CHAPTER 40

827 18 4
                                    

" Bro Ez, it's good to see you here. Akala ko hindi kana lalabas sa lungga mo. " Pabirong wika pa ni Ithamar kay Arrone nang makalapit kami. Imbes na sagutin ito ay sa akin ito tumitingin at tila pa sinusuri ang kabuoan ko. Huminto naman ang paningin niya sa kamay namin ni Ithamar na magkahawak. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagkuyom ng kamao ito.



Sandali ko lang siyang tiningnan dahil hindi ko kayang labanan ang matulis niyang pagtitig. His stare na tila ba hinihila ako papalapit sa kanya.



Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon sa pinsan at nakipagkamay lang. Inalalayan naman ako ni Ithamar na maupo sa pinaghila niyang upuan. Magkaharap kami ni Arrone kaya nakaramdam ako ng pagkailang lalong-lalo na mga mga titig nito.




" By the way, Ez. This is Grace....and Grace this is my cousin Arrone Ezio. You can him Ez. " Pagpapakilala pa ni Ithamar. Nag-iwas naman ako ng tingin nang nakakunot ang noong binalingan ni Arrone.




" We already know each other. " Malamig na wika naman nito na nagpalakas ng pagtibok ng puso ko.




" Oh, really? It's good to know. " Manghang wika pa ni Ithamar. Hindi ako umimik at nanatiling nakatikom lang ang bibig.




" Is she your girlfriend, Mar? " Tanong pa ng babaeng parang higad na nakakapit sa braso ni Arrone. Tumingin naman ako sa gawi nila. Nakatuon lang ang mata ko sa kamay nitong nasa braso ni Arrone. Ang sarap nitong tirisin.





" Hmmm, you think so. " Imbes na sagot pa ni Ithamar at mahinang tumawa. Pabagsak namang ibinaba ni Arrone sa mesa ang baso nitong may laman na tubig.



" Oh, sorry for that. " Pekeng ngiting paumanhin pa nito sabay tingin sa'kin. Gustuhin ko mang tumakbo palabas at lisanin ang lugar na ito pero ayaw kong maging bastos. I respect ate Iyana's engagement party.



Bigla namang sumagi sa isip ko ang tungkol kay Arrone at Tricia. Kung sakaling hindi natuloy ang engagement party nila noon ay malamang may ilang anak na siya sa kakabaeng kasama niya ngayon. Bigla naman akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib sa naisip. Parang tinutusok ang puso ko sa isiping iyon. Akala ko ay handa na akong muli siyang makita kahit na may kasamang iba. I didn't think that it would be hurt like this.




" Do you want to eat something, Boo? Or Drinks?" Baling pa ni Ithamar sa'kin. Saglit muna akong tumingin sa gawi nila Arrone at ang babae nito bago ibinalik ang tingin kay Ithamar. Matamis ko siyang nginitian upang ipakita kay Arrone na hindi ako naapektuhan sa muling pagkikita namin.




" Just hard drinks, please. " Nakangiting wika ko pa sa kanya. Tumango naman ito sa'kin. Mukhang kailanganin ko ang hard drinks upang itago ang pagkailang.





Suminyas naman si Ithamar sa isang waiter. Maya-maya pa ay lumapit ito sa gawi namin na may dalang iba't-ibang drinks. Agad namang nagliwanag ang mukha ko nang makitang may Vodka. Tamang-tama ito para mawala ang hiya ko.






Aktong kukunin ko na ito nang may tunapik sa kamay ko. Muntik pa akong mapatalon nang makitang nasa tabi ko na nakatayo si Arrone at may naningkit na mga kilay.





" You're not allowed to drink any of these." Aniya bago bumaling sa waiter na biglang namutla. " Give her juice instead. Make it faster. " Ma-awtoridad na utos na nito. Tumango naman ang waiter at mabilis na umalis. Sinamaan ko naman ng tingin si Arrone.





" Excuse me, Ez. Grace is my guest, why not let her drinks sometimes? Right, Boo?" Saway pa ni Ithamar sabay baling sa'kin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon na ikinasama ng ekspresyon ni Arrone.





Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon