Nicole's POV
"Bitiwan mo ako Andie! Ouch! Ano ba?" Nakakatakot si Andie. He pinned n the wall and kiss me hungrily.
Hinahalikan niya ako pero ramdam ko ang galit sa bawat dampi ng labi niya. Ito ba? Ito ba ang gusto ko?Hinahalikan niya nga ako pero nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Naramdaman ko na lang na inaangat niya ang dress ko. I immediately push him away. Nakita ko naman na nagulat siya.
"What? Hindi ba ito ang gusto mo?" He kisses me again and this time nalalasahan ko na yung pinaghalong alak at dugo sa bawat halik niya. Hindi siya umiinom ah ngayon lang siya uminom. I pushed him harder.
"Andie! You're drunk."
"Tsk. Ano naman? Diba ito naman ang gusto mo? Mapunta ako sayo diba?"He is inches away from me.
"Yes. I like you. I would want to have you but not like this."
"Tsk. Bitch. Kunwari ka pa."
I slap him so hard.
"Ano?! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo, Andie! Hindi ka naman ganyan. Mahal kita, oo pero may paggalang pa rin ako sa sarili ako. Hindi ako ganoong kadesperada para lang bastusin mo!" ramdam ko ang mga luha sa aking mata.
"You know what? Ang dami mong arte! Ikaw na nga ang pinagbibigyan ko tapos ikaw pa ang aarte?"
"You know what? Hindi ikaw yung minahal kong Xander. Nagkakaganyan ka dahil sa babaeng hindi ka naman na mahal?"
"Ha-ha-ha! Eh ano naman sa iyo? Sinira mo nga kami eh. Alam mo yung mas masakit pa doon? Kasi habang buhay ko pagsisisihan na nawala si Bree sa akin. Nicole, bakit ba kasi hindi na lang ako ang minahal niya? Hindi naman ako masama ah." Unti-unting bumagsak si Xander. Umiiyak ang taong mahal ko. Sinaktan niya ako kanina. Natakot ako pero ngayon nasa harap ko ang isang mahinang Xander na kailangan ng kaibigan. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Sshh. Andie, huwag ka ng umiyak. I don't want to see you get hurt because I love you. I'm sorry sa nasabi ko kanina. Lahat ng tao may kabutihang itinatago. Kahit pa ang pinakamasungit na taong kilala ko, alam ko at sigurado ako na may pagmamahal pa rin at kabutihan sa puso nila pero hindi iyon nakikita ng iba. Andie, nandito lang ako palagi para sa iyo."
"Nix? Bakit? Bakit mo ako minahal? Bakit mo ako pinagtyatyagaan kahit nasaktan kita?" nakita ko ang lungkot sa mata niya.
"Hindi kailangan ng rason para mahalin ang isang tao. Hindi mo naman ako pinilit na mahalin ka. Hindi natuturuan ang puso. Ang babae kapag nagmahal kami kahit ilang ulit niyo pa kaming saktan bibigyan pa rin namin kayo ng pagkakataon ulit. Hindi kami magsasawang patawarin ang taong mahal namin. Pinanganak siguro kaing martir."
"Bakit ba hindi na lang ikaw ang mahal ko?"

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?