" Allysa, are your alright? " Nag-aalalang tanong sa akin ni sir Alkim nang napahawak ako sa'king ulo. Nasa office kami ngayon para mag-checking ng mga test papers at ako ang naatasan. Pakiramdam ko bigla nalang umikot ang paningin ko.
Napahawak ako nang mahigpit sa mesa upang 'di ako matumba sa kinauupuan. Pilit naman akong tumatango.
" B-baka sa s-subrang init lang po ito. " Sagot ko pa at tumayo. Nangunot naman ang kanyang noo sa isinagot ko.
" Naka full ang aircon, Allysa. Do you feel anything aside from that? " Tanong nito habang nakaupo sa kanyang swivel chair. Pilit naman akong umiling naman ako.
" M-magbabanyo po muna ako. " Wika ko pa aktong pipihit na patalikod nang bigla akong nawalan ng balanse at nagdilim ang paligid ko.
*******
Agad akong napabalikwas nang bangon nang mapansin kong narito ako sa isang hindi pamilyar na silid. Iginala ko ang aking paningin ngunit ako lang ang narito. I heave a deep sigh bago nagpasyang bumaba sa kama.
Aktong aapak na ako sa sahig nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwal doon si sir Alkim na may dalang isang tray ng pagkain. Ngumiti pa ito nang makita ako.
" You're awake. Maayos na ba ang pakiramdam mo? " Aniya sabay lapag ng tray sa side table. Napangiwi naman ako sa tanong nito.
" A-ayos naman po. Salamat po sa pagdala sa'kin dito. " Nahihiyang pasalamat ko pa sabay na yumuko.
" Do you often feel vomiting, dizzy and sleepy? What else do you feel aside na nahihilo ka?" Sunod-sunod na tanong pa nito habang nakapamulsa.
" N-nasusuka tsaka madalas po akong inaantok nitong mga nakaraang araw." Pag-amin ko pa habang nakayuko. Nakita ko namang sumeryoso ang mukha nito.
Napaangat ako nang tingin nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok doon si Nurse Cha. Ang school nurse namin dito. May bitbit pa itong isang maliit na kahon bago lumapit sa'kin na may malaking ngiti.
" Maari ka bang mag-take ng pregnancy test, iha? We just need to confirm if our test is not a mistake. " Aniya na nagpakunot ng noo ko. Napatingin naman ako kay sir Alkim nang mahina itong napasinghap.
" B-bakit po?" Takang tanong ko pa. Ngumiti si Nurse Cha sa'kin sabay lagay ng maliit na box sa palad ko.
" We just need to make sure if you're pregnant, iha. " Nakangiting aniya. Napalunok naman ako sa sinabi nito.
" Go on, Allysa. " Napabaling naman ako kay Alkim nang sabihin iyon. Kahit na nagdadalawang isip ako ay ginawa ko na lamang ang sinabi nito. Pumasok ako sa banyo at sinubukan ito.
Nagtagal ako sa loob ng kalahating oras. Bigla namang nanginig ang kamay ko nang makitang may dalawang pulang guhit ito. My heart's beats faster as I saw the result. Nakaramdam ako ng saya at excitement at the same time ay may takot sa puso ko. Natatakot ako sa magiging reaksiyon ni Arrone at maging sina nanay.
Hindi ko namalayang may mga luha na palang nakatakas sa mga mata ko. Nagmamadali ko itong pinunasan nang makarinig ng sunod-sunod na katok.
" Allysa, are you still there? What takes you so long? " Sunod-sunod na wika pa ni sir Alkim sa kabilang pinto. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. I show them the result.
" Congratulations. You're pregnant, iha. " Nakangiting wika pa ni Nurse Cha. Nakita ko namang umiba ang reaksiyon ni sir Alkim habang hinahawakan ang PT.
" Did Arrone know about this, Allysa? " Biglang tanong pa nito na nagpatigil sa'kin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomansaDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...