CHAPTER 27

662 17 8
                                    

WARNING ⚠️⚠️⚠️
Huwag kalimutang e-maintain ang inocent looks. Maaring basahin ngunit huwag tularan.

" Anak, mag-ayos kana at may bisita ka sa labas. " Pagising pa sa'kin ni nanay habang mahinang niyugyog ang aking balikat.


" Mamaya na, nay. Inaantok pa ako. " I responded at nagtakit ng kumot sa mukha. Araw naman ng sabado ngayon at wala parin akong gagawin. Hindi ko alam kung anong oras na akong natulog kagabi sa kakahintay sa tawag o text ni Arrone pero wala parin akong natanggap sa akin. Humiga ako sa kama na may mabigat na pakiramdam at umiiyak hanggang sa nakatulog.

" Mag-ayos kana. Alas dyes na ng umaga, anak. " Wika pa ni nanay sabay hila ng kumot sa'kin. Nasilaw naman ako sa sinag ng araw nang buksan niya ang kurtina.


" Pauwiin niyo nalang po kung sino man ang nandiyan. Wala ako sa mood humarap sa kahit sino, nay. " Nakabusangot na wika ko pa habang namumungay pa ang mga mata.


Tiningnan ko muna ang cellphone ko sandali ngunit ganoon parin. Wala man lang paramdam si Arrone. Nag-aalala na ako kung nasaan siya. Napagalitan pa ako ng kuya. Nasasaktan ako kung bakit hindi man lang niya ako magawang kamustahin kagaya ng nakagawian niyang gawin. Kung may nagawa man akong hindi niya nagustuhan kinokompranta niya ako pero iba ang kutob ko ngayon. It breaks me into pieces na hindi ko man lang alam ang dahilan niya.



" Basta bumaba ka nalang mamaya, anak. Pagagalitan ka na naman ng kuya mo niyan. " Sambit pa ni nanay sabay labas ng kwarto ko.

Nang maisara na nito ang pinto ay bumalik naman ako sa paghiga. Tumagilid ako paharap sa bintana hanggang sa unti-unti na namang nagsibagsakan ang mga luha ko.


" A-Arrone." Lumuluhang sambit ko pa sa pangalan niya sabay kuha ng larawan namin sa side table at niyakap nito. " M-miss na k-kita. M-magparamdan ka n-naman sa'kin, h-hubby. " Parang baliw na kinakausap ko ang litrato niya.

____________

Naalimpungatan ako nang may maramdamang humaplos sa pisngi. Bahagya pa akong napaungol nang bumaba sa leeg ko ang paghaplos nito.

" Wifey. " Sambit pa ng isang pamilyar na boses. Unti-unti naman akong nagmulat ng mata at isang malabang pigura ang bumungad sa'kin. Kinusot-kusot ko muna ito at biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ito. Nakaupo ito sa gilid ng kama ko.  Walang pagdadalawang isip na dinambahan ko siya ng yakap. Naiiyak na naman ako.



" Hush, wifey." Pagpapatahan pa nito sa'kin habang mahina niyang hinahagod ang likod ko. He then wrap his arms around me and hug me tightly. He only disappeared for a few days but I missed his warm hug.

" S-san ka ba g-galing ha? " Nag-aalalang tanong ko pa sa kanya. Kumalas naman siya ng yakap sa'kin sabay na hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinalis ang mga luhang naglandas doon gamit ang kanyang daliri.

" I went to spain, wifey for something's important. I'm sorry if I didn't let you know. " Sagot pa nito at dinampian ako ng halik sa noo. " I only lost you a few days but I immediately miss you. Not a day goes by that I don't think of you, wifey."  Dagdag pa nito.

" Talaga bang galing sa Spain? Eh bakit pati si Chin hindi alam kung nasaan ka? " Sunod-sunod na tanong ko pa sa kanya. Mahina niya namang pinisil ang pisngi ako habang may ngiti sa kanyang labi.


" I didn't let anyone know, wifey. Not even my sister. I just arrived and I went to you right away. You were still asleep when I came here, wifey. " Aniya. Kinabig niya naman ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.


Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon