Chapter 23

40.2K 1.9K 1.2K
                                    

Verity








Kahit hirap akong maglakad dahil sa iniindang sakit ay nagawa ko pa ding pumara ng tricycle at magpahatid sa pinakamalapit na hospital.

Halos dumugo ang labi ko dahil sa pagkakakagat ko. Mariin akong napapapikit sa tuwing gumuguhit ang sakit sa aking sinapupunan. Hindi ko kakayanin kung may mangyayaring hindi maganda sa baby ko.

Pagkahinto ng tricycle sa tapat ng hospital ay ang driver na mismo ang tumakbo papasok para humingi ng tulong. Ma-ingat akong isinakay sa wheelchair at dinala sa loob para ma-check.

Patuloy ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot. Baka kung napaano na ang baby ko. Siya na lang ang meron ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na maging siya ay mawala din sa akin.

"Parang awa niyo na po...iligtas niyo ang baby ko," sabi ko sa mga nurse na umaasikaso sa akin.

"Huminahon po muna kayo, Misis."

Pilit kong pinakalma ang sarili ko, kailangan kong maging matapang para sa aming dalawa. Ilang minuto pa bago dumating ang doctor para tingnan ako.

Matapos ang ilang pagcheck niya sa akin ay sinabi niyang wala na akong kailangang alalahanin pa dahil ligtas naman kami ng baby ko. Nakahinga ako ng maluwag, pero may iba pa akong problema. Gusto nilang mag stay ako doon ng ilang sandali pa.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na habang mas lalo akong tumatagal doon ay lumalaki din ang bill na kailangan kong bayaran, may ilang gamot ding ibinigay sa akin.

"A-yos na ako. Hindi na kailangang magtagal pa...w-wala din naman akong pambayad," sabi ko sa kanila para bigyan na nila ako ng discharge form.

Hiningi ko na ang bill na kailangan kong bayaran, kahit ang totoo ay hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ipangbabayad doon.

"Teka lang...may tatawagan lang ako," paalam ko sa mga nurse.

Kung hindi ako magmamadali ay baka mas lumaki pa ang bill. Hindi ko na alam kung saan nanggaling yung mga bill na ibinigay nila sa akin.

Kinapalan ko na ang mukha ko at tinawagan ang taong alam kong makakatulong sa akin. Wala akong ibang ginawa doon sa loob kundi ang yumuko, ni wala akong mukhang maiharap sa mga tao doon. Mahigpit ang hawak ko sa phone ko.

"Good evening, Doctor Gallego."

Nag-angat ako nang tingin dahil umingay ang emergency room dahil sa pagbati ng mga nandoon sa taong dumating.

Bumati din naman siya pabalik sa mga ito pero ang focus niya ay nasa akin kaagad.

"What happened? Ayos ka na ba?" tanong niya kaagad sa akin.

Imbes na hintayin ang sagot ko ay nilingon niya ang ilan sa mga nurse para itanong kung ano na ang lagay ko.

"Cramps po, Doc. Over fatigue na din...mukhang stress po ang patient," rinig kong sagot nila kay Damien.

Tumango ito. May itinanong pang iba bago siya tuluyang humarap sa akin. Tipid siyang ngumiti, yung ngiting gusto niyang iparamdam sa akin na ayos na. wala na akong kailangang alalahanin pa.

"You should stay here for a couple of hours," sabi niya sa akin na kaagad kong inilingan.

"W-wag na...lalaki lang ang bills. Wala akong ipambabayad," pag-amin ko sa kanya.

"Wag mong alalahanin 'yon. Akong bahala," paninigurado niya sa akin.

"Hindi na Damien. Ayos na din naman ako...hindi na sumasakit ang tiyan ko," laban ko.

Sandaling nagtagal ang tingin niya sa akin bago siya marahang tumango na para bang suko na siya.

"Sa akin ka muna kung ganoon," pinal na sabi niya bago siya umayos ng tayo para ayusin ang mga dapat bayaran sa hospital.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon