Bree's POV
Naglakad lang ako ng naglakad. Ayoko munang pumasok kasi yung class ko ay class rin ni Xander. Ayoko muna siya makita. Ayoko rin namang umuwi sa bahay ng ganito itsura ko.
"Aray. Aissh."
"Sorry miss."
"Paolo Roxas?"
"Hi Bree. Uhm. Wait ano nangyari sayo?"
"Wala."
"I know a place. Wala rin naman akong class. I can listen to everything. Haha!"
"Sige. Ayoko rin naman ng pumasok."
"Cutting classes? Medyo bad girl."
"Tara na."
We drove sa isang ice cream parlor.
"Ice cream parlor?"
"Yes. Dito ako tumatambay kapag may problema ako eh."
"Fine."
Pumasok na kami. Pumunta kami sa counter para umorder.
"Hi Ma'am and Sir!"
"Hi. Bigyan mo ako ng chocolate chip ice cream. Ikaw, Bree?"
"Vanilla na lang. Magkano ba?"
"Seriously? Tingin mo pagbabayarin kita? My treat."
"Oo nga ma'am. Yung boyfriend dapat ang nagbabayad. Ang cute niyo pong tignan." Boyfriend? Yung boyfriend ko nga niloko ako eh.
"Ay ate, di ko po siya girlfriend. Kaibigan ko lang po siya."
"Ganun ba? Sige po sir akin ka na lang. Hehehehe joke lang po.
"Sige na ate. Hahaha. Eto na po yung bayad."
Umupo na kami malapit sa bintana ng shop.
"Pwede ka na magkwento."
"Paolo kasi.."
"Pao na lang."
"Pao, naranasan mo na bang magmahal? Yung tipong first time mo mahal akala mo siya na nga pero hindi pala. Niloloko ka lang pala niya?"
"Yeah. I used to love my ex kaso mas mahal niya talaga yung Xander Lee na yun eh."
"Wait, Xander Lee? So ang girlfriend mo ay si Nicole Fernandez?"
"Paano mo nalaman?Are you guys related?"
"Nope. Actually ex ko na si Xander ngayon. Anong alam mo kay Nicole? Bakit kayo nagbreak?"
"Teka, ang alam ko ikaw ang may problema ah. Bakit ako ang tinatanong mo?"
"Sagutin mo na lang."
"Fine. Nicole is a lovely girl. Nagkakilala kami noong high school pa lang kami. Since then, crush ko na siya. Niligawan ko siya kasi akala ko single pa siya."
"Wait, akala?"
"Yes. Hindi naman niya sinabi sa akin na may boyfriend siya pero tumanggi siya na magpaligaw pero hindi ako tumigil kaya naging kami. Late ko na nalaman na may boyfriend pala siya at nakipaghiwalay doon. Masaya naman kami until one time may nakita akong box na puro memories nila ni Xander. I confronted her and much to my surprise, she still loves him. Kaya nga excited si Nicole mag-aral dito eh."
"Mahal mo pa siya?"
"Yes then No."
"Ha? Magulo ah."

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Fiksi RemajaNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?