First Semester 30

135 7 7
                                    

Bree's POV

Kinakabahan ako ngayon. Nasa bahay kami ni Xander. Pumunta kami agad dito para masabi kina Mommy and Daddy.

Actually, masaya ako sa desisyon ko pero masakit rin kasi alam kong nasaktan ko si Z. Nabobother ako. Bakit ba kasi hindi na lang siya ang minahal ko? Mahirap turuan ang puso.

"Hey, ok ka lang?"

"Yup. Iniisip ko lang si Z."

"Why? Siya ba ang mahal mo? Pwede naman kita ibigay sa kanya. Ganun kita kamahal. Kaya kong magparaya."

I hold his hand.

"No, ikaw nga pinili ko diba? It's just that nasaktan ko ang best friend ko. Sinabi ko kasi sa kanya noon na hindi ko na siya ulit sasaktan eh. Tapos ito ginawa ko sa kanya. Sinubukan ko naman eh. Kaso hindi ko talaga kayang mahalin siya ng higit pa sa kaibigan."

Niyakap ako ni Xander. Iba ang pakiramdam ko. Boyfriend ko na pala siya. Hindi pa rin ko makapaniwala.

"Shh. Tama na Bree. Wala kang kasalanan. Mas masasaktan mo siya kung makikita ka niyang nagkakaganyan. Mahal na mahal ka ni Zac. Alam ko yun. Hindi niya kayang magalit sayo habang buhay. Mas masakit para sa kanya na pipiliin mo siya pero hindi mo naman siya mahal."

"Kahit na. Nasaktan ko pa rin siya."

"Hindi naman mawawala yung sakit eh. Mahal ka niya, normal lang na masaktan siya kahit ayaw mo."

Tama si Xander. Siguro tama nga ang ginawa ko.

"Hi ate! Kuya Xander?"

Dumating na pala si Ayessa. Nagulat siya kasi nakita niya akong umiiyak at nakayakap kay Xander.

"Nandyan ka na pala. Uhm, Ayessa. Sinagot ko na si Xander."

"What? Sigurado ka ba diyan ate? Paano si Kuya Z?"

"Alam na niya."

"Psh. Bahala ka."

Umakyat na si Ayessa sa room niya. Sigurado ako galit yun. Kakausapin ko na lang siya mamaya.

"Ayaw ata sa akin ng kapatid mo."

"Sorry ah. Baka pagod lang yun. Alam mo na, busy rin kasi siya."

"Yeah right."

Dumating na rin si Mommy and Daddy.

"Good evening po Tito and Tita."

"Hi Mommy and Daddy!"

"Good evening rin Xander. Ah Bree, bakit siya lang ang nandito?"

"Anak, nasaan si Zac?"

"Ah kasi po ma. Sinagot ko na po si Xander."

"Ah. Bree, pwede bang iwan mo muna kami ni Xander at ng Mommy mo?"

"Sige po. Punta lang ako kay Ayessa."

Umakyat na rin ako. Hindi ako kinakabahan. Wala naman kasing masama sa ginawa ko eh.

"Ayessa?"

"Tulog ako. Umalis ka."

"Wag kang rude. Paano ka natutulog kung nagsasalita ka?"

"Nakapikit malamang. Wag ka ngang magulo."

"Ayessa, tumayo ka diyan. Mag-uusap tayo."

Since mas matanda ako dapat niya akong sundin

"Fine. Ano ba kailangan mo?"

"About sa kanina."

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon