Chapter 21

41.4K 1.8K 1.2K
                                    

Farewell








Hindi ko lubos ma-isip na kayang gawin ni August 'to. Hindi siya 'yon, hindi niya kayang gawin 'to. Kahit galit siya sa akin...alam kong may malasakit pa din siya. Tumulo ang masasaganang luha sa aking mga mata...baka mali ang akala ko? Baka hindi ko pa talaga kilala ang totoong August Escuel.

Sumukip ang dibdib ko habang inaalala ang mga masasaya naming alaala. Alam ko namang minahal niya naman talaga ako, ramdam ko naman 'yon. Oo, naramdaman ko 'yon noong mga panahon na wala pa siyang maalala, pero hindi mo naman mababago ang nararamdaman mo...bumalik man ang alaala mo.

Bumalik ako sa wisyo ng muli kong marinig ang tawanan nila. Ginawa nila 'yon ng masigurado nilang sira na ang lahat ng gamit namin sa bahay. Sinigurado nilang wala na akong kahit anong mapapakinabangan doon.

Pagdating sa mga gamit sa bahay hanggang sa mga plato at baso ay sinigurado nilang sira ang mga 'yon.

"Tara na," anunsyo niya sa mga kasama.

Isa isang lumabas ang mga kasama niya. Bago siya lumabas ay hinarap muna niya ulit ako. Yumuko siya para pantayan ako. Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay hindi niya ako hinayaan. Dinuro niya ang sintido ko na para bang gusto niyang intindihin ko ng mabuti ang mga sasabihin niya.

"Sa oras na lumapit ka pa ulit sa mga Escuel...hindi lang 'to ang matatanggap mo. Tutuluyan ka na talaga namin. Na-iintindihan mo?" banta niya sa akin.

Tahimik akong umiyak. Walang pagod na tumulo ang masasaganang luha sa aking mga mata.

"Manloloko ka, mukha kang pera. Akala mo siguro magiging mayaman ka dahil nagpakasal ka sa isang Escuel. Isang kang basura..." madiing sabi niya sa akin.

Bawat salitang sinasabi niya ay bumabaon sa dibdib ko. Namamanhid na ako sa sobrang sakit...pero masakit pa din talaga. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, wala akong ibang nasa isip kundi si August.

Nagawa niya sa akin 'to? Nagawa niya sa amin 'to ng baby ko?

Tsaka lang nag-sink in sa akin ang lahat ng maiwan na akong mag-isa sa aming bahay. Mas lalong dumoble ang takot na nararamdaman ko, madilim ang buong bahay namin dahil maging ang mga ilaw ay binasag nila.

Umiyak na lang ako habang yakap ang sarili ko. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo, kung saan ako magsusumbong...kung kanino ako hihingi ng tulong.

Buong magdamag akong gising, takot akong bumalik sila at saktan nanaman ako. Alam kong impossible na dahil wala na silang kailangan pang balikan at sirain. Sirang sira na ang lahat.

Kahit ng sumunod na araw ay nagkulong lang ako sa loob ng bahay. Pakiramdam ko ay kung lalabas ako ay baka ayaw din nila. Baka saktan din nila ako pag lumabas ako ng bahay.

"Nay...hindi ko na po alam ang gagawin ko," sumbong ko sa kawalan.

Iniyak ko ang lahat ng takot at sakit. Hanggang sa mapagod ako, hanggang sa muli akong magising sa wisyo. Muli kong na-alala na may baby sa sinapupunan ko.

Iniwan man ako ng lahat ay meron akong siya.

Kahit masakit, kahit mahirap ay sinubukan kong bumangon. Maging ang mga mata ko ay pagod na din sa pag-iyak. Naubos na ata ang luha sa aking mga mata, kahit gusto ko pang umiyak ay wala na talaga.

"Magiging malakas si Mama para sa 'yo," pagkausap ko sa baby ko.

Ramdam ko pa din ang panghihina, kahit walang gana ay pinilit kong kumain, hindi na para sa akin kundi para sa baby ko. Mag-isa kong inayos ang mga nasirang gamit. Isa isa kong pinulot ang mga nagkalat na sirang gamit namin.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon