CHAPTER 36

762 15 3
                                    

Tahimik akong nakatanaw sa buong siyudad ng Zurich. It's been five years simula nang sumama ako sa totoo kong pamilya dito sa Switzerland. At sa loob ng limang taon na iyon ay marami ang nagbago. I will admit that my life has not been easy here kahit nandito naman ang pamilya ko. They never leave me during my lows.


Sa mga panahong nahihirapan ako sa pagbubuntis sa kambal, they never leave me behind. Nagkaroon rin ako ng mga bagong kaibigan and even pursue my study after I give birth to my twin. Sila ang naging lakas ko upang magpatuloy.


Kasulukuyan din akong namamahala sa kompanya ng mga magulang ko. Si kuya Alkim at Aldrin naman ay abala rin sa kanya-kanya nilang negosyo. Tumigil na rin sa pagtuturo si kuya Alkim at inabala ang sarili sa mga bagay na nais niyang gawin. I was so lucky to have them.

" Spacing out, Grace?" Napalingon ako sa may pinto nang marinig ang boses ni Ithamar. Siya ang isa sa mga naging close kong kaibigan dito. Isa rin siyang sikat na celebrity sa Pilipinas at kasalukuyang nagmamay-ari ng modeling company dito sa Switzerland. Pangatlo ang kompanya niya sa may pinakamataas na ratings. Nangunguna naman ang kompanyang pinamamahalaan ko ang pangalawa ang 3A Trading Company na pagmamay-ari ni kuya Aldrin.


" May iniisip lang. " Sagot ko naman at naglakad patungo sa swivel chair at naupo doon. Nakapandikwatrong umupo naman ito sa kaharap na upuan.

" How's your twin? Dalawang araw ko na silang 'di nabibisita. " Aniya. Ithamar is so close with my twin. Tito daddy nga ang tawag ng kambal sa kanya. He's always acting like a father to them. Hindi ko naman binibigyan ng malisya ang lahat ng mga ginagawa niya. I just saw him as my older brother.


" Subrang likot at daldal parin." Tipid na sagot ko pa at ngumiti.


" Wanna have a date? I'll take you to the nearby coffee shop if you want. " Alok pa nito. Mabilis naman akong umiling.


" Ikaw nalang muna. Dad called me earlier to come home early. I was also planning to spend the rest of my day with my kids. " Mahabang wika ko pa sabay tingin ng mga files na nakatambak sa mesa ko.

" Okay then....By the way, I brought the twins their favorite books. " Aniya sabay abot sa akin ng paper bag. Nakangiti ko naman itong inabot. My twins really love Avi's story.

" Thanks for this, Boo. You're spoiling them. " Wika ko pa at bahagya naman itong natawa. Naging call sign na namin ang Boo which means Butiki. Nagkilala kami ni Ithamar noong nag-aaral ako sa Institut Le Rosey. Ito ang pinaka-expensive school sa buong mundo na may £87,300 na tuition fee sa isang taon. Nag-aaral din ng Business Management si Ithamar noon. Dahil sa kakaibang butiki na tumalon sa akin noon sa garden ng ILR. Nagtatalon ako sa gulat at 'di ko namalayang may tao sa likod ko kaya pareho kaming na-out balance at bumagsak sa lupa. That's how we meet. Since then, we call each other Boo.


" You're smiling from nowhere again, Boo. It's creepy." Saway pa nito kaya bahagya akong natawa sa reaksiyon niya.


" Kamusta naman ang pagbisita mo sa Pilipinas? " Pag-iiba ko pa sa usapan. Saglit naman itong napangiwi bago sumagot.


" It would be great kapag kasama kana next time. " Makahulogang wika pa nito kaya nag-iwas ako ng tingin. I know that he likes me pero kahit kailan I only see him as my friend and nothing else.

Beyond Her Desire R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon