Lumipas ang mga buwan at naging maayos naman ang pag-aaral ko dito. Tungkol sa amin ni Arrone, mas nagiging maalaga siya sa'kin. Kung minsan ay nagkakatampuhan kami, he never failed to show me his love. He never got tired of coaxing me.
May mga panahon na nag-aaway kami dahil sa ex niya na walang ibang ginawa kun'di ang akitin siya. Ilang beses ko pa silang nahuling naghahalikan but he never failed to explain me what did really happen. May tiwala naman ako sa kanya.
Sa mga buwan na nagdaan, masasabi kong minahal ko na siya. Buo na ang desisyon ko na aamin sa kanya pagdating ng ikalimang monthsarry namin.
" Since you have a week semester break. For your portfolio compilation, you will make a video recording about a place that you think is interesting and can inspire you when you become an entrepreneur. The one with the best entry will be shown in a tv commercial and will be featured on various platforms." Naghiyawan naman ang mga kaklase namin matapos sabihin iyon ni sir Alkim. May iba namang umangal.
Si sir Alkim ay isang exchange professor dito. Naging ultimate crush pa nga siya ng mga estudyante dahil sa misteso niyang kulay. Halatang mag lahing swiss. Kung nagtatagalog naman ay halatang nahihirapan pa siya but he still manage to teach us.
Akala ko nga nong sinabi ni Chin na hinahanap ako eh may ipapagawa lang palang report. Minsan na mi-misinterpret pa ni Arrone ang pang-uutos ni sir Alkim sa'kin pero pinapaunawa ko naman sa kanya na sa pag-aaral ang ginagawa ko at hindi panglalandi.
" Ms. Allysa, please collect all the papers and bring it to my office. " Baling pa nito sa'kin bago lumabas ng room.
" Ikaw, besh ha. Favorite ka talagang utusan ni sir. " Mapanuksong wika pa ni Chin. Hindi ko nalang ito sinagot at minabuting kolektahin ang mga papel ng kaklase namin.
" Pasensiya ka na, besh ha. 'Di na kita masasamahan don. May importante pa kasi akong gagawin. " Aniya nang mag-umpisa na kaming naglakad sa hallway.
" Ayos lang. Sige ingat. " Wika ko pa at tinahak ang kabilang pasilyo.
Nang makarating sa harap ng opisina ni sir Alkim ay kumatok muna ako bago pumasok kahit na nakaawang naman ang pinto nito.
" Come in, Allysa. " Sambit pa nito mula sa loob. Pumasok naman ako at inilatag sa mesa ang mga papel.
" Ito na po lahat, sir. Aalis na po ako. "
Aktong tatalikod na ako nang magsalita ito at tumayo. Lumapit ito sa'kin.
" Allysa, can I hug you? " Tanong pa nito na ikinagulat ko.
" P-po?" Gulat na tanong ko sa kanya. Hindi pa ako pumayag nang bigla ako nitong yakapin. Tila nai-estatwa ako sa kinatatayuan dahil sa ginawa nito.
Nagulantang naman ako nang may biglang humila kay sir Alkim at pinagsusuntok ito. Mabilis akong umawat at hinawakan si Arrone.
" Stop it, Arrone! "
" Find someone to flirt with, not my girlfriend." Aniya sabay na hinila ako palabas ng opisina. Halos bumaon na ang kuko ni Arrone sa pulso ko.
" A-Arrone, nasasaktan ako. P-please, let me explain. It's not what you think. " Sambit ko pa sa kanya. Binitawan niya naman ang kamay ko at humarap sa'kin.
" Kitang-kita ko kung paano ka niya yakapin, Allysa. " Aniya. Magsasalita na sana ako nang putulin nito. " Or maybe you liked it so you couldn't push him? Oh let me think, maybe you're flirting with him too, Allysa." Nasampal ko naman siya.
Hindi ko alam na ganito kasakit magsalita si Arrone. Para akong pinagpapana sa mga salitang binitawan niya.
" H-hindi ako katulad ng iniisip mo. Kahit kailan 'di ko m-mgagawang lokohin ka. " Naiiyak wika ko pa. Umalis naman ito at iniwan ako sa hallway.
Lumuluhang bumalik ako sa room ko at hinarangan ang pinto ng cabinet at mesa. Matapos ay pumasok ako sa banyo at hinayaan ang sarili na mabasa ng tubig mula sa shower.
Nahimasmasan naman ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinapkap mula sa bulsa. Si kuya ang tumatawag.
Pinatay ko muna ang shower at lumabas. Pinupunasan ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim bago ito sumagot.
" K-kuya, napatawag ka? " Pilit kong pinapasigla ang boses ko upang 'di mahalata ni kuya.
" How's your study, baby sis?" Masayang wika pa nito sa kabilang linya. Narinig ko naman na may nagmura at kumalabog kaya kinabahan ako. Baka nasa misyon na naman sina kuya.
" K-kuya? Anong ingay 'yon? " Tanong ko pa sa kanya habang kinakabahan.
" N-nothing, baby sis. Nagkakatuwaan lang. Susunduin kita diyan bukas. Semester break niyo na 'diba?" Aniya sa kabilang linya. Napatango naman ako kahit alam kong hindi nito nakikita.
" S-sige po. " Tipid naman na sagot ko sa kanya.
" Pahinga ka muna ngayon and prepare your things ha. I love you, baby sis. " Saad pa nito. Matapos niyon ay pinatay na niya ang tawag. Hindi man lang inantay na magpaalam ako.
Nang makaramdam ako ng ginaw ay minabuti kong magbihis na. Nakalimutan ko palang binasa ko ang sarili ko. Naiiyak na naman ako nang maalala ang mga sinabi ni Arrone.
Wala akong ibang ginawa buong magdamag kun'di umiyak. Sinubukan kong itulog nalang pero tila ba nagpapaulit-ulit sa tenga ko ang mga katagang iyon. Ganun ba talaga ang tingin niya sa'kin?
" Allysa, please open the door. "
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto pero hindi ko iyon binuksan. Pinupukpok pa nito ang pinto and trying to open it. Buti nalang at hinarangan ko ito ng kabinet at mesa.
Naupo lang ako sa sahig habang nakikinig kay Arrone na paulit-ulit nakikiusap na buksan ang pinto. Alas tres na pala ng madaling araw.
" Ano na naman ba kasing kalukuhan 'yan, kuya ha? Ang aga-aga mong nang-iisturbo. " Rinig ko pang sermon ni Chin sa kapatid nito.
" Just go back to your room, Chin. " Rinig ko pang sagot nito. Maya-maya pa ay natahimik. " Allysa, I know you're there. I'm sorry. I should have listened to you. " Wika pa nito. Tahimik lang akong nakinig at pinipigilan ang sarili na huwag humikbi.
_________
A/N: pasensiya na kayo. Ngayon ko lang na-epost ang update. Umaataki talaga sakit ko. Next week mag-a-undergo na naman ako ng another laboratory test. Everyday update parin. Lalaban tayo!😘
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...