Roses
Dinama ko ang lahat ng sinabi ni August sa akin, pero mas pinili kong wag nang magsalita pa. Pinakiramdaman ko din ang sarili ko, mukhang nasabi ko naman na ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Wala na akong gusto pang idagdag, hindi ko naman gustong manumbat...aminado ako noon pa man na may kasalanan talaga ko sa kanya.
May mali ako, niloko ko siya at may karapatan siyang magalit sa akin.
"Handa akong lumaban ng patas," paninigurado niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya, walang kahit anong emosyon. Hindi ako tumanggi, at hindi din ako pumayag.
Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin. Pero nakapag-desisyon na din ako.
Tahimik akong bumalik, sinigurado kong maayos ang itsura ko at walang kahit anong bakas ng pag-iyak.
"Ayos ka lang?" tanong ni Ruth sa akin pagka-upo na pagka-upo ko.
Tipid akong ngumiti kahit alam kong sa klase ng tingin niya sa akin ay may nabuo na siyang konklusyon.
"Oo naman. Napadami ata ang shanghai na nakita ko," biro ko at humawak pa sa tiyan ko.
Mas gusto ko pang isipin niyang kaya ganito ang itsura ko ay dahil na-empatsyo ako kesa naman malaman niyang umiyak ako dahil nanaman kay August.
"Nagkita kayo ni August? Nag-heart to heart talk?" tanong niya sa akin.
"Huh?"
"Umalis din siya nung umalis ka. Wala namang ibang pupuntahan 'yon kundi ang sundan ka," kwento niya sa akin.
Doon ko lang naalala na kanina ay kausap pa siya ng emcee at siya ang center of attraction, ngayon ay iba na ang ginagawa nila at mukhang nakalimutan na si August.
"H-hindi ko siya nakasalubong," pagtanggi ko.
Mukhang nagiging palagay na ako sa pagsisinungaling minsan. Hindi ko na din alam sa sarili ko.
"Sus, wag ako ha..." sabi ni Ruth, pero sa huli ay nanatiling tahimik na lang.
Mukhang ramdam niyang hindi ako kumportableng pag-usapan ang bagay na 'yon.
Pinanuod ko ang mga ginagawa nila sa harapan, halos maghari ang tawanan sa huong lugar, nakatingin nga ako, mukhang nakikinuod pero wala naman doon ang isip ko. Hindi ko man direktang tingnan ay nakita kong bumalik na si August sa pwesto niya kanina, sinalubong kaagad siya ng baso na may lamang alak.
Pinanuod sa amin ang presentation kung nasaan ang mga litrato nina Jade at Lino. Natawa kami ng makita namin ang baby pictures nila. Hanggang sa mga litrato na magkasama na silang dalawa.
Habang pinapanuod 'yon kasabay ng background music na Born for you ni David Pomeranz ay marami din akong na-realize.
Sa buhay, paano mo nga ba masasabing siya na 'yon? Paano mo masasabi kung sino yung tamang tao na para sa 'yo. Na kahit araw araw mo siyang ipagdasal...paano mo malalamang siya 'yon?
Kasi ako...akala ko si August na 'yon. Ilang tao pa ba ang daraanan natin bago natin makita kung sino talaga ang para sa atin? Ilang tao pa ang mamahalin natin...at aakalain na sila na pero hindi pa pala.
Nabalik lang ako sa wisyo nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Nakita ko kaagad ang message mula kay Melanie na papunta na sila para sunduin ako.
Sila?
Bigla akong nakaramdaman ng kaba, dahil doon ay muli akong nagpaalam kay Ruth para tumayo, lumayo ako sandali para tawagan si Melanie.
BINABASA MO ANG
Nights of August (Sequel # 5)
RomantiekThe best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.