Chapter 55

41.3K 1.9K 232
                                    

Uwi




Panay ang paki-usap ko sa kanila na wag saktan si August. Gustuhin ko mang maging matapang kagaya niya ay hindi ko magawa. Gusto ko din sanang pagaanin ang loob niya, pero hindi ko alam kung paano ko 'yon gagawin, gayong hindi ko ma-atim ang kalagayan niya ngayon.

Mahigpit ang yakap ko sa anak naming tahimik lang, ramdam ko ang pagkalito niya. Alam kong nakikita niya din ang kalagayan ng Daddy niya, pero masyado pa siyang bata para ma-intindihan ang lahat.

"Tama na. Hindi po siya lalaban..." umiiyak pa ding paki-usap ko.

Gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin, para hindi ko siya makita sa ganoong sitwasyon ay hindi ko magawa. Para bang hindi ako pwedeng lumingat kahit sandali, maging ang pag-kurap ay hindi din.

Baka sa oras na mawala ang atensyon ko sa kanila ay may kung ano silang gawin sa asawa ko.

"Tama na..." pagpapatuloy ko.

Hanggang sa narinig naming pareho ang pag-iyak ni Verity. Kanina pa niya ako nakikitang umiiyak, kanina pa din niya naririnig ang pagmamaka-awa ko. Hindi ko na napansin pa kung ilang beses na rin siya marahil sumibi dahil dito.

"Bitawan niyo ako!" sigaw ni August.

Sinibukan niyang magpumiglas. Na para bang 'yon na ang hangganan ng pagtitimpi niya, ang marinig niya ang pag-iyak ni Verity.

"Bitawan niyo ako!" galit na utos niya sa mga ito.

Ang kaninang nakadagan sa kanya ay bahagyang nahirapan, muntik pang ma-out of balance dahil sa pilit niyang pagkawala sa higpit ng hawak ng mga ito.

Dahil sa ginawang 'yon ni August ay nakita ko kung paanong mas lalong hinigpitan ng nakahawak sa kanya ang pagkakadagan dito. Hindi na niya natago pa ang sakit sa mukha niya, mas nakita ko kung paano siya nahihirapan.

Dahil sa pagkakadagan sa kanyang likuran ay medyo nahirapan siyang huminga, pilit siyang kumukuha ng hangin dahil sa pagkakadagan sa likod.

"Shhh...Andito ako," malambing na bulong ko kay Verity.

Pilit ko siyang pinapatahan, hanggang sa ang mga nasa tabi naming pulis ay medyo na-irita na din dahil sa pag-iyak ng baby ko. Nilingon ko sila habang pinapatahan ko ang baby ko, kung kanina ay kampante ako dahil sa presencya nila ay nag-iba na ngayon.

Para kaming naka hanap ng kakampi dahil sa pagdating nila, hanggang sa makita ko kung gaano kadali para sa kanila na saktan si August. Pakiramdam ko ay kayang kaya din nila kaming saktan ni Verity.

"Nanlalaban na 'to," sigaw pa ng isa.

Kaya naman sandali akong napahinto ng lumapit ang isa pa para hawakan din siya.

"Wag!" umiiyak na sigaw ko ng makita ko kung paano siya sinipa ng isa sa kanyang sikmura, sa tagiliran para lang patahimikin siya.

Napadaing si August dahil sa lakas no'n, halos mamilipit siya sa sakit.

"Tulong!" sigaw ko.

Halos mag-echo ang boses ko, ibinigay ko ang lahat ng natitirang lakas ko para sumigaw. Kahit alam kong impossible, walang makakarinig sa amin.

Nagpatuloy ako sa pagsigaw. Halos pagtawanan na ako ng lalaking nasa tabi namin. Kahit siya ay alam na walang makakarinig sa amin.

Hanggang sa magulat na lamang kami dahil sa bilis ng pangyayari. Hindi ako nakagalaw habang nakatingin sa sunod-sunod na pagdating ng mga pulis. Hindi ko na tuloy alam kung totong pulis ba ang kasama namin ngayon...magkakasama ba sila?

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon