New
Iyak ako ng iyak habang nasa byahe kami ni August, tahimik lang siya sa aking tabi. Ramdam ko ang yakap niya sa akin dahil sa pag-iyak ko. Tahimik na lang akong nagdasal na sana kagaya ng mga dati naming naging pagtakas ay maging maayos lang din ngayon.
Na panghahawakan ko ang pangako ni Tay Vinci, hindi niya papabayaan si Nanay. Ganon din ang pangako ni Nanay na magkikita pa ulit kami. Hindi ko din alam kung bakit ganito ako mag-isip, marahil ay masyado lang akong natakot sa isiping mawawala sa akin si Nanay.
Na kagaya nang sinasabi ng iba, na pag masyadong masaya ay lungkot ang kapalit.
Matapos ang matagal na byahe ay nakarating kami sa Sta. Rita Pampanga. Doon ang usapan na magkikita-kita bago kami sabay sabay na pupunta sa Florida blanca.
"Kumain ka muna," marahang sabi ni August sa akin.
Hindi kami umalis sa bus terminal para hintayin ang pagdating nina Tay Vinci at Nanay. Ramdam ko pa din ang kaba, ni hind inga ako mapakali sa kina-uupuan ko dahil sa pag-aalala.
"Darating din sila," sabi ni August sa akin.
Hinapit niya ako sa bewang, iginaya niya palapit sa kanya ang ulo ko para malambing na humalik doon.
"Nandito ako, Vesper..." sabi niya sa akin.
Halos nakatulugan ko na ang paghihintay kina Nanay. Mas lalo akong kinabahan ng abutan na kami ng dilim na dalawa.
"Shh..." marahang pag-aalo ni August sa akin.
Wala na akong nagawa pa kundi ang umiyak na lang. Nahirapan din kaming dalawa dahil wala naman kaming sapat na pera para gastusin, ang tanging dala lang namin ay ang ilang gamit.
"Sandali lang...bibili lang ako ng makakain," paalam ni August sa akin.
Halos mapagod ako sa pag-iyak. Ni hindi ko nga siya maka-usap ng maayos. Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko dahil sa sobrang bigat no'n. Hindi din ako makapag-isip ng maayos.
Nakaramdam ako ng pagsisisi, sana talaga hindi ako pumayag na ma-iwan si Nanay. Malaki naman ang tiwala ko kay Tay Vinci, pero iba pa din talaga pag kasama ko si Nanay.
"Magdadalawang araw na," sumbong ko kay August.
Kita ko din sa mukha niya ang pag-aalala.
"Hindi na tayo pwedeng magpalipas ng gabi dito, kailangan na nating humanap ng matutuluyan," sabi niya sa akin.
"Paano pag dumating sila?" tanong ko sa kanya.
"Babalik tayo dito bukas ng umaga, wala ka pang maayos na tulog," sabi niya sa akin.
Hindi ko din alam kung paano ang gagwin naming dalawa. Wala naman kaming kilala dito. Si Tay Vinci ang may mga koneksyon sa mga lugar na pinupuntahan namin.
Paalis na sana kami ng may lalaking lumapit sa amin.
"Kayo ba yung mga anak ni Vinci?" tanong niya sa amin.
Bigla akong nakaramdam ng takot na baka isa siya sa mga humabol kay Tay Vinci. Naging alerto kaagad kami ni August. Napakamot siya sa kanyang batok nang mapansin niyang pinagdududahan namin siya.
"Nandito ako para sunduin kayo, hindi ako kalaban..." sabi niya sa amin.
Hindi kami umimik, nanatili ang tingin naming sa kanya.
Sandali siyang nag-isip at tumingin sa malayo.
"Paano ba?" tanong niya sa kawalan.
Sa huli ay sumuko siya nang mukhang wala siyang ma-isip na paraan para mapaniwala kami.
BINABASA MO ANG
Nights of August (Sequel # 5)
RomanceThe best nights of my life happened in August. My heart will always stay in the Nights of August.