KINABUKASAN ay maaga akong nagising para ihanda ang mga gamit ni Leah. Ngayong araw kasi siya madi-discharge at babalik nalang siya dito sa tuwing check up niya. Binilinan lang kami ng doctor kahapon na hindi muna siya maaring gagawa ng mga kilos na maaaring makakasama sa kanya. May mga pinagbawal rin sa kanyang mga pagkain na maaring pumukaw muli sa kanyang sakit.
Abala ako sa patutupi ng mga damit ni Leah at Alli nang putulin ito ng sunod-sunod na pagkatok. Hindi agad ako tumayo dahil alam kong si Arrone ito. Buong magdamag ko siyang hindi pinagbuksan ng pinto.
Makaraan ang ilang saglit ay narinig ko ang boses ni kuya Aldrin. Doon lang ako nagpasyang buksan ito.
" What takes you so long to open the door, little princess?" Tanong pa ni kuya Aldrin sabay pasok at agad na lumapit sa mga bata na mahimbing parin na natutulog. Alas singko pa naman ng umaga.
" Why are your eyes swollen, Allysa? Did you cry all night? Do you have problem with Arrone?" Sunod-sunod na tanong pa ni kuya Alkim. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at iniwan siya sa may pinto at bumalik sa ginagawa.
" N-nothing, kuya. J-just don't mind me. " Sagot ko pa.
" By the way, where's Arrone? " Tanong pa ni kuya Aldrin na nagpaangat ng tingin ko. Agad akong lumabas ng silid ni Leah upang tingnan ito sa loob ngunit wala nga ito roon. Huling katok lang nito kagabi ay mga bandang alas dose na.
" Nag-away ba kayo, Allysa? " Muling tanong pa ni kuya Alkim.
" W-wala, kuya. B-Baka may p-pinuntahan lang 'yon. M-maaga kasi siyang umalis. " Pagsisinungaling ko pa. Napahinga naman ako ng hindi na ito muling nagtanong.
" Good morning, babies!" Masayang pagbati pa ni kuya Aldrin sa dalawa. Humihikab pa itong bumangon at nag-unat.
" Mommy, where's daddy po?" Agad naman na tanong ni Leah na nagpatigil sa'kin. Hindi agad ako nakasagot kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanila.
" Daddy's here, baby. I bought your favorite food. You'll eat before we go home, okay?" Wika pa ni Arrone na kararating lang. May dala pa itong ilang paper bag at agad na inilagay iyon sa side table. Tumingin pa ito sa gawi ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
" Yieee! I can play in the garden again na po, daddy. " Excited na wika pa ni Leah at nagtatatalon sa kama.
" Careful, Leah. Don't make too much movements. " Saway ko pa rito. Agad naman itong nakinig at naupo.
" Sorry po, mommy. Behave na po ako. " Wika pa nito.
" Let's eat. " Wika pa ni Arrone. Masayang lumapit naman sa kanya ang dalawa.
" Mommy, can you feed me po ba? " Pakiusap naman ni Alli. Tumango naman ako sa kanya at tumayo. Naupo ako sa tapat ni Arrone at kinarga si Alli sa kandungan ko. Hindi siya tinapunan ng tingin pero nakikita ko sa side vision na nakatitig siya sa'kin.
" S-sumabay narin kayo, kuya. Marami naman 'tong pagkain. " Pag-aya ko pa sa kanilang dalawa na tutok na tutok na kanilang mga cellphone. Naglalaro na naman siguro ang mga 'to ng online games.
" Hindi na, little princess. Kumain narin kasi kami sa bahay bago pumunta dito. " Sagot naman ni kuya Alkim sabay ibinalik ang atensiyon sa cellphone. Tumango nalang ako at pinagtuonang pansin si Alli.
" Kumain ka na rin, Allysa." Wika naman ni Arrone ngunit hindi ko siya pinansin.
" Daddy, what's on this box po?" Tanong pa ni Alli sa kanya sabay binuksan ang isang tupperware. Agad naman akong napatakip sa ilong nang maamoy ito. Adovong manok ito. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at tila nasusuka. Nagmamadali ko namang ibinaba si Alli at agad na tumakbo sa cr.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...