Chapter 37

49.1K 2.1K 445
                                    

Apo




Mahimbing na ang tulog ni Nanay at Verity sa tabi ko. Ngunit ang kaninang antok na nararamdaman ko ay biglang naglaho. Kung saan-saan na nakarating ang isip ko, kung ano-anong paano na ang itinanong ko.

Paano nga kaya kung tanggapin ko ang alok ni Nanay sa akin?

Kaya ko ba?

Sa dami ng hirap na pinagdaanan ko, isa sa mga natutunan ko ay ang pananatili sa lugar kung saan palagay ka na. Na wala na yung takot, na sanay ka na sa mga pasikot-sikot.

Pero nakakatakot din palang mawalan ng takot.

Yung piliin mo na manatili sa tinatawag nilang comfort zone, yung lugar kung saan alam mong ligtas ka, walang hirap, walang takot. Nakakatakot na masanay...na manatili ka na lamang doon, pakiramdam ko kasi ay mas kakayanin ko pa. Na may ibang lugar pa.

Nakakatakot na manatili ka sa comfort zone mo at hindi ka na mag-grow. Hindi ka na matututo ng ibang bagay, nanatili ka na lamang doon dahil doon ka kampante. Pero masaya ka ba? Nakakasakal din minsan, yung paulit-ulit na gawain, yung paulit-ulit na para bang kontrolado ka na lamang ng mga nakasanayan mo.

Muli kong nilingon si Nanay at si Verity, ngayon na lamang ulit kami nagkita ni Nanay, hindi ko na yata kakayanin kung isa pa ulit sa amin ang aalis at magkakalayo nanaman.

Umayos ako ng higa para lapitan ang baby ko, marahan kong hinaplos ang ulo niya. Gumalaw siya dahil sa ginawa ko, napangiti ako ng sandali siyang dumilat para tingnan ako pero bumalik din naman sa pagtulog.

Marahan ko siyang hinalikan sa ulo. Kuntento na ako sa buhay na meron kami bago ko pa malaman na isang De Galicia si Nanay. Alam kong malaking pasanin ang gustong ibigay ni Nanay sa akin.

Wala akong alam sa pagpapatakbo ng companya, kaya naman naiintindihan ko na gusto niyang pag-aralan ko 'yon.

Halos madaling araw nan ang magising ako kinabukasan. Naabutan kong isinasayaw ni Nanay si Verity. Mukhang palagay na kaagad ang baby ko sa Lola niya.

"Ang ganda ganda ng ngiti," rinig kong pagkausap niya dito.

Tsaka lang nag-sink in sa akin na ibang buhay na ang kahaharapin namin ngayon. Mahirap paniwalaan, hindi din naman kasi biro. Nakakalula ang lahat ng 'to. Ang lahat ng ito ay pangarap lang namin noon...panaginip, ngayon ay nasa harapan na namin.

"Gising na si Mama," sabi niya kay Verity at kaagad na hinarap sa akin ang baby ko.

Tawa ito ng tawa dahil sa pagkiliti ni Nanay sa kanya. Nakataas pa ang buhok ng baby ko, halatang kakabangon lang mula sa kama.

"Kamusta ang naging tulog mo?" tanong ni Nanay sa akin.

Tipid akong ngumiti. Sinabi ko na lang na maayos ang tulog ko kahit ang totoo ay madaling araw na ako nakatulog. Gumapang ako pababa sa kama, malaki talaga 'yon halos doble ng kama namin sa apartment.

Humalik ako sa pisngi ni Nanay at yumakap, pinangigilan ko naman ang braso ng baby ko. Tumawa ulit siya dahil sa ginawa ko. Nakita ko kung gaano kasaya si Nanay dahil sa presencya ni Verity.

"Mag-ayos ka na, bumaba na tayo at handa na ang breakfast," sabi ni Nanay sa akin.

Bigla akong nataranta. "Sino pong nagluto?" tanong.

Nginitian ako ni Nanay. Mukha naiintindihan niya ako, bago ang lahat ng 'to sa akin.

"Alam na ng mga kasambahay ang iluluto nila. Sinabi ko na ang lahat ng paborito mo," sabi niya sa akin kaya naman napanguso ako.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon