Chapter 39

50.4K 1.9K 363
                                    

Last will








Pinilit kong lumayo at kumawala sa yakap ni August nang marinig ko ang pag-iyak ng baby ko. Mukhang nai-irita din siya, ayaw niya sa presencya ng Daddy niya. Iniharap ko si Verity sa akin, pilit ko siyang itinatago para hindi niya makita si August, mukhang nangingilala ang baby ko.

"Shh...nandito si Mama," marahang pag-aalo ko sa baby ko.

Nilingon ko si August, kita sa mukha niya ang pag-aalala dahil sa pag-iyak ni Verity.

"Umalis ka na muna," pagtataboy ko sa kanya.

Ang pag-aalala ay napalitan ng pagkadismaya at lungkot.

"Anong kailangan niya?" tanong niya sa akin.

Na para bang kung ano mang sabihin ko ay gagawin o kukuhanin niya kaagad para lang ma-ibigay kay Verity para tumahan ang baby ko.

Nanatili ang walang emosyong tingin ko sa kanya.

"Umalis ka muna," mas marahang sabi ko sa kanya.

Mas lalong bumagsak ang magkabilang balikat ni August, nakaramdam ako ng kaonting awa, pero ipinagsawalang bahala ko din kaagad.

"Susubukan kong patahanin siya," matapang na sabi niya sa akin kaya naman natawa ako.

Humigpit ang yakap ko sa baby ko.

"Sino ka ba sa akala mo?" tanong ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Masyado na akong nadadala ng galit at inis para sa kanya.

Ngayon lang sila nagkita ni Verity, akal ba niya ay ganoon kadali para sa baby ko na tumanggap ng taong ngayon niya lang nakita. At akala ba niya ganoon lang siya kadaling makakapasok sa buhay namin.

Na kung paano niya kami madaling ipinagtabuyan noon, ay ganoon kadali din niya kaming mababawi ngayon?

"Vesper, Anak..." tawag ni Nanay sa akin.

Napabuntong hininga ako. Maging ang labi ko ay nanginginig sa hindi ko mapaliwanag na emosyon. Marami akong gusto sabihin at isumbat kay August, pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hanggang sa mas pinili ko na lang na manahimik.

Inirapan ko na lang siya at tinalikuran para ihele ang baby ko. Naramdaman ko ang paglapit ni Nanay sa akin.

"Subukan natin...baka tumahan si Verity sa Daddy niya," sabi ni Nanay.

Gustuhin ko mang magprotesta ay parang bigla akong nanlambot dahil sa paki-usap si Nanay. Na para bang bilang ina din ay alam niya ang pwedeng makabuti para sa baby ko.

Napabuntong hininga ako, mula kay Nanay ay muling bumalik ang tingin ko kay August. Nagliwanag ang mukha niya na para bang nagkaroon siya ng pag-asa. Marahan kong hinaplos ang likod ni Verity na hanggang ngayon ay umiiyak pa din.

Hindi na nahintay pa ni August na lumapit kami sa kanya, siya na mismo ang lumapit sa amin. Iniabot niya ang mga kamay niya para tanggapin si Verity mula sa akin, bumaba ang tingin ko do'n.

"Marunong ka ba?" tanong ko.

Baka hindi siya marunong magkarga ng baby, baka magkamali siya ng hawak kay Verity...baka masaktan niya ang baby ko.

Sunod sunod na pagtanggo ang ginawa niya.

"Marunong ako. Binubuhat ko nga si Vatticus," sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko sa pangalang binanggit niya.

"Pamangkin ko, anak nina Julio at Vera," sagot niya sa akin kahit ang tanong ko ay nanatili lang sa isip ko.

Nights of August (Sequel # 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon