First Semester 5

214 23 2
                                        

"Hatid ka na namin."

"Ah hindi ok lang. Susunduin ako."

"Huwag ka ng pasaway. Hatid ka na namin.Saan ka ba susunduin?"

"Ah sa acad oval sa tapat ng Vinson's hall."

"Tara na."

Habang naglalakad kami papuntang Vinson's, di ko mapaigilang mapaisip. Bakit ganun ang naging reaction ni Xander kanina? Napikon ba siya dahil umamin(daw) ako kay Zac? Pero bakit?

Nakatitig lang ako sa likod niya. Hindi siya sumabay sakin maglakad. Si Zac nagpahuli kasi ang bagal kumain. Narealize ko, ang broad ng shoulders niya. Yung height niya sakto lang sa height ko. Sinabayan ko siya maglakad kasi parang dumidistansya siya sakin.

"Xander, ok ka lang?"

"Huh? Oo naman."

"Sure ka? Kasi parang bigla ka natahimik."

"Wala may naisip lang ako."

"Ano naman yun?"

"Wala. Basta."

"Ok."

Tapos tahimik na ulit kaming naglakad. Walang gustong magsalita. Ang awkward ng paligid. Alam ko may mali eh. Try ko ulit.

"Breanna."

"Xander."

Nagkasabay pa kami.

"Sige mauna ka na, Xander."

"No. Ikaw na."

"Ang yung kanina kasi...."

Tama ba toh? Sisirain ko yung plano kapag sinabi ko ito ngayon eh. Paktay ako kay Zac. Bahala na. Ang alam ko lang ayokong magalit si Xander sa akin.

"Kasi?"

"Hindi ko naman talaga gusto si Zac. Hindi rin ako nagconfess sa kanya."

"Talaga?"

"Oo nga. Promise. Hindi naman siya ang gusto ko."

"Eh sino pala?"

"Ha? Ah eh. Secret muna pwede?"

"Secret? Kilala ko ba yun?"

"Eh... basta."

"Ok. Sabi mo eh. Panatag na ako."

"Huh?"

"Wala."

"Ano naman sasabihin mo?"

"May boyfriend ka na ba?"

"Ha?! Wala noh. Studies muna."

"Oh good. Buti naman."

"Ano mabuti dun?"

"Huwag ka muna magpapaligaw....hintayin mo ako."

"Ano?"

"Wala. Ang sabi ko ayun na yung driver niyo oh. Umuwi ka na."

Beep! Beep!

Ano ba yang si Kuya Dan oh. Wrong timing naman.

"Ok. Sige bye."

"Bye Breanna."

"Sige, kita na lang bukas sa class."

"Yeah. Ingat ka."

"Ano kala mo sakin shunga?"

"Hindi ba?"

"Leche flan ka!"

"What? Sweet naman yung leche flan."

"Siraulo."

"Loka."

"Baliw."

Di ko na narinig yung sinabi niya kasi pinaandar na ni Kuya Dan yung sasakyan.

"Hi ma'am. Mukhang masaya kayo ah."

"Kuya Dan, Bree na lang po. Nakakailang kasi eh."

"Ay sorry ma'am este Bree pala. "

"Kuya Dan naman po eh."

"Mukhang masaya ka ngayon ah?"

"Medyo po. Nag-enjoy po ako eh."

"Maganda yan. Ienjoy mo muna ang college. Next time na ang lovelife."

"Kuya Dan naman. Wala nga akong lovelife eh."

"Sige sige. Sino yung kasama mo kanina?"

"Ah. Si Xander po. Blockmate ko."

"Mukha siyang mabait."

"Ah opo. May pagkamoody lang po."

"Ganun ba? Palagay ko boto si sir sa kanya?"

"Pano niyo po nasabi?"

"Bree, matagal ko ng kasama si Sir. Madalas natatakot siyang dumating ang araw na mag-aasawa ka na at iiwan mo siya. "

"Imposible naman pong iwan namin siya."

"Pero kung si Xander ang makakatuluyan mo. Magiging panatag si sir."

"Nako Kuya Dan. Kakakilala ko lang po dun eh."

"Ewan ko lang. Basta nararamdaman ko."

"Hahahaha! ewan ko lang po."

Totoo kaya yun? Matutuwa nga ba sina Daddy kapag si Xander nakatuluyan ko?

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon