Chapter 43

39.3K 1.7K 240
                                    

Don Joaquin









Gusto ko pang-ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa kanya. Pero nahihirapan akong gawin 'yon dahil sa pag-iyak. Nanatili ang tingin niya sa akin, ang kanyang namumulang mga mata ay napauno na din ng luha.

"I'm sorry, Vesper...Sorry," paulit-ulit na sambit niya habang nakatingin sa akin.

Sinubukan pa niyang itaas ang kamay niya para siguro sana hawakan ang pisngi ko, sa sobrang kalasingan niya ay nahulog na lamang 'yon sa may braso ko. Mahigpit ang hawak niya sa sleeves ng suot kong damit.

"I'm sorry..."

Hindi ako umimik, hanggang sa narinig kong pabalik na sina Nanay kasama ang hiningan niya ng tulong para magbuhat dito.

Marahan kong pinunasan ang luha sa aking mga mata, sinubukan ko siyang bitawan at lumayo sa kanya, pero nanatili ang mahigpit niyang pagkakahawak sa aking damit.

"Please, Stay with me...wag mo akong iwanan. I need you now...I need you," nahihirapang paki-usap niya.

Hindi ako nagpatinag. Kaagad kong inalis ang pagkaka-unan niya sa binti ko, hanggang sa bumagsak ang ulo niya sa sahig, hindi natinag si August, mahigpit pa din ang pagkakahawak nito sa sleeves ng damit ko kahit sa natamong pagkaka-untog.

"Vesper, wag mo akong iwanan...kahit ngayon lang," paki-usap niya sa akin.

Muli nanamang nanlabo ang mga mata ko habang nakatingin ako sa kanya. Ang itsura niya ngayon ay hindi nalalayo sa itsura at kalagayan ko noong mga panahong kailangan ko din siya.

Pero wala siya doon para hingan ko ng tulong. Wala siya doon para magmaka-awa akong wag niya akong iwanan kahit sa pagkakataon lang na 'yon.

Kakatayo ko lang mula sa pagkakaluhod ng tuluyang dumating sina Nanay kasama niya ang ibang trabahador naming lalaki para bumuhat kay August.

Ramdam ko ang tingin ni Nanay sa akin, nanatili naman ang tingin ko sa nakahiga pa ding si August sa harapan ko ngayon. Mahina, wala sa sarili, umiiyak, at nagmamaka-awa.

Nakatingala siya sa akin na para bang ayaw niyang kumurap dahil takot siyang umalis o mawala ako sa paningin niya.

"Vesper," tawag niya sa akin.

Marahan akong umiling, hindi ko na ulit siya nilingon pa nang maglakad na ako palayo doon.

"Vesper, Anak..." tawag ni Nanay sa akin.

Maging ito ay hindi ko na din napansin pa dahil sa pagmamadali ko. Dumiretso kaagad ako pabalik sa bahay at nagkulong sa kwarto kasama si Verity. Ni ang sumilip sa may bintana o maki-balita sa kanila ay hindi ko na din nagawa pa.

"Ayoko din naman ng ganito..." sabi ko kay Verity.

Nakahiga kaming pareho sa may kama, magkaharap kaming dalawa, nanatili siyang tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ko sa kanya.

"Ayoko din na ganito ako sa Daddy mo," sumbong ko sa kanya.

Pinagdikit ko ang noo naming dalawa bago ako muling umiyak sa kanya.

Kahit ako ay hindi ko din ma-intindihan ang sarili ko. Hindi ko din ma-intindihan kung bakit hirap na hirap akong hanapin ang kapatawaran sa puso ko.

Tsaka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tumayo sa harapan ng bintana, tinanaw ko ang bahay niya, sapat lang ang bukas na ilaw para bigyan ng liwanag ito.

Tulog na din si Verity sa gitna ng kama. Nasa ganoon akong posisyon nang marinig ko ang pagkatok.

"Vesper, Anak. Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong niya ng tuluyan na siyang pumasok.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon