First Semester 6

246 20 3
                                    

Hi guys! Ako pala si Xander Lee. UP Student. Nabasa niyo naman na siguro yung first 5 chapters nito. I came from a family of doctors. Si Mommy and Daddy surgeons. I have 2 older siblings parehong neurologist. Masaya and contented ako sa buhay. Hindi ako maluho. I have my own car pero ayokong gamitin. Hindi ako maarte sa katawan and may pagkanerdy rin ako. I love playing online games. Mahilig rin ako gumala. Hindi ako party boy.

Dati kasi hindi ako marunong makisama sa tao until I met this girl. Sobrang ganda niya and mabait pa. Siya ang nagpabago sa akin. Minahal ko siya and first time ko manligaw. Nagpaturo pa nga ako sa kuya ko eh. Sobrang special niya sakin. I thought this love would last forever pero nagkamali ako. Bigla na lang nanlamig kami at nawala yung love. I tried na ayusin pero wala na.

Sobrang down ko that time. That's when I learned how to drink and smoke. I learned the meaning of YOLO.

Never ako nanloko ng babae kahit gaano ako nasaktan.Weird ba? Kasi ayoko ng gumaganti. My parents taught me not to revenge. It is not good especially babae ang gagantihan mo.

The day nung event na kinukwento ni Breanna kung san kami unang nakita, yun yung day na nagdecide ako kalimutan si Nix. Sinabi ko sa sarili ko na tama na ang pagpapakatanga. Wala rin akong balita sa kanya.

Wala ako sa sariling naglakad lakad. Then, may natamaan akong girl. Hala.

"Ui miss sorry."

"No. It's okay. Ako yung may kasalanan."

"No. Ako talaga. "

"Ay kuya ako nga diba?"

"Hahahaha!"

"What's funny?"

"Ikaw"

"Bakit ako?"

"Ganito. Ililibre na lang kita ok?"

"Hindi pwede."

"And why?"

"BECAUSE Daddy told me not to go with strangers and I need to go. Bye."

"Wait. I'm Xander and you are....?"

"Breanna. Breanna dela Cruz."

"Nice meeting you."

And dun ko nakilala si Breanna. Ang simple lang niya. Siya yung tipo ng girl na kahit hindi mag-ayos cute pa rin. Cute siya pero it doesn't mean na gusto ko siya....That Time.

Yes. Gusto ko na siya. Ang bait niya and lahat ng bagay nakikita niya yung brighter side. Masaya siya kasama. Walang arte sa katawan.

Lagi din kami magkachat. Nakakatawa siya sobra.

Nainis ako kanina kasi bigla ba namang niyakap si Breanna ni Zac. Ayoko ipahalata na gusto ko siya kasi kahit ako hindi pa sigurado sa nararamdaman ko.

For now, hanggang kaibigan lang kami.

"Ui Xander! Asan na si Bree?"

"Nilayo ko na sayo."

"Hala! Ano ginawa mo sa kanya?"

"Nilibing ko na para hindi mo mayakap."

"Huhuhuhu! Ang sama mo Xander! Bakit? Bakit mo siya nilibing. Huhuhuhu! Bree. Asan ka na? Aray!"

"Tumahimik ka nga."

"Bakit mo kasi ako binatukan? Nasaan na ba si Bree? Huhuhuhu. Wala man lang akong goodbye kiss?"

"Hoy Zac Belmonte, tumigil ka kung ayaw mong ingudngod kita sa lupa. Makauwi na nga."

"Ui sandali lang. Diba may pasok na tayo bukas? Tapos masungit ka?"

"Ano naman?"

"Sige ka. Di ko sasabihin sino ang totoong gusto ni Bree. Uwi na rin ako."

"Wait. Sino ba?"

"Ayoko sabihin."

"Treat kita ng pagkain."

"Ayoko pa rin."

"O sige ano kapalit?"

"Hayaan mo ako maging malapit kay Bree."

"What?! Hindi pwede."

"Edi wala kang malalaman."

"Aisshh. Bahala ka!"

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon