CHAPTER 18

893 22 0
                                    

" Mamaya na kayo maglandian. Lumamon muna kayo! " Sigaw pa ni Jes mula sa labas. Glass kasi ang pinto at nakabukas rin ang kurtina kaya kita ang nasa loob. Natawa naman ako dito.

Kasama na nito sina Nath, Chin at Nick. Nasa unang villa kasi kami at nasa ginta naman na villa sina Nick at Jes at sa pangatlo naman sina Nath at Chin.

" Let's go. " Ani Arrone at iginiya ako palabas.

Nakasunod kami sa kanila habang binabaybay ang daan papuntang kusina restaurant nila. Nagningning naman ang mata ko nang may nadaanan kaming gym at gameroom.

" Laro tayo mamaya. " Masayang suhistisyon ko pa sa kanya. Ngumiti naman ito sa'kin at tumango.

" We'll play later or maybe tomorrow, wifey. You need to eat and rest first. "Aniya. Nakangiti naman akong tumango sa kanya.

Nang makarating kami sa kusina restaurant ay binati agad kami ng mga staff. May mga bartender din sa labas na abala at sa loob naman ay mamamangha ka sa design. May tumugtog pa sa gilid.

" Arrone, it's good to see you here. " Masayang wika salubong pa sa amin ng katandaang babae. Hindi halata sa edad nito na may edad na dahil mukha parin siyang dalaga. Katabi nito ang katandaang lalaki na sa hula ko ay nasa 60's na.

Nakipagbeso ito kay Arrone at naglamano naman sina Jes, Nick, Nath at Chin dito. Naglamano rin ako sa kanila bilang pagpapakita ng paggalang.

" You look young as always, tita. " Papuri pa ni Arrone dito.

" Bolero mo talaga. Kumain muna kayo. You can stay here as long as you want. " Nakangiting wika pa nito at bumaling sa'kin. Napatingin naman ito sa kamay namin ni Arrone na magkahawak. " Is this your girlfriend, iho? You really have a good taste. " Dagdag pa nito.


" Yes, tita. By the way, Allysa, she's my tita Mariquita and this is tito Martin. " Pagpapakilala pa ni Arrone sa kanila. Nag-bow naman ako sa kanila.


" Okay, let's talk later. Please have dinner with us." Singit naman ni tito Martin at iginaya ang asawa papunta sa table. Tumawag naman ito ng staff. " Please serve all the food here and bring out the special drinks." Utos pa nito sa staff. Tumango naman ito at agad na umalis.


Pinaghila ako ni Arrone ng upuan sa harap ng tita niya. Nasa may dulo naman naupo si Tito Martin. Katabi naman ni  Chin at sa kaliwa nito si tita Chin at sa kanan naman si Nath at Jes. Napagitaan naman ako nina Nick at Arrone. Bale magkaharap sina Arrone at tita Mariquita.


Mang mapansin ni Arrone na magkatabi kami ni Nick ay hinila niya ang upuan ko palapit sa kanya. Seloso talaga ng isang 'to.


Napatingin naman kami nang mahinang tumikhim si Tito Martin.

" So, how's your study, Ez and Chin? " Tanong pa nito. Nagkatinginan naman sina Arrone at Chin bago ulit humarap sa Tito nila.

" It's good, Tito. " Sabay na sagot pa nila. Tumango naman si Tito Martin sa kanila. Tahimik lang akong nakikinig.


" That's good to know. Kamusta naman ang mommy at daddy niyo? " Sunod na tanong nito sa kanila. Parehong nag-iwas ng tingin ang dalawa. Matagal na kaming nagsasama pero kaunti lang ang alam ko tungkol sa mga magulang nila. Ang alam ko lang ay busy sa negosyo nila ang mga magulang nina Chin at Arrone. Ni minsan ay 'di ko pa ito nakilala sa personal.

" They're always busy as usual. " Sagot naman ni Arrone. Sakto namang dumating na ang mga pagkain. Sinalinan ni Arrone ng pagkain ang pinggan ko.


" We have here a baked native chicken in lemon and butter, iha." Pag-aalok pa sa akin ni tita Mariquita. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Arrone.

" She's allergic with butter, tita. " Agad na sagot nito.

" Oh, sorry about that. Okay, then you can eat everything you want. Just don't be shy. " Nakangiting wika pa nito. Tumango naman ako at itinuon nalang sa pagkain ang atensiyon.

Tahimik lang akong kumakain habang nag-uusap naman sila tungkol sa negosyo. Hindi na ako nakisali kasi 'di naman ako maka-relate.

" So, when are you planning to get married, Ez?" Natigil naman ako sa pagnguya at tumingin kay Arrone. Lahat kami ay nag-aantay sa sagot niya.

" When, Allysa is ready. " Walang pagdadalwang isip na sagot pa nito sabay na ngumiti sakin. Nabilaukan naman ako kaya agad ako nitong inabutan ng tubig.

" In that case, what are you waiting for, Allysa. You can ask nothing from my nephew. He can provide everything you need. " Mahabang wika pa ni Tito Martin. Napayuko naman ako ng walang masabi.

Hinawakan naman ni Arrone ang kamay ko sa ilalim ng mesa at bahagya itong pinisil. Assuring me that he got my back.

" Let's not talk about it, tito. We're too young for that. " Saad naman ni Arrone dito.

" But you need to have your child before you can take over the university and your parent's business, Ez. " Agad naman na wika nito. Natahimik naman lahat nang mapataas ito ng boses.

" I can decide whatever I want, Tito. Besides, we're here to have a vacation and not to talk about business!" Walang emosyon na sagot pa nito sabay na tumayo at hinila ako palabas ng kusina restaurant nila. Napatingin pa sa amin ang ibang naroon maging ang mga staff.

" Ayos ka lang ba? " Tanong ko sa kanya nang makarating kami sa suit. Naupo ito sa single sofa at aktong tutunggain ang alak na nasa katabing mesa nang agawin ko ito. " Hindi nadadaan sa alak ang problema, hubby. "

" I'm sorry, wifey. If I only knew it would be like that, I wouldn't have introduced you to them. " Wika pa nito.

" Ano ka ba. Pamilya mo parin sila. Karugtong ng dugo mo kaya hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan. They're just thinking about your future, hubby.  " Mahabang paliwanag ko naman sa kanya.

" I can break them all for you, Allysa. " Sagot naman nito. Napahinga naman ako ng malalim.

" Alam mo, mas mabuti pang maglalakad muna tayo don sa tabing dagat. " Pag-iiba ko pa sa atmosphere ng usapan. Hindi ako komportableng pag-usapan ang mga personal na bagay. " Magbibihis muna ako saglit. " Dagdag ko pa at agad na lumapit sa maleta ko at naghalungkat ng pwedeng suotin. Napili ko naman ang favorite floral dress ko na hanggang tuhod ang haba.


Nang lumabas ako ng banyo ay nakapagbihis narin si Arrone. Ang bilis naman yata. Nakasuot lang ito ng simpleng white t-shirt at cargo short. ' 'Wag niyang sabihan na nagbihis siyang nakabukas ang mga kurtina.

" I know what you're thinking, wifey. " Aniya at hinapit ako sa beywang. " How can I show my body to everyone if my only one hasn't seen it fully. " Nakakalokong ngumisi pa ito kaya mahina ko siyang siniko sa tagiliran.
___________
A/N: mag-e-edit muna ako mamaya. HAPPY MOTHER'S DAY nga pala sa mga mommy's na dito. 😘❤️

Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon