CHAPTER 42

781 16 3
                                    

Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan at 'di na alintana ang mga nadadaanan ko. I just want to run away from this place. Patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko. I shouldn't feel this way.



" Tangina mo, Allysa! It's been five years.... five years na. Ano pa ang aasahan mo ha? Na ikaw parin ang mahal niya?"  Parang baliw na panunumbat ko pa sa'king sarili and painfully laugh at myself. " Naniwala ka naman. Niloko ka na nga. " I added at wipe my tears.



Dumeritso ako sa condo. Matapos kong e-park ang sasakyan ay tulo-tuloy na ako sa pagpasok. Mabagal lang ang paglakad ko habang binabaybay ang daan papunta sa room. Wala sa sarili akong pumasok sa elevator sabay scan ng card at pinindot ang 22nd floor.




Bumukas ang elevator ngunit hindi parin ako lumalabas. Para akong baliw na ngumitingiti habang umiiyak.


The elevator was about to close nang may kamay na humarang mula dito. Napaangat naman ako and I saw Ithamar standing there with his worried and confuse expression.


" Boo, why are you crying? Is there something wrong? " Sunod-sunod na tanong pa nito sabay hila sa akin palabas ng elevator. Umiling lang ako sa kanya at pilit na ngumiti. I wipe my tears before deciding to scan my card to open up the door. Sumunod naman ito sa'kin papasok. " Is it about Leah?" Nag-aalalang tanong pa ni nito.




" I-I'm fine. Don't w-worry about me. " Sagot ko pa at 'di humarap sa kanya. Ipinatong ko ang bag ko sa glass table sabay upo sa single sofa. I couldn't tell Ithamar the truth. Ayaw kong malaman niyang may nakaraan kami ni Arrone at siya ang ama ng mga bata.


" I know that you're not, Boo. I'm your friend, you can open up with me. " Malumanay na wika pa nito sabay squat sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay na nakatukod sa tuhod. I tried to fake my smile at him.




" W-wala 'to. Don't m-mind me. " Wika ko pa sabay punas ng luha at ngumiti ng peke. He didn't say a word, instead he hug me.



" I know that you're not going to share it with me but I am always here for you, Boo. " Aniya sabay hagod ng likod ko.  Hindi ko naman napigilang mapaiyak ulit. Nasasaktan ako sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang nakita ko kanina. This is exactly what I've felt noong nakita ko noon si Arrone at Tricia na magkatabi sa kama.



Nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa tumahan ako.




" T-tama na nga 'to. Baka bumaha pa dito. " Pabirong wika ko pa sabay kalas ng yakap sa kanya at tumayo. " G-gusto mo ba ng maiinom? " Tanong ko pa sa kanya.



" No, I'm fine, Boo. I'm here to tell you na nag-back out ang mga gustong mag-donate ng bone marrow kay Leah. Some of them didn't pass the laboratory test. " Aniya sabay upo sa mahabang sofa. Muli naman akong naupo.




" Is there any way? I'm willing to give billions." I uttered sabay hilamos ng palad sa mukha ko. I only have two weeks here at kailangan kong bumalik agad sa Switzerland.




" We will try. We will find another way. If we have no other choice, you will be forced to lower your pride and ask the twins father, Boo. " Aniya. Natahimik naman ako sa huling sinabi nito. " Isn't that why you came here?...But anyway, parang nakita ko na ang ama ng kambal. Their faces is familiar but I couldn't remember it anymore. " Aniya na nagpakabog ng dibdib ko. Bigla nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi nito. Hindi possible dahil magpinsan sila ni Arrone. Fear envelope me nang maisip na maari niyang masabi kay Arrone na may anak kami.





" B-baka n-naman n-namamalikmata ka lang. I-it's impossible t-that you meet him. " Utal na wika ko at hindi makatingin sa kanya. Tiningnan niya naman ako na nakakunot ang noo.




Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon