CHAPTER 13

1K 27 2
                                    

Nang maubusan ng hininga ay humiwalay siya   sabay na isinandal ang kanyang noo sa'kin. He look at my eyes intently with full of love.

"I am tempted with your lips, Allysa. Its like drugs that make me addicted. Please, don't runaway again without hearing me out. I'm afraid to lose you." He huskily said at dinampian ng halik ang tungki ng aking ilong.

" Kailan naman ako naging drugs ha? " Taas kilay na tanong ko pa sa kanya. Nakangiting ginulo niya naman ang buhok ko na ikinabusangot ko.

" Since I got your first kiss. " Sagot pa nito.

" Eh i-ikaw? s-sino f-first kiss mo?" Nahihiyang tanong ko pa sa kanya sabay yuko. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko habang nag-aantay sa sagot niya.

" It doesn't matter, Allysa. Ayaw kong magagalit ka na naman sa'kin. " Aniya.

Siguro nga si Tricia, ayaw niya lang banggitin ang pangalan nito. Ang dami kong gustong itanong sa kanya kaso 'di ako handa sa maaring maging sagot niya.

" H-hindi naman. " Sagot ko pa.

" Are you sure? " Panigurado pa nito. Nagdadalawang isip naman akong tumango. " Okay, it's Tricia. " Sagot pa niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na umamin siya pero bigla parang hindi ko matanggap ang sagot niya.

" Ah 'y-yong n-niluto. " Pagdadahilan ko pa at agad na tumalikod sa kanya. Tila pinagsisihan kong naitanong ko iyon sa kanya.

Nang makitang naluto na ang sopas  ay inihain ko ito at inilagay sa mesa.

" Alyssa. " Pagtawag pa nito. Tumingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita. " Are you mad? " Tanong pa nito.

" B-ba't naman ako m-magagalit? " Pilit ngiting wika ko pa. " K-kumain kana. " Lumapit naman ito at naupo sa high stall.

" Aren't you going to join me? " Aniya. Umiling lang ako.

" B-busog pa ako. Kain ka lang, pagkatapos niyan magpahinga ka muna. " Sagot ko pa at lumabas ng kusina. Minabuti ko muna na maupo sa sofa at binuhay ang tv.

Iniisip ko parin kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Tricia. Sa totoo lang, na kay Tricia na lahat. Mayaman, maganda, sexy at sikat.

Habang nanonood ng tv ay dumapo ang tingin ko sa isang magazine sa ilalim ng mesa. Kinuha ko ito at binuklat. Isa palang model si Tricia. Mukha niya ang nasa cover ng magazine. Hindi naman impossibleng maging sikat siya dahil sa angkin niyang ganda.

Habang binubuklat ko ito ay aksidenting may nahulog na litrato. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat sa likod. Paniguradong handwritten ito ni Arrone dahil may signature pa niya ito. Mukha nilang dalawa ni Tricia habang nasa pool. Ang saya nila sa picture at subrang bagay nila sa isa't-isa.

' Hope that your doing fine, babe. I've missed you so much. I love you.  -Arrone' Iyan ang nakasulat sa likod ng litrato.

Biglang nanliit ako sa sarili ko. Ang sweet siguro nila noon.

Nang mapansin kong papalabas ng kusina si Arrone ay nagmamadali kong tiniklop ang magazine at ibinalik ito sa ilalim ng mesa. Itinago ko naman sa bulsa ang litrato nila. Kay Chin nalang siguro ako magtatanong.

" Tapos kanang kumain? " Pilit kong pinasigla ang boses ko at ngumiti sa kanya. Tumango naman ito at naupo sa tabi ko.

" I love you, Allysa. " Malambing na wika pa nito sabay halik sa pisngi ko at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. Hindi ako sumagot sa kanya. I just responded him with a smile.

" Pahinga ka muna. " Malumanay naman na saad ko. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan ang likod nito. And then he lay his head on my lap at pumikit.

Nilalaro ko naman ang malambot nitong buhok gamit ang daliri ko habang mahimbing siyang natutulog. Bahagya pa akong natawa sa mahina nitong paghilik. I took a picture of him while sleeping. Ang cute at gwapo niya pa din titigan kahit na natutulog.

Nagising ako nang naramdamang may nakatitig sa'kin. Nakatulog pala ako. Nakangiti pa ito sa'kin habang nakasandal ako sa balikat niya.

" G-gising kana pala? Anong oras na? " Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya at dumistansiya ng kaunti. Naiilang ako sa subrang lapit ng mukha niya.

" It's already 3 p.m, Allysa. " Sagot pa nito. " May gusto kabang kakainin? Ipagluluto kita. " Tanong pa niya sa'kin. Ang bilis naman yata ng oras.

" K-kahit ano. " Tipid na sagot ko pa.

" You can also eat me if you want. I'm fresh.  " Aniya sabay kindat. Nag-iwas naman ako ng tingin nang ma-realize ang sinabi nito. Tumawa pa ito sa naging reaksiyon ko. " Just kidding, Allysa. You're blushing. I like it. Just relax here and I'll just cook.  " Dagdag pa nito at ninakawan ako ng halik bago nangingiting tinungo ang kusina.

_______

Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay Arrone na babalik na sa dorm. Ihahatid niya pa sana ako pero pinigilan ko siya at pinagpahinga nalang.

Saktong pagbukas ng elevator, hudyat na nasa unang palapag na ako. Nakatagpo ko si Tricia na halatang nag-aantay rin siguro na sumakay. Nakasuot pa ito ng pulang dress na hapit sa kanyang katawan at kita ang cleavage.

" Oh! Look who's here? A garbage grabber! " Aniya sabay na pumapalakpak pa. Napatingin naman sa gawi namin ang mga taong dumadaan.

" Kung naghahanap ka ng away, don ka mag-audition sa dragon ball. Baka matanggap ka pa. " Balik kong wika sa kanya na nagpasama ng awra niya.

" You bitch! Don't you know the requirements and qualifications of this school or maybe you just used my boyfriend to study here?" Inis na wika pa nito. Hindi ko ipinahalata sa kanyang naiinis ako sa tanong na iyon. Instead, I teasingly smiled at her.

" Mas mukha ka ngang pukpok sa'kin. " Pag-uumpisa ko pa. Umuusok na ang ilong nito na ikinangisi ko. " Unang requirements dito, dapat maganda ka at hindi mukhang babalu. Pangalawa, dapat hindi kita ang kaluluwa. Pangatlo, hindi ako ganyan ka-desperada sayo para gamitin si Arrone. " Balik na wika ko pa at aktong sasampalin niya ako nang may pumigil sa kamay niya.

Napatingin naman ako kay Arrone na ang sama ng tingin kay Tricia. 'Di ko man lang namalayang nakasunod ito.

______________

A/N: Happy Reading! Welcome to my fictional world sa mga bagong nag-follow. Thank you so much.

Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon