Bree's POV
Nasa sasakyan ako ngayon ni Xander. Maaga niya ako sinundo.
"Hey ok ka lang ba Babe?"
"Ah. Yeah medyo hindi lang ako nakatulog kagabi."
Nag-alala naman si Xander. Hinaplos niya ang mukha ko to check if I am okay.
"Bakit? May masakit ba sa iyo?"
"Wag kang OA. Pumunta kasi sa bahay namin si Z kagabi. Actually, nasa bahay pa siya ngayon?"
"What? Ano naman ginawa niya dun?"
"Babe, kasi po ayaw kumain ni Ayessa. Tinawagan niya si Z. Ayun, pumunta naman siya. Wag kang sisimangot kasi di ka na cute niyan."
"Hay. Mukhang ayaw sa akin ng kapatid mo."
"No. Matatanggap ka nun. Nagulat lang siguro siya."
"Thank you Babe. Mahal na mahal kita."
Nilapit ni Xander ang mukha niya sa akin. OMG. Hahahalikan niya ba ako? Wait, di pa ako ready.
Dahan dahan akong pumikit. Nararamdaman ko na ang hininga niya. Ito na..
Nagulat ako nang may labing dumampi sa noo ko.
Ay bitin. Kainis
Hindi ko na lang siya papansinin. Pabitin bwiset!
Dumating na kami sa UP. Di ko pa rin siya pinapansin.
Bahala siya diyan
"Babe, bakit di mo ako pinapansin?"
"Wala."
"Eh. Babe naman eh. Please na wag mo akong pahirapan."
"Wala."
"Sige na. Please."
"Wala."
"Ah. Alam ko na."
Tapos ngumisi siya. Nakakahiya nito.
"Ano?"
"Nabitin ka kanina noh? Akala mo hahalikan kita?"
"Bahala ka. Kainis." Umalis na ako. Hinabol naman niya ako.
"Wait. Sorry na. Kasi gusto ko maging memorable ang first kiss natin diba?"
"Bahala ka!"
"Bree ano yun?"
Tumuro siya sa Sunken Garden. Tinignan ko naman.
Maraming tao doon. May malalaking letters nakasulat, I LOVE YOU BREE! -X
Tapos maraming hearts sa paligid. Yung mga tao isa isang lumapit sa akin at nagbibigay ng rose.
Nagsalita si Xander
"You are my everything. Thank you for giving your love. Kahit hindi ako kasing kulit ni Zac, alam ko namang ako ang nagpapangiti sayo. Hindi man ako kasing cool ni Nathan, alam ko namang proud kang ako ang boyfriend mo. I, Xander Lee, love Breanna dela Cruz with all my heart now and forever."
Tapos niyakap niya ako.
Ako na ang pinakamaswerteng babae.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko and we kissed.
It's magical. My first kiss is perfect. I kissed the guy I loved.
"Mahal rin kita Xander. Thank you for making my First Kiss Memorable."
"What? Ehh.. Seryoso ka ba?"
Namumula siya cute.
"Oo nga. Ang cute mo mahiya. Namumula ka."
"Aiisshh. Kasi naman eh."
"Hay. You never failed to make me smile. I love you."
"Alam mo ang lakas mo magpakilig eh."
"HAHAHAHA!"
Niyakap niya ako.
"Ehem! Pwedeng bumitaw." si Jovin.
"Hi Babe!"
"Tigilan mo ako Breanna. Hindi mo man lang sinabi nakapili ka na!"
"Sorry na. Biglaan ang pangyayari eh."
"Ewan ko sayo. Hmmp!"
"Sorry na nga eh. Ayaw mo nun sayo na si Z?"
"Ay oo nga noh?"
"Oh diba? Bati na tayo ah."
"Sige na nga."
Niyakap ko si Jovin. Namiss ko siya.
"HOY! Jovin bitaw. Bree, lalaki pa rin yan. Bawal yumakap. Ako na lang yakapin mo."
"Sus. Inggit ka lang eh." Niyakap ko siya.
"Yun oh. Sarap naman."
"Tama na yan! Echosera ka Xander. Parang yakap lang eh."
"Manahimik ka nga."
"Hahahaha! Tama na yan. Babe, may class pa ako."
"Ay oo nga."
Habang naglalakad kami pinagtitinginan kami ng tao.
Hinigpitan ko yung hawak sa kamay ni Xander.
"Why?"
"Nahihiya ako. Ang daming nakatingin eh."
"Don't be. Ang ganda kaya ng girlfriend ko. Wait lang."
Tumayo si Xander sa Hagdan tapos sumigaw.
"GUYS! KILALA NIYO BA ANG GIRLFRIEND KO? SIYA SI BREANNA DELA CRUZ. MAHAL NA MAHAL KO YUN!"
Ok. Hihimatayin na ako sa kilig.
Yung mga tao naman naghihiyawan.
"Mas nahiya ako dahil sa ginawa mo."
"Di ba nagustuhan ng babe ko?"
"Err- masyado ka ng sweet."
"Mahal mo naman."
After nun, pumunta na kaming class namin.
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito.
Sana matanggap na siya ni Ayessa.
Sana ok na kami ni Z.
Sana walang magbago.
BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?