Bree's POV
Papasok na ako ngayon sa Palma Hall. Medyo inaantok pa ako. Paano naman kasi gabi na nagsiuwi yung mga bisita.
Ang weird nga eh. Dumating daw si Xander kahapon di ko naman nakita. Sayang.
Nakapagpaalam na rin pala si Jacob sa parents namin. Gusto pala talaga ni Ayessa si Jacob. Ang ganda talaga ng kapatid ko.
Papunta na ako sa room ko nang makita ko si Xander.
"Hi Bree."
"Ui, pumunta ka daw sa bahay kahapon?"
"Yup. Kaso naglaro kami eh kaya umalis na rin ako."
"Ahh. Ok."
"Ano class mo?"
"Kasaysayan 1."
"Ahh. Tara hatid na kita."
"Sige."
"Uhmm Bree, pwede magtanong?"
"Sure."
"May napili ka na ba sa aming tatlo?"
"Wala pa talaga."
"Sorry kung naguguluhan ka ah."
"No. Ayos lang."
"Sabihin mo na lang kung ano ang desisyon mo."
"Sige."
"Punta ka pala sa Lobby mamaya ah."
"Bakit?"
"Basta."
Pumasok na ako sa room. Actually, nakapili na ako. Matagal na. Nahihiya lang akong sabihin. Hinihintay ko na siya ang magtanong. Ayoko na ako ang unang magsasabi.
Xander's POV
I need this day to be perfect. Ngayon ko balak tanungin si Bree. Mahirap ng maunahan. Pinakiusapan ko yung admin office sa gagawin ko.
Sana magustuhan niya. Actually nung pauwi kami, pinag-iisipan ko ito. Sina Chris at Luis ang may plano ng lahat ng ito.
Sa ngayon, malinaw sa akin na gusto ko si Bree.
"Chris, ok na ba yung balloons?"
"Yes."
"Candles?"
"Oo. Pati yung cake ok na."
"Bakit may cake?"
"Eh diba birthday ni Bree?"
"Puro ka kalokohan. Diba nga tatanungin ko na siya? Nasaan ba si Luis?"
"Bumili ng Party Hats."
"Gago talaga kayo noh? Sino ba may sabing birthday ni Bree?"
"Kasi naman akala namin nung sinabi mong surprise eh birthday surprise. Sayang yung banner oh."
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano eh. May banner nga na may mukha ni Bree tapos nakalagay Happy Birthday.
"Hahahah! Pucha. Tatanungin ko na siya bro."
"Tatanungin? Ano naman itatanong mo?"
"Bakit ba ako nagkaron ng kaibigang kagaya niyo?"
Mga baliw talaga. Nag-ayos na lang ako ng surprise para kay Bree.
Bree's POV
Tapos na ang lessons namin and papunta na ako ngayon sa lobby.
Paglabas ko ng room may nag-abot sa akin ng balloon. Tapos may nakalagay na message.
"This balloon signifies the happiness you brought to my life. The joy you bring is like the happiness a balloon can brought to a kid."
Weird naman. Naglakad pa ako.
May nag-abot sa akin ng Chips Ahoy
"Thank you for the cookies. I liked it."
Hala. Sino ba ito?
Sunod naman lanyard ng Engineering Department.
"This is how I met an awesome girl like you. Thank you, Engineering."
Parang alam ko na ito.
Pababa na ako. May nag-abot sa akin ng life vest. Bakit?
"You save my life from great danger."
Hindi ko pala nasabi may kumakanta ng Back at One habang naglalakad ako.
Ang weird na ng pangyayari ah.
Heto na bumaba na ako. Pagbaba ko may mga students na nakapaligid sa gitna.
Nahawi yung daan at nakita ko na nakatayo dun si Xander, Zac, at Nathan. Nagtatalo.
Napuno ng Rose petals ang paligid. May banner pero nakatakip yung nakasulat bale picture ko lang. Tapos may malaking Teddy Bear sa tabi ni Nathan. May Bouquet of roses si Zac. Si Xander may gitara.
"Hi Z, Nathan, Xander. Ano meron?"
"Ahhh. Hi Bree." -Nathan.
"Hi Breanna." -Xander
"Hi Bree!" -Zac
Bigla naman inabot ni Nathan yung Teddy Bear sa akin. Hala.
"Ah Bree para sayo, Sana kagaya niyang bear na yan tanggapin mo rin ang pagmamahal ko. Will you be my girl?"
Hindi pa ako nakakapagsalita, inabot agad ni Zac yung flowers.
"Sorry bro. Ako ang nauna. Bree, I've known you for so long. Just like this flowers, my love for you just grow bigger everyday. I love you. Please be my girl."
Magrereact pa lang ako ng magstrum ng gitara si Xander. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Sorry mga brad. Ako ang pipiliin."
Hindi na nga ako kumilos kasi kumakanta na si Xander.
After niya kumanta.
"Bree? I really love to hold your heart forever. Will you be my girl?"
Hala! Ngayon na ba ako mamimili? Sino ba? Bestfriend ko, Si Cutie o si Crush?
Ahh alam ko na.
"WAIT! ITIGIL NIYO YAN!"
Sino naman yun?

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?