CHAPTER 4

1.9K 45 0
                                    

Matapos namin doon sa shoe store ay tinungo namin ang restaurant. Namamangha ko pang pinagmasdan ang buong paligid. Subrang ganda. Hindi mo aakalaing paaralan ito dahil kompleto lahat sa loob ng campus. May sariling gym at restaurant sa loob.

Subrang sosyal ng paaralan na 'to. Kung hindi lang dahil kay Chin ay 'di ako mag-aaral dito. Nag-aalala ako sa maaring kahihinatnan namin dito.

"Sit here. " Utos pa nito sabay hila ng upuan. Ginawa ko naman ang sinabi nito dahil sa takot na mabugahan ng apoy. Naupo rin naman ito sa tabi ko.

Sa totoo lang ay naiilang ako sa kanya. Hindi talaga ako sanay sa ganitong set-up. Nasanay kase ako na si Chin ang palaging kasama na kumakain sa labas o 'di kaya ay ang mga magulang ko o si kuya.

Napansin ko naman na pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadito kaya bahagya kong itinabon ang buhok ko sa mukha. Kanina ko pa talaga gustong tumakbo palabas at magkulong nalang sa room ko. Kaso natatakot ako sa kapatid ni Chin. I couldn't afford to lose my life this early.

Maya-maya lang ay may lumapit sa aming waiter at kinuha ang order namin. Si Chin na hinayaan kong umorder ng sa'kin. Alam niya narin naman ang paborito ko.

"No, do not include that soft drinks. " Kontra pa nito sa order ni Chin. Nakasanayan na kase naming dalawa na uminom nito matapos kumain.


"Kami naman ni Allysa ang iinum, kuya, hindi ikaw. " Depensa pa nito sa kapatid.

"That's not good for your health. Listen to me, little sis. " Pangaral pa nito. Napa-pout naman si Chin sa sinabi nito. Habang ang waiter naman ay nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawang magkakapatid.

Ang cute nilang panoorin habang nagtatalo.

"Kuya, minsan lang naman eh. 'Di ba, beshy? " Wika pa ni Chin sabay taas baba ng kanyang kilay. A sign that I should agree with her. Pilit naman akong tumango.

"Allysa, it's not good for your health. Change that with lemon juice." Baleng pa nito sa waiter.

Bakit parang iba ang dating sa'kin niyon. He's too caring with her sister. Ang sarap siguro magkaroon ng kapatid na katulad niya. Si Kuya kase madalang ko lang makasama at ang sungit pa minsan. Kaya nagmana si Bruno sa kanya.


Matapos makuha ng waiter ang order ay agad din itong tumalikod.

Bahagya naman akong natawa nang nagpapadyak ng kanyang paa si Chin. Hindi niya talaga magawang suwayin ang kanyang nakakatandang kapatid.

"Ikaw nalang lage nasusunod, kuya eh. We're not child anymore. " Nakangusong wika pa nito. Sasagot na sana ang kuya nito nang biglang tumunog ang cellphone nito. Hudyat na may tumatawag.

"I'll just take this call. I'll be right back. " Paalam pa nito at agad na tinungo ang pinto palabas ng restaurant.

"Babae na naman 'yon. Kanina pa ako nagugutom." Wika pa ni Chin sabay himas-himas sa kanyang tiyan. Tumigil naman ito sa ginagawa at agad na mapanuksong tumingin sa'kin. "Ikaw, besh ha. Ano? Kayo na ni Kuya? May nangyari ba kanina? May mabubuo na ba? Magiging tita na ba ako? " Nakangising sunod-sunod na tanong pa nito. Napahiyaw naman ito nang batukan ko.


"Tumigil ka nga. Kung alam mo lang na halos mamatay..." Hindi pa ako nakatapos sa sasabihin ko nang agad din nitong putulin.

"Mamatay sa ano?" Mapanuksong tanong pa nito.


"Ang dumi ng utak mo! Siyempre mamatay sa takot. Ikaw ba naman pasukin ng engkanto na walang kaalam-alam. " Sagot ko pa. "Teka, nong lumabas ka kanina na-e-locked mo ba ang pinto ko? Paanong nakapasok don ang kuya mo?" Dagdag na tanong ko.

Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon