Dilim
Nadala ako sa ma-init niyang halik. Ramdam ko maging ang pagkasabik niya sa pamamagitan ng halik na 'yon. Hindi ako nanlaban o nag-protesta pa, dahil alam ko sa sarili kong gusto ko din ito. I missed him too. All these years...miss na miss ko din si August.
Matapos niya akong siilin ng halik, at sandali ding nagtagal ang halik niya nang lumipat ito sa aking noo. Habang ginagawa niya 'yon ay mahigpit pa din ang yakap niya sa bewang ko. Malamig ang paligid dahil sa pag-ulan sa labas, kaya naman ramdam ko ang init ng katawan naming dalawa dahil sa yakap na 'yon.
Ilang mabibigat na pagbuntong hininga ang nagawa niya, na para bang kahit papaano ay na-ilalabas niya yung bigat na nararamdaman niya.
Napapikit na lamang ang habang dinarama ang lahat ng 'yon, mahigpit na din ang kapit ko sa suot niyang tshirt habang naka yakap ako sa kanya.
"Mahal kita, Vesper..." sabi niya sa akin nang harapin niya ako.
Tiningala ko siya ng maramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa aking pisngi. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko kay August.
Wala na din namang saysay ang pagmamatigas ko, ang pagtatago ko ng tunay na nararamdaman ko. Sa dami ng nangyayari sa amin, sa dami ng problemang kinakaharap namin, wala ng rason pa para hindi ko amin sa kanya ang totoo...at aminin na din sa sarili ko. Mahal ko siya noon, at minamahal ko pa din siya ngayon, sa kabila ng lahat ng nangyari.
"Mahal din kita, August. Mahal pa din kita..." pag-amin ko.
Muli siyang napasinghap, nakita ko kung paano unti-unting namula ang kanyang mata, pero kahit pa-iyak na ay nagawa pa din niyang ngumiti sa akin.
Parehong kamay na niya ngayon ang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. Gusto niyang titigan ko siya ng mabuti, na para bang gusto niyang makita ko ang nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagtitig ko sa mga mata niya.
Hindi na siya nakapagsalita pa, pero kita ko ang saya sa mga mata niya habang nakatingin siya sa akin.
Naputol lang ang tagpong 'yon ng pareho kaming matawa dahil sa pag-iingay ni Verity na para bang tinatawag niya na kami. Tumawa si August ng marinig ang ingay ng anak namin, kung nakakapagsalita lang siguro siya ay kanina pa niya kami tinawag.
Dahil sa pagtawa niyang 'yon ay tuluyang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata, na mabilis din naman niyang pinahiran.
"Tawag ka," sabi ko sa kanya.
Marahan ko siyang tinulak palayo sa akin para puntahan niya ang anak namin. Hindi naman siya nagdalawang isip, kaagad siyang lumapit kay Verity para kargahin ito.
"Minsan na nga lang makahalik kay Mommy," natatawang pagka-usap niya kay Verity.
Mas lalong natawa si August ng marinig namin kung paano mag-ingay si Verity na para bang pinapagalitan niya ang Daddy niya.
"Opo. Mamaya na lang pag tulog ka na," natatawang sagot niya sa anak.
Hindi na ako nag-abala pang lingonin silang dalawa sa may sala. Inabala ko ang sarili ko sa paghuhugas ng pingan. Sa sobrang tahimik ng buong bahay ay naramdaman ko ang paggalaw ni August, isang beses ko silang nilingon at nakita kong lumapit siya sa may radio para buksan ito.
Ilang beses niyang pinalipat-lipat 'yon hanggang sa makahanap siya ng station na maganda ang signal. Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa hinuhugasan kong plato nang marinig ko ang kanta.
Hanggang ngayon 'yon nina Ogie and Regine.
Tahimik naming pinakinggan 'yon, kahit nga si Verity ay natahimik habang karga ng Daddy niya.
BINABASA MO ANG
Nights of August (Sequel # 5)
RomanceThe best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.