Banta
Para akong naputulan ng dila dahil sa itinanong sa akin ni August. Buo na nga marahil ang loob ko na umamin at sumuko, pero sa huli ay nagsinungaling pa din ako. Na para bang kahit gusto kong aminin ang totoo ay hindi ko naman kaya. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.
"Hindi...totoo."
Nanatili ang tingin niya sa akin na para bang may naiisip siyang iba habang nakatingin sa akin. Sa tingin niya ay parang alam niyang nagsisinungaling ako, hinuhuli na lang ata niya ako.
Tahimik kaming dalawa pagka-uwi namin. Hahayaan ko na lang ulit sana hanggang sa tawagin niya ako, para bang may gumugulo sa kanya at hindi na niya kaya pang sarilihin 'yon.
"Let's talk," seryosong sabi niya sa akin.
Maging ang pananalita niya ay unti-unti na ding nagbabago. Hindi nagbabago...bumabalik sa dati.
Hinarap ko siya, tatanggapin ko...kailangan kong tanggapin ang lahat ng sasabihin niya sa akin.
"Simula nung makita ko si Julio...may iba akong naramdaman, pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Pakiramdam ko may nabuo sa pagkatao ko," sumbong niya sa akin.
Kita ko sa mukha niya ang labis na pagtataka. Pumungay ang mga mata ko. Bakit hindi niya mararamdaman ang bagay na 'yon? Kapatid niya si Senyorito Julio, normal lang na maramdaman niya ang bagay na 'yon.
"Pakiramdam ko totoo lang ng sinasabi niya. Hindi ko ma-intindihan, Vesper."
Nanatili akong tahimik. "Gusto kong ikaw ang magpa-intindi sa akin. Kasi kahit may pagdududa...ikaw pa din ang gusto kong paniwalaan. Matagal ko ng ramdam na mayroong mali..." pag-uumpisa niya.
Tumaas ang balahibo sa katawan ko, parang bigla akong nanlamig. Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.
"Matagal ko ng ramdam na parang may mali. Pero natatakot din ako, kasi ang sabi mo...walang mali sa akin. Ikaw lang ang pinaniniwalaan ko," sabi niya sa akin.
Ramdam kong nasasaktan siya at naguguluhan.
"W-walang mali sa 'yo, August. Kasi kahit sino ka pa...wala namang magbabago sa pagmamahal ko para sa 'yo," paninigurado ko sa kanya.
Marahan siyang umiling. "Hindi 'to tungkol sa kung mahal moa ko o hindi. Tungkol 'to sa kung sino ako. Hirap na hirap na ako," paki-usap niya sa akin.
Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata.
"W-wala akong kailangang aminin sa 'yo. Kasi walang mali sa'yo," giit ko.
Alam kong malapit na niyang malaman. Alam kong ito na 'yon, pero hindi ko kayang sa akin mismo manggaling na tama ang kapatid niya, tama silang lahat...niloko ko siya, itinago ko sa kanya ang lahat.
Ginawa ko ang lahat ng 'yon dahil sa pagmamahal ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Halos manlabo ang paningin ko dahil sa luha.
"I-I need space to think..." sabi niya sa akin kaya naman hindi ko napigilang pumiyok.
Marahan akong tumango. Hahayaan ko siyang ma-diskubre ang lahat. Kung sa akin manggaling ay baka maging biased lang. Hahayaan ko siyang malaman ang totoo, hayaang malaman niya kung sino talaga siya.
Hindi ko na pipigilan.
"H-hahayaan kong hanapin mo yung sarili mo. At tatanggapin ko kung anong magiging desisyon mo sa huli," paninigurado ko sa kanya.
Napasinghap si August. Kita ko sa galaw niya na gusto niya akong lapitan para aluin dahil sa pag-iyak ko, pero may pumipigil sa kanya.
Ang space na hinihingi niya ay mas lalo kong naramdaman. Nasa iisang bahay nga kami pero parang wala naman akong kasama.
BINABASA MO ANG
Nights of August (Sequel # 5)
RomanceThe best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.