CHAPTER 35

790 18 3
                                    

" What the hell, Allysa? What are you doing out there? " Singhal pa ni sir Alkim nang aktong tatawid na ako sa kalsada. Buti nalang at pinalabas ako ng guard kahit na gabi na. Hinila niya ako pabalik sa gilid.

" A-ayoko na. G-gusto ko nang u-umalis sa l-lugar na'to. " Lumuluhang wika ko pa. Niyakap naman ako nito ng mahigpit.

" I'll take you home. Please, don't cry. It's not good for your baby. "  Wika pa nito habang hinahagod ang likod ko. Walang tigil sa pag-agos ang luha ko nang alalayan niya ako papasok sa sasakyan niya.

Buong biyahe ay wala akong tigil sa paghikbi. Binigyan pa ako ni sir Alkim ng tissue ngunit hindi ko rin ito ginamit. Buti nalang at 'di siya nagtanong kung anong nangyari sa'kin. He never asked me whenever I am in down situation. Napapansinan ko lang na sa tuwing may problema ako ay palagi siyang sumisipot.

" Just sleep, Allysa. Hold that tears. " Nag-aalalang wika pa nito at saglit akong tinapunan ng tingin bago itinoon ang atensiyon sa daan.

No matter how much I tried to close my eyes, ang mga luha ko ay walang tigil na nagsisibagsakan. Kulang nalang bumaha dito sa loob ng sasakyan. Sumasakit narin ang mga mata ko sa kakaiyak.

Nang huminto kami sa tapat ng bahay ay nagdadalawa pa akong bumaba. Natatakot ako sa magiging reaksiyon nila nanay at maging si kuya.

" You don't need to hide it, Allysa. Pamilya mo lang ang tanging malalapitan mo. " Malumanay na wika pa ni sir Alkim bago patayin ang makina. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. " Come on. I'll come with you para 'di ka matakot. " Aniya sabay lahat ng kanyang kamay. Nagdadalawang isip ko naman itong inabot.

Nang makababa ay taka akong napatingin nang makitang may mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa labas at may mga lalaking naka-itim pang nagbabantay sa gate. Nasa anim katao iyon. Iginiya pa ako ni sir Alkim papasok at agad naman na nagbigay galang ang mga lalaki sa amin na ikinakunot ng noo ko.


" Magandang gabi po, sir, ma'am. " Magalang pa nilang pagbati. Tinanguan lang ito ni sir Alkim bago kami nagpatuloy sa pagpasok sa bahay.

" A-Allysa? " Pagtawag pa ng babaeng sa hula ko ay nasa singkwenta na ang edad. Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo sa sofa at naluluhang lumapit sa'kin. Taka naman akong napatingin kina nanay, tatay at kuya. May kasama pa itong 'di katandaang lalaki ngunit bata parin itong tingnan. Sa tabi naman nito ay ang kakambal ni sir Alkim na si sir Aldrin. " A-anak, we finally meet you. " Naluluhang wika pa nito na mas lalong ikinataka ko. Who are they?


" T-they're your real parents, baby sis. I-I'm sorry if itinago namin sa'yo ang totoo. Gusto lang namin nila nanay na protektahan ka. " Nakayukong wika pa ni kuya.


" P-pasensiya na, anak." Paumanhin pa ni nanay na naiiyak na rin.

" B-bakit naman n-ngayon kung kailan n-nasasaktan ako? Ang bait naman ng mundo sa'kin. " Humikbi ko pang wika. Lumapit naman si kuya sa'kin at niyakap ako.

" Don't cry, baby sis. May dahilan kung bakit namin iyon ginawa. " Wika pa ni kuya sabay hagod sa likod ko. Lumapit naman ang babae na tumawag sa'kin kanina. Nanginginig pa ang mga kamay nito at umiiyak habang maingat na hinawakan ang pisngi ko.


" A-Allysa anak, we r-really missed you. How we really wanted to be with you all these years. " Umiiyak na wika pa nito sabay yakap sa'kin ng mahigpit. Nakita ko pang sumisinghot sa gilid sina sir Aldrin at sir Alkim habang nakatungo naman ang katabi nila.


" B-but how come? N-naguguluhan ako. " Humiwalay naman ito ng yakap sa'kin at muli akong hinawakan sa pisngi.

" Dating kasambahay namin si Agnes. To be able to protect you from the villain, ipinadala ka namin dito sa Pilipinas, anak. N-natatakot kaming pati ikaw madamay sa gulo. We can't afford to lose our only precious daughter. " Binalot ng hagulhol ang buong bahay. Nanghihina akong umupo sa katabing sofa at pilit na pinoporseso sa utak ang mga nangyayari. Ang daming pagsabog naman sa buhay ko ngayong araw. Nalilito na ako.


Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon