Xander's POV
"Ui pre, bakit wala ka sa bahay ni Bree? Talo ka na?"
"Ha?"
"Diba nanliligaw ka? Eh bakit wala ka dun?"
Nandito kami ngayon sa bahay ko. Gusto daw tumambay nina Chris at Luis dito eh.
After uwian dapat pupuntahan ko si Bree kaso di ko naman makita.
"Ano bang meron?"
"Nagpost sa IG si Nathan. Ayan oh!"
Inabot sa akin ni Chris yung phone niya. Nakita ko yung picture. Nasa pool sila. Nagselfie si Nathan tapos nasa background si Zac at Bree. Ang mas kinagulat ko nandun na din si Jovin at Nicole.
"Shet! Tara punta tayo dun."
"Now na? Akala ko ba maglalaro tayo?"
"Maglaro ka mag-isa mo!"
"Aish. Tara na daw."
"Ang daya naman nila."
Nagmadali kaming pumunta sa bahay nila.
Si Zac nagbukas ng punta.
"Oh. Hi Xander. Tuloy ka."
"Si Bree?"
"Naliligo sa taas. Ang tagal nga eh. Nauna na tuloy ako lumabas."
Sakto naman lumabas ng bathroom si Nathan. Wait...
"Gago ka pre! Anong ginawa niyo kay Bree?"
"Anong pinagsasabi mo? Naligo lang kami."
"Ng Sabay?!"
"Siraulo. Syempre hindi. May paggalang kami sa kanya noh."
Naupo na ako sa sofa. Si Nicole at Jovin busy sa ginagawa nila.
"Hi Papa Xander."
"Hi Xander."
"Alam mo bang crush ka pala ni Nicole?"
"WTF? BALIW KA JOVIN! PAKAMATAY KA NA. Xander wag kang maniwala or pwede din. Hihihihi."
Mali atang pumunta ako dito.
Tumayo ako at umalis
"Pakisabi na lang kay Bree dumaan ako."
"San ka pupunta? Kakarating mo lang ah."
"Ayoko dito."
Pasakay na ako ng sasakyan ng hinabol ako ni Nicole.
"Xander wait!"
"Bakit ba?!"
"Bakit bigla kang umalis? Anong problema mo?"
"Ikaw anong problema mo?"
"Wala. Wag mo ngang ibahin ang topic."
"Anong pakulo yung kanina?"
"What? Yung sinabi kong gusto kita?"
"Oo."
"Anong masama dun Andie?! I told you before, babawiin kita. Wala naman akong balak na masama kay Bree ah. Wala pa."
"Damn it Nix. Tigilan mo na kasi ako. Hindi na kita gusto. Si Breanna na ang mahal ko. Ano bang hindi mo maintindihan? Move on Nix."
Tama kayo. Si Nicole Fernandez si Nix. Nagulat ako na kaklase ko pala siya. Hindi ko na siya pinapansin ayoko kasi na umasa pa siya sa wala.
"Ano ba Andie? Why not give me a second chance? I promise hindi na kita iiwan. Ako na lang Andie, please."
"I don't love you anymore."
"Fine. Titigil ako pero can we be just friends? Kung hindi mo na ako mahal at least magkaibigan pa rin tayo."
Wala naman sigurong masama. Kaibigan lang naman eh.
"Sige. Friends lang ah."
"Yey. Thank you!"
She hugged me. Kaibigan lang naman.
"Bro, ano meron?"
Bigla kong tinulak si Nix.
"Ah. Wala. Sige alis na ako."
"Sabay na kami ni Chris."
Paglabas ni Chris para siyang narape. Gulo yung buhok. Gusot ang damit at hingal na hingal.
"GUYS! Tara na please? Ayoko na dito."
"Ano nangyari?"
"Kasi Hahahaha!"-Luis
"Ano?"
"Ganito kasi yun. Hahahaha! Ginawa siyang hahahah! sacrifice ni Zac kay hahahahaha Jovin."
"Gago kasi yung si Zac eh."
"What the heck? Sinuko mo na ang V card mo?"
"Fuck you! Hindi noh. Tara na please habang wala pa yung baklang yun."
Umalis na rin kami. Nakakatawa hitsura ni Chris.
"Bro, ano yung nakita ko kanina?"
"Alin?"
"Bakit nakayakap sayo si Nicole?"
"Ah si Nicole si Nix."
"What? Siya yung ex mo? Bakit kayo magkayakap? Nagkabalikan na ba kayo?"
"Isa isa lang , Luis. Una, siya nga yung ex ko. Magkayakap kami kasi tinanggap ko yung friendship na inooffer niya eh natuwa siya. Lastly, hindi kami nagkabalikan. Never. Si Bree ang mahal ko."
"Aray!" Sumigaw si Chris.
"Bakit?"
"Wala ang daming langgam sa sasakyan mo eh. Hahah! Nakagat ata ako."
"What the heck? Ang corny mo Chris."
"Nako. Bro, sana maging maingat ka sa desisyon mo."
Pumunta na lang kami sa bahay namin at tinuloy ang naantala naming laro.

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?