Wedding
Hindi tumigil si Nanay sa pang-aasar sa akin dahil sa naging tawag na 'yon mula kay August. Pilit ko namang itinatago ang kung ano mag emosyon dahil hindi siya lalo titigil kung makikita niyang may epekto 'yon sa akin.
"Mukhang kay Lola matutulog si Verity mamaya," natatawang pagkausap niya sa baby ko.
Panay ang tili nito, sinasagot niya ang Lola niya kahit hindi pa naman niya totoong nai-intindihan ang mga sinasabi ito. Gustong gusto ni Verity sa tuwing kinakausap siya, kahit kung ano lang ang sabihin mo ay siguradong sasagutin ka niya.
Natigil lamang ang pag-uusap namin ni Nanay nang makita namin ang pagdating ni Melanie. Malaki ang ngiti nito pagkapasok pa lang niya, kung maka-ngiti ay akala mo nakalutang sa ere. Kung hindi pa namin sisitahin ay mukhang hindi pa niya kami mapapansin.
"Aba't panay ata ang labas mo," biro sa kanya ni Nanay.
Nagulat pa siya nung una dahil sa biglaang pagpuna sa kanya nito. Kaagad siya napa-ayos ng tayo at lakad. Mabilis niyang itinago ang malaking ngiti niya kanina. Naglakad siya palapit sa amin at bumeso kay Nanay maging sa akin.
"Daldalera," tawag niya kay Verity na malaki kaagad ang ngiti nang makita ang Ninang Melanie niya.
Kay Melanie ata natuto ang baby ko na maging madaldal. Kung ano-ano din kasi ata ang ikinikwento niya dito sa tuwing hawak niya ang baby ko.
"Kumain lang po kami sa labas ng mga kaibigan...po," alanganing sagot niya kay Nanay. Natawa si Nanay dahil sa pagiging kabado ni Melanie sa pagsagot. Pabiro niyang hinampas ito sa braso.
"Walang kaso sa amin. Ang gusto lang naming masigurado ay mabuting tao ba 'yang kasama mo. Sigurado ba 'yan? Dahil pag sinaktan ka niyan...aba," sabi pa ni Nanay sa kanya.
Napanguso si Melanie at kaagad na naglahad ng kamay para yumakap kay Nanay. Sa tagal na naging magkasama kami ay napalapit na din talaga ang loob nila sa isa't-isa. Kung ituring din kasi ni Nanay ito ay parang anak na din niya kaya naman parang nagkaroon na din ako ng kapatid.
"Ikaw talaga Tita...kaya sa'yo ako e. Supportive!" sabi niya dito.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Supportive din naman ako ah," laban ko. Nagtawanan silang dalawa dahil sa sinabi ko. Matapos 'yon ay kaagad akong hinila ni Melanie para pareho niya kaming mayakap ni Nanay. Natawa kami nang makita naming nakikiyakap din si Verity sa amin. Napapagitnaan namin siya at mukhang gustong gusto niya 'yon.
"May boyfriend na si Ninang..." sumbong ko kay Verity.
Muling natawa si Melanie yung natawa na para bang may kasamang kilig pero pilit niyang itinatago.
"Wala pa..." depensa niya na mas lalo naming ikinatawa ni Nanay.
"So, magkakaroon na nga?" tanong ko. Hindi ko mapigilan ang maging excited para sa kanya. Nasaksihan ko noon kung paano siya umiyak dahil sinaktan siya ni Jericho. Kung paanong matapos niyang makabangon ay bumalik yung sakit nang malaman niyang may bagong girlfriend na ito.
Muling humaba ang kanyang nguso. "Nanliligaw..." maiksing sagot niya sa amin.
Mas lalo kaming kinilig ni Nanay dahil para sa kanya. Ikinwento ni Melanie sa amin tungkol sa businessman na nakilala niya sa party. Dahil interisado si Nanay sa manliligaw ni Melanie ay inimbita niya ito na papuntahin sa bahay para makilala din namin ng maayos.
BINABASA MO ANG
Nights of August (Sequel # 5)
RomanceThe best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.