CHAPTER 7

1.4K 42 0
                                    

Matapos kong palayasin si Arrone sa room ko ay minabuti ko munang maghanda para sa unang klase ko. First day of class namin ngayon kaya 'di pwedeng ma-late ako.


Saktong paglabas ko naman sa room ay siya rin paglabas ni Chin. Malapad pa ang ngiti nito.

"Morning tupaking, beshy! " Wika pa nito sabay hug sa'kin. Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinatawa niya.

" 'Di ako tupakin! " Giit ko pa.

" Meron kaba ngayon, beshy? Nagsusungit kalang kasi tuwing dalaw mo eh. " She said at nagsimula na kaming maglakad. Tumango naman ako sa kanya. "Sabi na eh! Kaya pala nagawa mong mapalayas si kuya. " Tumatawang wika pa nito.


" Kuya mong reklamador. Ipapakain ko talaga ang lalaking 'yon kay Bruno. Nakakainis! " Mas lalo naman siyang natawa sa sinabi ko.


" Relax, beshy. Nakakasira ng beauty yan, remember. Pero boto talaga ako sa'yo, ang epek ba naman ng mukha ni kuya kanina. Parang maiiyak na. Kanina ko palang siya nakitang ganun." Mahabang wika pa nito sabay halakhak.

Hindi ko siya sinagot nang bumukas na ang elevator. Buti nalang at wala kaming kasabay.

" Pakisabi diyan sa kuya mo na huwag niya akong guguluhin. Pag-aaral ipinunta ko dito, hindi pakikipag-landi. " Masungit na wika ko pa. Mas lalo namang natawa si Chin sabay hampas ng mahina sa braso ko.

" Kayo ha. May love quarrel pang nalalaman. Ano, beshy? May mabubuo naba? " Makahulogang wika pa nito na ikinakunot ng noo ko.


"Love quarrel ka diyan. Kung alam mo lang...." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang may humila sa kamay ko pagbukas ng elevator at dinala ako sa gitna ng feild. Kasabay niyon ay may mga estudyanteng nagsasayaw sa harap ko.

Maya-maya pa ay may ibang grupo na naman ang pumasok na may dalang tig-iisang rosas. Ibinigay nila ito sa'kin na ikinataka ko. Tinanggap ko naman ito kahit naguguluhan sa mga pangyayari. Hinanap ko si Chin pero ang loka nakangiti lang sa tabi habang bini-videohan ako.


" P-para saan 'to? " Tanong ko pa sa panghuling lalaki na nagbigay ng rosas sa'kin. Hindi ito sumagot sa halip ay itinuro niya ang malaking building sa harap. Taka naman akong napatingin dito. " Ano namang meron don? " Sunod na tanong ko pa pero umalis na ito.

Maya-maya pa ay pinatay nila ang musika kasabay nang pagbagsak ng malaking tarpaulin mula sa building. Napanganga naman ako nang makita ang mukha ko don at may nakasulat pa.


'I'M SORRY ALLYSA GRACE FRANCO' Iyan ang nakasulat at natawa naman ako sa mga katagang nasa baba nito. ' Ang tupakin kong girlfriend'. Tila ba biglang nagkakarera ang puso ko sa nabasa. Alam ko na kung sino ang may pakana nito.

I was about to turn around nang biglang may sumigaw mula sa itaas ng building. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita si Arrone nakatayo doon. 'Magpapakamatay ba ang lalaking 'to?'


" Allysa, I'm Sorry! " Sigaw pa nito mula sa itaas habang may hawak na megaphone. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid habang ang iba ay nagbubulungan.

" A-Arrone magpapakamatay kaba ha?! Bumaba ka diyan! " Sigaw ko pa sa kanya. Nataranta naman ako nang bigla itong naglakad sa pinakagilid ng stante. " Isa, Arrone! " Pagbibilang ko pa.


" Just forgive me first, Allysa. Hindi ako bababa dito hangga't hindi mo ako patatawarin. " Wika pa nito. I don't know kung bakit bigla akong nainis sa sinabi nito.


" Ah ayaw mo talagang bumaba ha? Sige, tumalon kana! " Wika ko pa sabay talikod. Natawa naman ang mga tao sa paligid. Nakita ko pa ang mga kaibigan ni Arrone sa tabi ni Chin. Ang lakas ni Nath tumawa.


" Good 'yan, Allysa. Pahirapan mo pa! " Wika pa ni Nick sabay thumbs up.

" Magsipasok na kayo sa klase niyo. Hayaan niyo 'yan tumalon. Makikape nalang kayo bukas! " Sigaw ko pa sa mga marites na estudyanteng nakapalibot. Natawa naman silang nagsialisan.


" Allysa, may naghahanap nga pala sa'yong gwapong lalaki kanina sa gate. Azzur Gael raw 'yong name. " Wika pa ni Nick sabay lapit sa'kin.

Kuminang naman ang mga mata ko sa narinig.

" Talaga? Asan siya? " Nakangiting tanong ko pa. Magsasalita na sana ito nang may humintong kotse sa harap namin. Biglang nagliwanag ang mata ko at malapad na ngumiti nang makilala kung sino ang bumaba mula dito.


Aktong tatakbo na ako palapit dito upang salubungin ng yakap nang may biglang humila sa'kin pabalik. Sinamaan ko naman ng tingin si Arrone. Ang bilis naman nitong nakababa. Nag-teleport ba 'to?



" Akala ko ba tumalon kana? " Pagtataray na tanong ko pa sa kanya. Napatakip naman ako ng bibig nang makitang masama ang tingin nito.


Hindi niya pinansin ang sinabi ko at masamang tumingin sa bagong dating. Nang lumapit si kuya sa'min ay agad kong sinamantalang tumakbo palapit sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

" How's your stay here, my baby? " Malambing na wika pa nito sabay kalas ng yakap. Nakasuot pa ito ng police uniform. Hindi pa yata ito pumasok sa trabaho at dumaan muna dito sa'kin.

Kahit hindi kami masiyadong nagba-bonding ni kuya pero subrang protective niya sa'kin. Kahit busy siya ay gumagawa siya ng paraan para kamustahin ako.

" A-ayos naman po. Tsaka unti-unti ko namang nagustuhan dito. " Naka-pout na wika ko pa. Ngumiti naman si kuya sabay gulo ng buhok ko.


" Halika ka nga dito. Payakap ulit. Na-miss kita. "

Aktong yayakapin ko siya ulit nang may humapit sa beywang ko at bahagya akong pinalayo kay kuya.

" Who are you? " Seryosong tanong pa ni Arrone dito at ang sama ng tingin. Ngumisi naman si kuya ng nakakaloko. Alam ko na ang kalukuhan nito.


" Ikaw sino ka? " Balik na tanong pa ni kuya. Sandali itong huminto at napatingin sa kaharap na building. Bigla akong kinabahan. Andon pa rin nakasabit ang tarpaulin. " Kailan pa naging kayo, Allysa? " Baling pa ni kuya sa'kin.

Para gusto ko nang lamunin ng lupa. Natatakot akong sagutin siya baka isusumbong ako kina nanay. Lagot ako nito.

Yumuko ako at nilalaro ang mga daliri ng kamay ko. Nakakatakot pa naman kapag nagalit si kuya kasi 'di niya ako kakausapin kahit na magkikita pa kami araw-araw.


Aktong sasagot na ako nang unahan ako ni Arrone.


"It's none of your business. Just leave this place before I lose my temper. " Seryosong wika pa ni Arrone. Sinamaan naman siya ni kuya ng tingin.

" Ang tapang mo ha! " Aktong huhugot ito ng baril nang agad akong pumagitna.

" K-kuya, stop it! " Pagpigil ko pa sa kanya. Nakita ko namang nagulat si Arrone.


" K-kuya? " Takang tanong pa ni Arrone. Hindi niya siguro nahahalata na magkamukha kami ni kuya. 'Yong ilong namin, mata at pilikmata ay magkapareho. Sa ugali nga lang hindi. Kaya pati mga kaklase ko dati napagkamalan kaming magkasintahan.


"Ba't mo naman binunyag agad, baby sis. " Naka-pout na wika pa ni kuya. Binatukan ko naman ito.

" Alam niyo, magpatayan kayong dalawa diyan! Late na kami. " Pagtataray ko pa. Aktong aalis na ako nang magsalita si kuya.

" Teka lang, baby sis. Na-excuse na kita sa klase mo. 'Di mo ba na-miss ang pinakagwapo mong kuya? " Napakamot ulo pa ito. Napasinghap naman ang mga kasamahan namin.

" Wow! Kailan kapa naging gwapo, kuya Gael?" Kontra pa ni Chin. Natawa naman si kuya sa kanya.

" Nong nasa tiyan palang ako ni nanay." Confident na sagot pa nito. " By the way, baby sis. Gagala tayo ngayon. " Baling pa nito sa'kin. Napangiti naman ako ng malapad.

" She's not allowed to come out from this campus. " Agad na tugon ni Arrone sa kanya na nagpawala ng excitement ko. Ang epal talaga nito.

_______________

FOLLOW | VOTE | COMMENT

Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon