagad niyang ide-deretso sa bibig niya.
"Ang gulo mong matulog," puna ko.
Sinabi ko 'yon ng hindi man lang siya tinitingnan.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko kung paano niya iniayos ang pagkakakarga kay Verity.
"Sorry, Mommy..." natatawang sabi niya.
Ramdam ko ang pamamanhid ng batok ko, bumaba ang pamamanhid hanggang sa braso ko, ramdam ko kung paano nagsitayuan ang mga balahibo ko doon.
Kinakausap niya si Verity na sinasagot naman kaagad ng baby ko. Kahit hindi sila nagkaka-intindihan na dalawa ay ramdam kong close na talaga ang baby ko sa Daddy niya. Marahil ay ganuon talaga siguro, kahit hindi ko pormal na ipakilala kay Verity si August bilang Daddy niya ay ramdam na niya 'yon.
Para hindi mahalata ang aking naramdaman ay napa-irap na lamang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kama niya.
"Ako na diyan," pigil niya sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Para siyang batang lumuhod sa taas ng kama habang karga ang baby ko. Sa laki at ganda ng-built ng katawan ni August ay parang nagiging manika kalaki ang baby ko.
"Ako na."
Hinila ko ang makapal na comforter, itinupi ko na muna 'yon at itinabi sa may sofa para hindi maka-abala kay Verity kung sakaling ilalapag siya ng Daddy niya sa taas ng kama.
"What do you want to watch?" malambing na tanong niya sa baby namin.
Tumayo siya sa harapan ng TV. Karga pa din niya si Verity, namimili silang dalawa ng pwedeng panuorin.
"Baka sila Manang na 'yan," sabi ko. Kaagad akong tumayo ng marinig namin ang sunod sunod na pagkatok.
Dahil sa sakit niya at pagtulog ng halos buong araw ay wala pa siyang maayos na kain. Dumiretso ako sa may pintuan para buksan 'yon. Hindi naman ako nagkakamali dahil sila Manang nga 'yon dala ang ilang tray ng pagkain.
"Pina-sobrahan na po ni Ma'am Melanie. Baka dito din daw po kayo kumain," sagot nila sa akin.
Napansin ko kasing hindi lang pang-isang tao ang dala nilang mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Nights of August (Sequel # 5)
RomanceThe best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.