WARNING ⚠️⚠️⚠️
Read at your own risk." Where do you want to go, wifey? " Tanong pa sa akin ni Arrone habang nagmamaneho. Nag-isip naman ako ng magandang puntahan.
" Sa mall. " Nakangiting sagot ko pa. " Gusto kong manood ng sine." I added. Tumango naman ito sabay kuha ng isa kong kamay at hinawakan ito.
Sa SM seaside kami ni Arrone tumungo. Hindi agad kami pumasok sa sinehan dahil nag-aya pa siyang maglibot-libot kami.
" Hubby, san ba tayo pupunta? " Naka-pout na tanong ko pa sa kanya. Kanina pa kasi kami naglalakad. Pumapasok si Arrone sa mga tindahan ng damit na tila may hinahanap tapos lalabas agad.
" I'm looking for something, wifey. " Aniya habang nakapulupot ang isang braso sa baywang ko. May mga nadaan pa kaming mga babaeng panay ang titig sa kanya kaya sinamaan ko sila ng tingin. " Halos papatayin mo na sila sa tingin mo, wifey. " Natatawang wika pa ni Arrone. Mahinang siniko ko naman ito sa tagiliran.
" Nagustuhan mo naman? Tusukin ko kaya ang mga mata nila. " Naiinis na wika ko pa. Tinanggal ko naman ang braso nito sa baywang ko at nagpatiunang naglakad.
" Wifey, why so jealous hmm?" Habol pa ni Arrone sabay akbay sa akin. Bigla namang nag-init ang pisngi ko nang nakawan ako nito ng halik sa labi. May mga ilan pang nakakita sa'min na napatili at tila kinikilig pa sa ginawa nito.
" H-hindi ako n-nagseselos no. " Giit ko pa at nag-iwas ng tingin sa kanya. Nabigla naman ako nang hilahin niya ako papasok sa isang tindahan.
" I found it. " Aniya sabay lapit sa mga couple shirt na naka-display. " Which one do you like?" Baling pa nito sa'kin sabay pakita ng niya sa dalawang magkaibang desenyo. Napangiwi naman ako at iginala ang paningin sa iba pang nakahilirang couple shirt. Nagnining naman ang mga mata ko nang makita ang isang itim na couple shirt. Simple lamang ito pero maganda. May nakasulat pa itong 'wifey' at 'hubby'.
" That one. " I excitedly said at nilapitan ito. Kaso 'di ko maabot dahil nasa taas. Inabot naman ito ni Arrone.
" You have a good taste, wifey. " Nakangiting wika pa ni Arrone sabay halik sa noo ko. Nginitian ko naman ito. " Wait, we also need to buy your skirt" aniya sabay hila sa'kin sa kabila kung saan naka-display ang iba't-ibang style ng skirt.
" Mag-t-t-shirt ako tapos skirt? Ayo'ko niyan. " Angal ko pa nang magsimula na siyang mamili. Humarap naman siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay.
" You have no choice, wifey. " Aniya at bumalik sa pamimili.
" Ayo'ko ko. Pantalon nalang kaya? Please, hubby. " Pagpapaawa effect ko pa habang nakasunod sa kanya. Huminto naman ito at muling tumingin sa'kin.
" No! Hindi ka pwedeng magsuot ng ganyan. Babakat ang legs mo. " Aniya at muling bumalik sa pamimili. Napa-pout naman ako at nagpapadyak. " Take this one. " Aniya sabay abot sa'kin ng isang plain pleated circular skirt na kulay puti. Hanggang binti ang haba nito.
" Ayo'ko ko niyan. Magmumukha akong naglalakad na mushroom. " Reklamo ko pa sabay gala ng paningin ko. May nakita naman akong isang maikling high waist pleated skirt kaya nilapitan ko agad ito. Aktong kukunin ko na ito ng hilahin ako ni Arrone palayo dito.
" You're not allowed to wear that thing, wifey. Gusto mo bang 'di ka na makalakad ka mamaya?" Napalunok naman ako sa sinabi nito at nag-iwas ng tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...