Chemistry Laboratory...
"Ok. Paghahaluin ko lang itong chemicals tapos..."
"Boo!"
"Ahh! What the heck Nathan. Buti di natapon ito."
"Sus ginulat ka lang eh."
"Kahit na. Dapat nasa lugar ang panggugoodtime."
"Galit ka na niyan?"
"Nakakainis ka kasi eh."
"Sorry na." Ginulo niya yung buhok ko.
"Pshh."
"Mahal naman kita eh."
"Ano?"
"Wala. Sabi ko bilisan mo na marami pa tayong experiment na gagawin."
Narinig ko naman talaga kaso hindi pa rin ako makapaniwala.
Ang swerte ko naman. I have 3 guys na gusto ako.
Teka nasaan ba yung test tube? Aissh. Si Nathan talaga.
"Nathan akin na yung test tube. Di ka naman tumutulong eh."
"Sorry. I love you naman eh."
"Nathan, yang mga salitang yan sinasabi kung seryoso ka talaga."
Lumapit siya akin at tinapat ang mukha niya sa mukha ko.
"Tingin mo ba hindi ako seryoso?"
"Ehemm!" Si Z yun. Pasaway talaga.
Umalis na lang kami ni Nathan.
Ako muna ang nagbantay sa hot plate para sa experiment namin.
May napapansin ako. Tingin ng tingin si Ana kay Nathan.
Umupo sa tabi ko si Nathan. Nasa isang table kaming dalawa. Yung ibang students may ibang ginagawa.
"Bree, gusto mo sumama manuod ng game ng Ateneo mamaya? My treat."
"Ah. Anong oras ba?"
"2:30 PM."
"Eh? Sino bang kasama?"
"Friends ko and their girls."
"Isasama mo lang ako kasi wala kang partner noh?"
"Well, sooner or later you'll be MY girl naman eh."
"Guys, did you see my ballpen?" si Ana yun. Hindi ko alam kung matatawa ako sa reaction ni Nathan o ano eh.
"Wala eh. Sorry."
"But I made it iwan here kasi kanina."
"Ana, paano mo maiiwan yun dito? Bawal maglapit ng kahit anong bagay rito."
"Eh. Kahit na. Isa pa, why are you making usap kay Breanna?"
"Masama ba? She is the girl I like."
"No! I like you. She is so pangit kaya. Girl, can you please stay malayo kay Nathan. Mej nakakairita ka. Ang lala mo please."
"Stop it Ana."
"Ugh. Whatevs."
Umalis na lang siya. Hindi ko na masyado pinansin kasi nga buay ako sa experiment.
"Sorry ah."
"Ok lang. Gusto ka pala niya bakit di na lang siya nagustuhan mo?"
"Dati pa yan may gusto sa akin. I just don't like her."
BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?