" Don't ever dare to lay your hands on my girlfriend, Tricia. " Malamig na wika pa nito. Bahagya naman itong natakot ngunit peke rin na ngumiti kay Arrone.
" B-babe, what are you talking about? And what are you doing down here? I was supposed to visit you at your room. " Aniya at kumapit sa braso ni Arrone. Nainis naman ako kaya hinigit ko ito palayo sa kanya.
" Don ka umarikingking sa iba, hindi sa may nagmamay-ari na! " Pagtataray ko pa sa kanya at hinawakan si Arrone sa palapulsuhan at hinila paalis. Naiwan naman itong nagsisigaw sa inis.
Nasa may hallway kami nang may makita akong kumakain ng ice cream. Bigla akong natakam kaya humarap ako kay Arrone. Nakita ko namang ang lapad ng ngiti nito kaya napataas ako ng kilay.
" Anong nginingiti mo diyan?...Ah, siguro nagustuhan mo 'yong panlalandi sa'yo ng ex mo. Buti pa bumalik ka don. " Pagtataray ko sa kanya at aktong tatalikod na nang hilahin niya ako pabalik kaya napasubsob ako sa malapad niyang dibdib. Nanuot naman sa ilong ko ang pabango nito.
"Why would you think like that hmm? I was just happy, Allysa na ang palaban mo. That's what I love about you." Aniya. " Let's go and will buy an ice cream. " Dagdag pa nito sabay hila sa akin patungo sa kung saan nagtitinda ng ice cream.
Manghuhula yata ang lalaking 'to.
Pagkarating namin ay naupo ako sa upuan na pinaghila ni Arrone at tumitingin sa mga flavor ng ice cream nila sa menu.
" Choco Almund fudge sa'kin with cookies and cream. " Nakangiting wika ko pa kay Arrone. Tumango naman ito.
" Okay then. Two Choco Almund Fudge with cookies and cream. " Aniya sa tindira. Ngumiti naman ang tindira sa kanya na tila nagpapa-cute kaya tinaasan ko ito ng kilay. Natawa naman si Arrone sa ginawa ko.
" Pwede ba tayong bumili ulit mamaya? Dadalhin ko sa room. " Parang batang wika ko sa kanya. Mahinang kinurot niya naman ang pisngi ko.
" Of course, Babe. " Sagot pa nito. Nawala naman ang ngiti ko nang ma-realize kung ano ang tinawag nito sa'kin. " A-are you okay, Allysa? " Nag-aalalang tanong pa nito. Nag-iwas naman ako ng tingin.
" 'Wag mo akong tawagin sa call sign niyo ng ex mo. "
" I-I'm sorry if you didn't like it. Anong call sign ba ang gusto mo?" Agad na wika pa nito sabay na kinuha ang kamay ko at mahinang pinisil ito. " Allysa?" Aniya nang hindi ako sumagot.
Noong unang tinawag niya akong 'Babe' ay parang wala lang sa akin iyon, pero ngayon na nalaman kong tawagan nila iyon ng ex niya. Feeling ko, he's just using me to forget her. Nasasaktan ako sa katunayan.
" J-just don't mind me. " Imbes na wika ko at pilit na ngumiti.
" Allysa....hmm how about pumpkin?" Aniya. Agad ko naman itong kinontra. Ang pangit.
" Sweetie pie"
" Love "
" Hunnybunch"" Ayo'ko. Ang pangit pakinggan niyan. " I said nang wala akong matipuhan sa mga binaggit niya.
" Wifey" Malambing pa nitong dadag. Ngumiti naman ako nang malapad sa kanya.
" Yes hubby? "
" Do you like it? " Agad na tanong nito. Tumango naman ako bilang tugon. Nakita ko pang namula ang tenga niya at nag-iwas ng tingin.
" Kinikilig ka ba, hubby? " Pangunngulit ko pa sa kanya. Natawa pa ako sa reaksiyon niya nang makitang namumula na ang buo niyang mukha.
" N-no, I-I'm not. " Pagtanggi pa nito na mas lalong ikinatawa ko. Sumubo muna ako ng ice cream at nagkunawaring nagtatampo.
" Sabihin mo muna wifey." Pangunngulit ko pa. Napahilamos pa ito sa kanyang mukha bago humarap sa'kin.
" W-wifey. " Utal na wika pa nito.
" Napipilitan ka yata eh. Sige salamat nalang sa lahat. " Kunwaring nagtatampong wika ko at aktong aalis na nang agad niya akong hinila pabalik kaya naupo ako sa lap niya. Napalunok naman ako nang may maramdamang bukol.
" Don't move, wife. My twin will be mad. " Bulong pa nito sa tenga ko. Para akong nai-estatwa sa kinauupuan ko. " Look at me, wife. " Utos pa nito. Dahan-dahan naman akong humarap sa kanya. Bigla niyang hinalikan ang gilid ng labi ko na ikinalaki ng mga mata ko sa gulat.
" B-ba't mo 'y-yon ginawa? May m-mga taong nakatingin. " Gulat na wika ko pa at nagmamadaling umalis sa lap niya at bumalik sa pwesto ko.
" There is ice cream spread in your mouth, wifey. I just clean it using my mouth. It tastes better than eating it directly from a spoon." He teasingly said at me. Kinilig naman ako sa sinabi nito kaya agad akong sumubo ng ice cream upang itago iyon. " Baka sumabog 'yan, wifey." Aniya. Taka ko naman siyang tiningnan.
" Ang alin?" Takang tanong ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa na ikinataas ko ng kilay.
" Ang kilig. " Sagot pa nito. Natawa naman ako. Paano ba itago ang kilig at mukhang manghuhula pa ang lalaking 'to.
" Iwan ko sa'yo. " Iyan lang ang nasabi ko. I don't know, pero kahit sa simpling bagay at mga katagang sinasabi niya, kinikilig ako. Ni minsan ay 'di naman ako ganito sa mga dati kong manliligaw.
" Wifey." Sambit pa nito sa'kin. Tumingin naman ako sa kanya. Pabalik na kami sa dorm ko na magkahawak ang kamay. " I love you. " Aniya. Nag-iwas naman ako ng tingin. Nagdadalawang isip pa ako kung ano ang isasagot sa kanya. Pero hindi naman iyon tanong na kailangan kong sagutin. Hindi pa naman ako sigurado kung mahal ko siya. Natatakot ako na baka kapag may nasabi akong mali magbabago ang lahat.
" Beshy! " Napahinga naman ako ng malalim nang dumating si Chin. Kasunod nito ang tatlong kaibigan ni Arrone. Ang ingay talaga ng babaeng 'to. " May assignment tayo. Lagot ka talaga kapag 'di ka pa papasok bukas. " Pananakot pa nito.
" Bakit naman? " Tanong ko pa sa kanya. Binatukan naman ako nito.
" Gaga, gusto mo ba bumagsak ha? Pero anyway, hinahanap ka ng gwapong professor kanina! " Tumitiling wika pa nito. Nakita ko namang napaikot ng mata si Nath at halatang 'di nagustuhan ang sinabi ni Chin.
" Mukha nga 'yong shokoy. " Pagpaparinig pa nito. Bahagya naman akong natawa nang kurutin ni Chin ang tagiliran nito. " Tama na nga, sadista mo." Angal pa nito.
" Anong shokoy ha? Kung itabi ka nga sa kanya magmumukha ka lang personal guard. " Pang-aasar pa ni Chin dito.
" Do you two have a relationship? And who's that professor, Chin? " Sunod-sunod na tanong pa ni Arrone na nagpatahimik sa amin. Bigla tuloy tumayo ang mga balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi nito.
" W-wala, kuya. Ba't ko naman magiging boyfriend 'yang shokoy mong kaibigan? T-tsaka si sir Alkim ang naghahanap kay Allysa. " Tila kinakabahan na wika pa ni Chin. Napansin ko namang bumagsak ang balikat ni Nath.
" Is it true, Nathaniel? I'll surely fire that asshole. " Malamig na baling pa nito sa kaibigan hindi ko naman narinig ang huling binulong nito. Napalunok pa si Nath ng laway bago sumagot.
" O-of course not, bro. W-what kind of question is that? " Aniya at bahagya pang tumawa. Napabuga pa ito ng hangin matapos iyon sabihin.
" So ano kayo? nagtataguan ng feelings? " Singit ko naman. Napatakip naman ako sa bibig nang ma-realize kung ano ang lumabas sa bibig ko. Pahamak talaga 'tong bibig ko.
" Hindi! " Sabay pa nilang sagot at masamang tingin ang ipinukol sa isa't-isa.
Sa totoo lang ay bagay naman talaga silang dalawa. Gwapo naman si Nath at may maipagmamalaki. Parang aso't-pusa nga lang silang dalawa.
________
A/N: Patuloy ko kayong pasasalamatan, lalong-lalo na sa mga patuloy na sumusubaybay ng estoryang ito. I love you all!😙❤️
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...