" Sigurado ka bang ayaw mong lumangoy, beshy? " Tanong pa ni Chin. Umiling naman ako habang nanatiling nakaupo sa gilid. Si Arrone naman at mga kaibigan nito ay may inaasikaso pa raw. Tinanong ko pa sila pero hindi sila sumagot.
Pangalawang araw na namin dito sa resort. Kahapon, buong araw lang kaming nanatili ni Arrone sa villa dahil sa subrang pagod.
" Ikaw nalang muna." Sagot ko naman sa kanya. Napalabi naman ito at tumabi sa'kin.
" Takot ka bang umitim, beshy? May sunblock ako don sa villa. " Aniya. Natawa naman ako dito. Nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya na medyo masakit pa ang ibabang parte ko dahil sa kuya niya. Napakagat labi nalang ako at tumingin sa dalampasigan.
" May dala rin akong sunblock, beshy. Mamaya nalang ako maliligo kapag nandito na si Arrone. " Sagot ko. Sinundot-sundot niya naman ako sa tagiliran na may nakakalokong ngisi.
" Ayieeee! Si kuya lang pala dahilan. Ikaw, beshy ha." Aniya kaya napailing naman ako sa ginawa nito.
" Eh kayo naman ni Nath? May pumutok na ba? " Tanong ko pa sa kanya. Bigla namang namula ang mukha nito at nag-iwas ng tingin sa'kin. Napalunok pa ito bago sumagot.
" H-hindi a-ah. A-ano b-bang klaseng tanong 'y-yan, beshy?" Kunyaring natatawa pa ito pero nahahalata ko sa paraan ng kilos at pananalita niya.
" Talaga ba? Sige. Si Nath nalang tatanungin ko mamaya. "
" No! I m-mean, beshy. M-muntik lang naman e-eh. B-buti nalang dumating sina Nick at Jes. " Pag-amin pa nito. Natawa naman ako sa mukha niya.
" Nahuli din kita. " Natatawang wika ko pa. Magsasalita na sana si Chin nang may magsalita sa likod namin.
" Allysa, what a coincidence. What are you doing two here? " Tanong pa ni sir Alkim sa'min. Nanatiling tahimik naman si Chin. Alam ko kasing crush niya si sir.
" Magandang araw po. Nagbabakasyon lang po kami. Ikaw po ba, sir? " Balik na tanong ko pa sa kanya. Ngumiti naman ito naglakad palapit sa pwesto namin.
" Can I sit here?" Tanong pa ni sir Alkim at tinutukoy ang tabi ko. Naupo lang kasi kami sa pinong buhangin. Tumango naman ako dito. " I was just wanted to freshen' up. " Sagot naman nito sa tanong ko kanina. Napatango naman ako.
" Ikaw lang po ba, sir? O may kasama ka pa? " Sunod-sunod na tanong pa ni Chin. Akala ko tuluyan na 'tong napipi.
" I'm with my twin brother. " Sagot naman nito. Napanganga naman si Chin sa sagot nito at tila 'di makapaniwala.
" Talaga, sir? May kakambal ka? Kasing gwapo mo ba? Hot rin ba?" Natawa naman si sir Alkim sa sunod-sunod na tanong nito.
" Yeah, but I am hottier than him. " He said and chuckled. Hindi ako na-inform na mahangin din pala si sir. Namula naman si Chin nang kumindat pa si sir.
" Bro, I have been looking for you. " Napalingon naman kami nang biglang may magsalita sa likod namin. Nanlaki pa ang mata ko nang makitang magkamukha nga sila ni sir Alkim. Mula ulo hanggang paa. Maging ang pangangatawan nila ay walang pinagkaiba. May nunal nga lamang ito sa gilid ng kanyang kilay at si sir Alkim ay wala.
Nag-iwas naman ako nang tingin nang tumingin ito sa'kin.
" Have you done what I've ask you to do?" Tanong naman ni sir Alkim dito. Naglakad naman ito at tumayo sa harap namin na nakapameywang pa. Nailang naman ako nang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na tila ba sinusuri ako. " Don't look at her like that, Aldrin. You're scaring her. " Saway naman ni sir Alkim dito.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...