Chapter 49

42.4K 1.7K 208
                                    

Presinto








Matapos sabihin 'yon ni Damien ay halos lahat ng tingin namin ay napunta kay August. Kagaya kanina, simula ng malaman niyang nandito si Damien ay nakasimangot pa din siya. Pero nagawa pa din niya isayaw ng dahan dahan ang anak naming pinapatahan niya kahit tumahan naman na.

Napansin niya 'yon kaya naman nag-angat siya ng tingin, lahat kami ay tinapunan niya ng tingin pero sa akin tumagal ang titig niya.

Naputol lang 'yon nang magsalita ulit si Damien.

"I hope you won't hold grudges against me. It's just for business," paumanhin ni Damien kay August.

Tipid na tumango si August bago siya nag-iwas ng tingin sa amin lahat. Nag-focus siya kay Verity, hinarap niya ang anak namin sa kanya at hinalikan 'to sa ulo at noo.

Hindi mapagkakaila na kahit pa nito lang niya nalaman ang tungkol sa baby namin ay mukhang handa na talaga siya maging ama para dito. Kita ko naman 'yon sa lahat ng efforts na ipinapakita niya, sa lahat ng ginagawa niya at pagmamahal niya para dito.

"Ayos lang," seryosong sagot niya kay Damien ng hindi man lang tinitingnan ito.

Naramdaman namin ang unti-unting pamumuo ng tensyon sa paligid kaya naman bago pa man kami tuluyang makain no'n ay nagyaya na si Nanay na kumain kami ng almusal.

Nagbigay na din si Damien ng schedule para sa susunod na shot ni Verity. Kahit tahimik lang ay rinig ko pa din ang paminsan minsang pagtikhim ni August, ginagawa niya 'yon sa tuwing binabanggit ni Damien ang pangalan ng anak namin.

"Wag na muna ngayon dahil kakagaling lang niya sa sakit. Normal lang sa mga bata ang lagnatin..." sabi niya bago niya ako nilingon at nginitian.

"Kaya wag masyadong kabahan," nakangising pang-aasar niya sa akin.

Ang kaninang pagtikhim ay napalitan na nang pag-ubo ni August.

Imbes na si August ang tingnan ay nalipat ang tingin ko kina Nanay at Melanie, nakita ko kung paano sila magkatingnan na dalawa at parehong napangiti dahil sa mga nangyayari sa paligid.

Kahit ramdam ko ang pagdisgusto ni August sa presencya ni Damien ay nanatili siyang tahimik. Hindi naman ako nagulat doon, kilala ko naman siya. Noon pa man ay tahimik na talaga siyang tao.

Hindi naman siya katulad ng iba na mahilig sa gulo. Masungit nga lang at suplado minsan.

"Bye na kay Tito Damien," malambing na bulong ko kay Verity.

Parang ayaw pa nga siyang ibigay ng Daddy niya sa akin nang sabihin kong ihahatid namin si Damien palabas dahil uuwi na ito. Parang batang inagawan ng laruan si August ng tuluyan kong makuha si Verity sa kanya.

"Pumasok kayo kaagad. May sakit pa ang anak natin," paalala niya sa akin kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Akala ko ba magaling na?" tanong ko sa kanya.

Kanina pa din niya sinasabi 'yon, bago kuhanin ni Damien si Verity para tingnan.

Tumikhim siya. "Baka bumalik ang sakit pag inilabas," laban niya sa akin.

Tumulis ang nguso ko dahil sa sinabi niya, alam kong inaasar niya ako pero masyado siyang seryoso para ngitian 'yon. Suplado.

"Verity..." malambing na suway ko sa baby ko.

Karga ko na siya, ilang hakbang na din ang nagagawa namin palayo sa Daddy niya pero panay pa din ang lingon niya dito.

Kita ko din ang pagtataka sa mukha niya, para bang nagtatanong siya sa Daddy niya kung bakit nito hinayaang kunin ko siya para dalhin kay Damien.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon