Unti-unti akong nagmulat ng mata nang makarinig ako ng mga bulungan. Puting kisame ang agad na bumungad sa akin.
" Allysa, anak. " Napabaling ang tingin ko sa gilid ng kama nang marinig ang boses ni nanay. Nasa likod naman nito nakatayo si tatay na puno ng pag-aalala ang mukha.
" Kamusta ang pakiramdam mo, baby sis? May masakit ba sa'yo?" Sunod-sunod na tanong naman ni kuya.
" Nasaan po ako?" Takang tanong ko naman sa kanila. Nagkatinginan naman silang tatlo bago ako balingan.
" Nasa hospital ka, anak. Kailan ka pa umuwi ng bansa?" Tanong naman ni tatay. Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi pa kasi nila alam ang nangyari kay Leah. Nakalimutan ko rin silang bisitahin.
" N-noong nakaraang araw po. " I bite my lower lips to hold back my tears. " P-paano niyo po nalamang nandito ako? Sino ang nagdala sa'kin dito?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.
" Tinawagan kami ni Ez. He brought you here. Have you tell him already about your daughter's situation?" Wika naman ni kuya na nagpatigil sa'kin. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na maiyak sa harap nila. Nanay immediately hug me.
" N-natatakot ako, kuya. " I tearfully said. Mahinang tinapik niya naman ang balikat ko.
" Huwag mo sanang patagalin, anak. Kailangan siya ng anak niyo. " Payo naman ni nanay. " Walang usok na nakikimkim, anak. Hindi habang buhay maitatago mo sila sa ama nila. " Dagdag pa nito sabay mahinang hinahaplos ang buhok ko.
" Mabait na bata si Arrone. Minsan ka na nga nong niligtas noong nasa elementarya kapa at nagkaroon ng bumbing sa skwelahan ninyo. Siya mismo ang nagdala sa'yo non sa hospital, anak. Kaya nga natuwa kami ng nanay mo nang malaman namin na naging kayo. " Mahabang pagkukwento pa ni tatay na ikinalaki ng mata ko.
" B-bakit hindi ko 'yon maalala?" Takang tanong ko pa sa kanila.
" Nagkaroon ka ng major head injury noon, baby sis dahilan upang hindi mo maalala ang ibang nangyari sa buhay mo. " Sagot naman ni kuya. Ibig sabihin, ang mga alaalang biglang sumagi sa isip ko kanina ay totoo.
" Wifey, you're awake. " Napatingin kami sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok si Arrone na may dalang tatlong paper bag at isang basket ng prutas.
Tumayo sina nanay mula sa kama ko at naupo sa mahabang sofa na nasa gilid. Inilapag naman ni Arrone ang dala niya sa side table at agad na lumapit sa'kin. He kiss my forehead before hugging me tight. Mahigpit ko naman siyang niyakap at napangiti.
" Thank you. " Kumalas naman siya ng yakap at taka akong tiningnan.
" For what, wifey?" Takang tanong niya sa'kin at inayos ang takas kong buhok.
" For saving my life and taking me here. " Nakangiting wika ko pa. Napangiti naman ito at ginulo ang buhok ko.
" Don't do it again. Bakit ka kasi bumaba? Paano kung may nangyaring masama sa'yo? I can't forgive myself, wifey. " Nag-aalalang wika pa nito at naupo sa tabi. Inalalayan niya naman akong maupo ng maayos.
" B-bakit kasi iniwan mo ako don mag-isa? San ka ba pumunta ha? " Pagtataray ko pa sabay pout. Mahinang pinitik niya naman ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
" I was having a meeting in the 10th floor. I even leave a note on the side table but looks like hindi mo ito nabasa. " Aniya. Bigla ko namang inalala ang ginawa ko kanina pagising. Wala naman akong napansing note doon. " You should eat. " Wika pa nito sabay tayo at inayos ang mga dala niya. Marami iyon at inisa-isa niyang ilagay sa pinggan.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...