Xander's POV
Hindi ko alam paano sasabihin kay Bree lahat. Do not judge me. Hindi naman kasi madali ang sitwasyon ko. Magkaibigan ang girlfriend ko at ang ex-girlfriend ko. Hindi ko naman gusto maglihim kay Bree pero ang hirap kasi lalo na at alam ko na may feelings pa rin sa akin si Nicole.
Bukas sasabihin ko na kay Bree. I don't care kung ano man ang mangyayari kailngan ko sabihin ang totoo habang maaga pa.
Zac Belmonte calling...
"Zac?"
"Fvck you, Lee! Sinungaling ka!"
"Ha? Hindi kita maintindihan. Anong pinagsasabi mo?"
"Nasaan ka? Pumunta ka sa ngayon sa Metropoint 88."
"Teka, club yan ah."
"Pumunta ka na lang."
Pumunta na lang rin ako. Hindi ko alam kung anong problema ni Zac. Ngayon ko lang siya narinig ng ganun kagalit.
Pagkarating ko doon, naghihintay si Zac sa labas ng club. Mukhang kanina pa siya umiinom.
Pagkalingon niya sa akin bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa akin. Lumapit na rin ako, pagkalapit ko bigla niya akng sinapak.
Natumba ako at inulit niya pa ang suntok sa akin. Nag-aapoy ang mga mata niya sa galit. Halos mahimatay na ako dahil sa suntok niya.
Akala ko mamamatay na ako right at that moment. Bigla na lang siyang tumayo at lumayo sa akin.
"Tumayo ka na diyan habang nakapagtitimpi pa ako."
"Halos mamatay na ako kaninadahil sa suntok mo tapos nagtitimpi ka pa ng lagay na yun?"
"Xander Lee, you have two minutes to explain your side. Make sure it is a good one or else hindi lang pasa sa mukha ang makukuha mo."
"Teka, Hindi ko naman alam kung anong sinasabi mo eh."
"I heard everything from Nicole, your ex-girlfriend right?"
"Yes. Hindi ko naman na siya mahal."
"Such a liar!"
"Zac, makinig ka. Nakaraan na sa amin yun. si Breanna na ang mahal ko. Ano ba ang sinabi niya sa iyo?"
"She told me that you both love each other. Balak mo pang iwanan si Bree para sa kanya."
"What the heck? Hindi totoo iyan. Oo, mahal ko si Nix pero bilang kaibigan na lang yun. Nothing more than that. I love Bree. I really do, so please wag mo akong pagdudahan."
"Then, ano ito?"
He handed me the photos. Ito yung photos namin ni Nix noong kami pa. Nagulat ako sa pinakahuling picture. Ito yung nagkita kami sa Shopping Center. Noong hinalikan niya ako.

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?