Nagising ako nang may narinig na nag-uusap. Dahan-dahan naman akong nagmulat ng mata at tumambad agad sa akin ang kisame.
" If possible, your wife should not be stressed and make sure she doesn't skip her meals. Her immune system is weak. She needs to regain her energy to also avoid pallor and dizziness." Rinig ko pang wika ng isang boses. Napatingin naman ako sa pinto at nakita doon si Arrone na may kausap na lalaking nakasuot ng lab gown at may stethoscope pa sa leeg nito.
Bumangon ako at isinandal ang likod sa headboard ng kama. Napatingin naman sila sa gawi ko.
" She's awake. I have to go now." Wika pa ng Doctor bago tumalikod. Hinatid naman ito ni Arrone sa labas. Hindi rin nagtagal ay bumalik siya at may dalang tray ng pagkain.
" How often do you skip meals?" Tanong pa nito sabay ayos ng mini table sa harap ko. Nag-iwas ako ng tingin nang tumingin siya sa'kin. " You should take good care of yourself, Allysa. Your body dropped out. Paano kapag nagkasakit ka at wala ako?" Parang tatay na panenermon pa nito. He's concern. Bahagya naman akong napangiti doon.
" Inaalagaan naman ako ni Ithamar noon tsaka..." Hindi ko na itinuloy ang dapat kong sasabihin dahil hindi pa niya alam ang tungkol sa totoo kong pamilya. I can't tell him yet—not now.
" F*ck!" Aniya sabay sabunot sa kanyang buhok. Umiigting ang panga nito na animoy nagseselos. " Kumain ka na. I'll just buy your medicine." Dagdag pa nito at agad na lumabas ng kwarto. Imbes na magalit ay napangiti ako. Halata naman sa mukha niyang hindi niya nagustuhan ang isinagot ko.
Hindi pa ako nangangalahati sa kinakain ko nang makabalik si Arrone. Seryoso ang mukha nito nang pumasok at may bitbit na maliit na paper bag. He didn't speak any words at tumungo lang sa side table sabay labas ng mga binili niyang gamot.
" Woy, galit ka ba?" Nakangusong tanong ko pa sa kanya habang ngumunguya.
" Don't speak when your mouth is full, wifey. " Saway pa nito at naupo sa gilid ng kama. Tumingin lang siya sa'kin habang kumakain.
Nabaling ang tingin ko sa orasan na nasa side table at agad na nanlaki ang mga mata nang makitang alas singko na pala ng hapon.
" F-five p.m na? Ba't 'di mo ako ginising?" Tanong ko pa sa kanya at aktong bababa na sa kama nang pigilan niya ako na may nakakunot na mga noo.
" You need to rest, wifey. Are you gonna do something important and you're acting like that? " Aniya habang salubong ang kilay. Umayos naman ako ng upo at hindi siya sinagot. I couldn't look at him. Nais ko mang sabihin sa kanya na kailangan kong makausap ang mga anak ko pero pinangunahan ako ng takot.
" A-ah, m-may u-usapan kasi kami ni I-Ithamar. Oo tama. M-may usapan kami kahapon. " Pagsisinungaling ko pa ngunit hindi parin nakatingin sa kanya. I heard him gasp.
" F*ck that, Allysa! Stop mentioning his name. " Aniya. Taka ko naman siyang tiningnan.
" B-bakit? May mali ba don? " I confusedly asked him. Imbes na sagutin ako ay lumapit siya sa tabi ko sabay pulupot ng kanyang mga braso sa baywang ko at subsob ng mukha nito sa leeg ko. Natigilan naman ako sa ginawa niya. My heart beats faster than it normally do nang tumama sa balat ko ang mainit nitong hininga.
" Nagseselos ako, wifey. Layuan mo na siya." Parang batang wika pa nito. Inayos ko muna ang mini table upang hindi matumba at matapon sa kama ang mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Beyond Her Desire R18+ | Completed
RomanceDahil sa kalokohan ng kaibigan, ay napiliting mag-aral si Allysa sa isang universidad na kinatatakutan ng mga magulang. Ang universidad na ni minsan ay wala sa kanyang pagpipilian. Labag man sa kanyang kalooban na mag-aral dito maging ang kanyang m...