" Welcome to Avida Towers Riala Cebu, ma'am. Enjoy your stay. " Pagbati pa ng mga staff nang makababa ako ng sasakyan. Tinanguan ko lang ang mga ito.
Dito ako pansamantalang mananatili sa dating condo ni kuya Alkim habang maghahanap ako ng donor ni Leah. Nasa ika-22 na palapag ang unit ni kuya. Nag-suggest din sina mommy na sa mansiyon ako mananatili pero I refuse dahil nakakapagod na bumiyahe ng malayo. Mas mabuting dito lang para kapag may emergency agad akong makakabalik sa Switzerland.
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod sa'kin ang isang staff na may bitbit ng mga gamit ko.
" We're here, ma'am. This is Mr. Alkim Bertarelli's unit. Have a great stay. " Wika pa nito matapos ipasok ang mga gamit ko. Nagpasalamat naman ako bago sinuri ang buong silid. Maganda din pala ng taste si kuya. Maaliwalas at maganda ang interior design nito. Peach and black ang theme at may simple chandelier pa sa mini sala. Saktong-sakto lang ito dahil mag-isa lang naman akong mananatili dito.
ABALA ako sa pag-aayos ng mga gamit ko nang bigla tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang sinagot ang tawag at hindi na nag-abalang tingnan ang caller.
" Boo, how's your trip? " Bungad pa ni Ithamar sa kabilang linya. Kahapon pa ito nakauwi ng Pilipinas dahil may importante daw na event sa pamilya nila. Sasabay nga sana siya sa akin kaso tinanggihan ko. Hindi naman sa nahihiya ako sa kanya, I just wanted to be alone. Gusto kong mapag-isa muna upang makapag-isip ng paraan. Buhay ng anak ko ang nakasalalay sa pag-uwi ko dito.
" Just a little bit tiring. Do you need anything? " Wika ko pa. Bahagya naman itong natawa sa tanong ko. Alam ko kasi kapag agad itong tumatawag without informing me on chat ay may kailangan ito.
" J-just wanted to invite you sana. You remember ate Yana, right? " Aniya. Tumango naman ako kahit hindi nito nakikita. " Engagement party nila tonight. Just wanted to invite my beautiful best friend as my partner. Is it okay? " Aniya. Sandali naman akong nag-isip. Wala naman akong ibang gagawin ngayong gabi dahil bukas pa ako mag-uumpisang maghanap ng maaring tutulong sa anak ko.
" Sige." Tipid kong sagot.
" Ayon! I'll fetch you there. " Aniya at agad na binaba ang tawag. Minabuti ko namang mag-ayos muna. I wear a simpleng long sleeve off shoulder dress na may high slit. Brown ang kukay nito. Kita ang legs ko dito but it was elegant. Naglagay lang din ako ng light make-up upang hindi masiyadong maputla ang dating ko. Nagsuot rin ako ng nude satin Eden pumps high heels.
Tamang-tama naman na natapos ako sa pag-aayos ay siya ring sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Kinuha ko muna ang Versace La Medusa mini bag ko.
" Wow! You're so beautiful with that dress. " Compliment pa ni Ithamar nang buksan ko ang pinto. Bahagya naman akong natawa sa reaksiyon nito. Parang hindi sanay na ganito ang mga sinusuot ko minsan. Nakasuot din ito ng black toxedo.
" Nambubula ka pa eh." Balik kong wika. Nilahad niya naman ang kanyang braso hudyat na hahawak ako doon. I smiled at him sweetly before holding his arm. Sabay naming tinungo ang parking area kung saan nakaparada ang sasakyan niya.
" How's Leah? " Tanong pa nito sa'kin habang nasa kalagitnaan ng biyahe. Sandali pa itong sumulyap sa gawi ko bago muling itinuon ang atensiyon sa daan.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago siya sagutin.
" At home healing. She didn't want to stay in the hospital so we hired a private doctor." Malungkot kong wika. Kinuha niya naman ang kamay ko at hinawakan ito. Nakaramdam ako ng pagkailang sa mahinang paghaplos niya.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...