Chapter 10

34.4K 1.5K 631
                                    

Pangako



Halos hindi tuloy ako makapag-concentrate sa pagkain ko dahil sa sinabi niya. Anong spooning? Kutsara?

Mas lalong lumilipad ang isip ko dahil hindi din naman niya inalis ang kamay niya sa likod ko, kung hind isa likod at lilipat 'yon sa bewang ko. Sa tuwing tumitingin naman ako kay August ay parang wala lang sa kanya. Relax pa nga siya habang nakikipag kwentuhan kina Nanay at Tay Vinci.

Hinayaan ko na lang. Masyado ngang mabilis ang mga pangyayari, pero pangarap ko naman ito. Bata pa lang ay sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pa siguro talaga ako makapaniwala na asawa ko na siya, totoo ang lahat ng 'to.

Matapos naming kumain sa labas ay kinailangan na din naming umuwi, hindi din kasi maganda na nakikita kami sa labas na magkakasamang apat ng matagal. Lalo na't ayon kay Tay Vinci ay delikado pa din para sa amin lalo na para kay August.

"Pagpapahingahin ko na muna ang Nanay mo," sabi ni Tay Vinci sa amin.

Kaagad akong tumango, kita din kasi ang pagod sa itsura ni Nanay. Pansin ang biglang pagbagsak ng katawan niya.

"Sige po, Nay. Magpahinga na po muna kayo," sabi ko sa kanya at lumapit para humalik.

Niyakap niya ako, matapos 'yon ay hinarap niya ako at tiningnan. Kita ko ang saya sa mukha ni Nanay habang pinagmamasdan niya ako.

"Masaya ako para sa 'yo, Anak," sabi niya sa akin bago lumagpas ang tingin niya kay August na nasa likuran ko.

"Masaya ako para sa inyong dalawa," sabi pa niya sa amin.

"Salamat po, Nay..." sabi ni August sa kanya.

Sinamahan ni Tay Vinci si Nanay sa kwarto. Kita ko ang pag-aalaga ni Tay Vinci sa kanya. Alam kong mahal din talaga niya si Nanay.

Nagtagal ang tingin ko sa kanila hanggang sa tuluyan na silang makapasok na dalawa sa kwarto. Tsaka lang ako muling bumalik sa wisyo ng marinig ko ang pagtikhim ni August na nasa likuran ko.

"Gusto mo na ding magpahinga?" tanong niya sa akin.

Normal naman ang boses niya ng itanong niya 'yon sa akin. Pero may kung ano akong naramdamang kakaiba. Bigla nanamang namanhid ang buong katawan ko.

"Uhm...una ka na. Iinom pa ako ng tubig," sabi ko nang hindi man lang tumitingin sa kanya.

Nilagpasan ko siya at nagtungo ako sa may kusina nang hindi man lang siya tiningnan. Ni hindi ko nga kaya na makipagtitigan sa kanya ngayon. Lalo na't kaming dalawa na lang.

"Hinatayin na kita dito," sabi niya sa akin.

Hindi ko siya inimik. Nagtuloy ako sa may kusina at kaagad na nagsalin ng tubig sa isang baso. Halos inisang lagok ko lang 'yon. Nagtagal ako ng ilang minuto sa may kusina sa pag-aakalang mauuna na siya sa kwarto. Pero mas lalo akong na-ilang nang makita kong nandoon pa din siya sa may sala at talagang hinintay ako.

Nagtaas siya ng kilay sa akin nang mapansin niyang hindi talaga ako makatingin sa kanya. Inilahad niya ang kamay niya para sabihing mauna na akong maglakad papasok sa kwarto namin.

Halos takbuhin ko ang papasok sa loob. Doon ko lang na-realize na ito na talaga 'yon. Sandali pa akong napahinto at napatingin sa kama namin. Naayos na din naman naming ni Nanay ang mga gamit ko at gamit ni August dito sa kwarto naming dalawa.

Naramdaman ko ang pagpasok ni August, dumiretso siya sa cabinet kung nasaan ang mga damit namin.

"Sa banyo na ako magbibihis, magbihis ka na din habang wala ako," sabi niya sa akin.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon